".............But for now I only want one thing, and that is to be part of his property"
-Callista Elora Alegria-
Halos isang linggo kong iniwasan si Austine dahil sa nangyari, to be exact 4 days ko siya iniiwasan. Mahirap dahil classmate kami, pero ramdam ko pati siya naiilang din pag magkasama kami.
During Lunch time I go with my other female classmate. Siya ganun din naman, nakikita ko siya kasama ng mga lalaki naming kaklase. Hindi na din ako sumasabay sa kanya sa pag-uwi, even though tinatanong naman niya ako kung gusto kong sumabay sa kanya, but I always declined it.
Sabado ngayon ang naghahanda na ako para sa gaganaping Acquaintance Party ng university. It’s a traditional welcome party para sa lahat ng freshmen sa school mula sa iba't ibang department, at kahit ayaw ko man wala din akong choice dahil we are required to attend.
Si Maddie ang sumundo sa aking sa apartment, sabay na din kaming nag tungo sa hall kung saan gaganapin ang party. There's already a lot of students when we enter. Humanap lang kami ng Maddie ng isang bakanteng table para doon umupo, kaso wala kaming makita.
"Maddison, Calli" tawag sa amin ng isang lalaki sa di kalayuan sabay kaway sa amin. Hindi ko ito masyadong makilala dahil medyo madilim na din ang palingid.
Lumapit kami dito. Si Seb pala ang tumawag sa amin ang kambal ni Maddie. Yes, kambal sila hindi nga lang halata pero totoong kambal sila.
"Dito na kayo umupo may bakante pa dito" turan muli ni Seb pagkalapit namin.
Sakto naman dahil may dalawa pang bakanteng upuan sa table nila sakto para sa amin dalawa ni Maddie. Kaso hindi ko lang sure kung tama ba na dito kami maupo, nandito din kasi si Austine at matalim na nakatingin sa akin.
Wala naman na akong nagawa ng umupo na si Maddie sa isang bakanteng upuan. Gusto ko nga sana siya hilahin para makipagpalit ng upuan dahil sa ginawa niya tanging ang upuan nalang sa tabi ni Austine ang bakante.
Kahit hindi kumportable nagawa ko pa din umupo sa tabi niya. "Ano ba yang suot mo ang iksi, sobrang hapit pa" pabulong na wika ni Austine sa ‘kin. Tila hindi naman ito narinig ng mga kasamahan ko dahil patuloy lang sila sa pagkukwentuhan.
Aminado naman ako na maiksi at hapit talaga itong suot ko. Hindi naman kasi ito sa akin kay Maddie kasi ito, pinahiram niya lang sa akin dahil wala talaga akong susuutin ngayong gabi.
Isang kulay itim na tube dress ang suot ko ngayon. Hanggang kalahati ng hita ang haba nito, kaya naman konting maling kilos ko lang panigurado makikitaan ako. Hapit na hapit din ito sa katawan ko. Kitang kita tuloy ang kurba ng aking katawan. I have a gifted breast kaya siguradong kita-kita din ang cleavage ko.
Maddie stand up together with the other guys on our table when the upbeat music play. Inaya ako ni Maddie na sumama pero tumangi ako. Hindi naman kasi din ako marunong sumayaw kaya mas pinili ko nalang pumirmi dito sa aming lamesa.
Naiwan kaming dalawa ni Austine dito sa lamesa namin. Nakita ko naman na hinubad nito ang coat niya at inilagay niya ito sa aking balikan.
"Suot mo na yan, pinagtitinginan ka ng madami dahil sa suot mo" wika uli nito.
"Salamat" nahihiyang tugon ko naman."Kay Maddie kasi itong damit, hiniram ko lang. Wala naman kasi akong maisusuot dito kung hindi niya ako pinahiram" paliwanag ko pa.
Nanatili namang tahimik lang si Austine, pero ramdam ko ng ilapit nito ang kanya upuan mas malapit sa pwesto ko.
Tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom at makakain para na din sana makaiwas sa lalaki dahil naiilang ako ngayon ng bigla niya akong pigilan sa aking kamay. "San ka pupunta?" tanong nito
"Kukuha lang pagkain at maiinom" tugon ko naman.
"Ako na ang kukuha" sabi naman niya sabay tayo. Wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang kanyang likuran na papalayo sa akin.
Tuloy lang ang maingay na tugtugan na umuokopa sa loob ng hall. Ilang sandali pa ay bumalik na din si Austine dala ang pagkain ang inumin na para sa akin. Bumalik na din sila Maddie at kumuha na din sila ng kani-kanilang pagkain.
Tuloy lang ang kwentuhan ng lahat, paminsan-minsan ay nakikisali din ako sa usapan. Napalitan ng isang malamyos na awitin ang paligid. Slowly the dance floor filled with couples who are dancing sweetly. Edner, who happen to be Maddie's suitor approach our table and asked Maddie to dance with him, at itong kaibigan ko naman wala manlang atang pagka Maria Clara sa katawan at agad-agad na sumama, kahit pa masama na naman ang tingin ng kambal nito sa lalaki.
I was just sitting in our table silently, hindi naman sa naiinip ako. Nag-eenjoy naman talaga ako, ayaw ko lang talagang sumayaw at maki-party muna, siguro mamaya nalang pag lulalim na ang gabi maari pa.
A little longer, nakita ko si Amir na palapit sa pwesto namin. Binati nito si Austine pero wala namang reaksiyon ang huli. Bumaling naman ito sa akin matapos ang ilang sandali. "Can we dance Calli?" tanong nito
"I don't dance." wika ko naman.
"It's okay I'll guide you" turan pa nito sabay abot sa aking kamay.
Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa lalaki. Nilingon ko si Austine habang naglalakad ako palayo sa kanya. Matalim lang itong nakatingin sa aking dereksyon habang nakaigting ang mga panga na tila na pipigil ng galit. Hindi ko mabakas kung anong eksaktong eksprasyon ang nais niya ipabatid sa akin, pero isa lang ang sigurado ko, hindi iyon maganda.
"You look beautiful on your dress" Amir said while he was putting my hands on his shoulder.
"Thank you" nahihiya ko naman turan "Ikaw rin you look stunning on you suit" dagdag ko pa.
He hold my tiny waist delicately and then we stared dancing in a sweet motion. "Kanina ka pa?" tanong niya.
"Yeah a little. Maybe 30 minutes ago." ani ko naman.
"Oh I see, kanina pa nga kita hinahanap. Ate Angela and the other members are looking for you too" turan pa nito.
"I'll go to their table later para makita nila." sagot ko nalang sa kanya
"That's good" he responded
Nag-usap lang kami ng konti hanggang sa matapos ang malamyos na tugtugin.
Hinatid naman ako ni Amir sa aming lamesa pagkatapos, saglit din siya nakipag-usap kila Maddie at sa ibang mga lalaking kasama namin bago siya magpaalam.
Naupo naman ako sa tabi muli ni Austine. Pagkaupo ko sa tabi niya ay muli niyang nilagay ang kanyang coat sa aking balikat, subalit naramdaman kong hindi na niya inalis ang kanyang kamay sa pagkakaakbay sa akin. Nilingon ko lang siya pero malayo naman ang kanyang tingin, hinayaan ko nalang din at ni-relax ang aking katawan malapit sa kanya.
Ilang minuto pa ay muli ko siya nilingon at sinabi "Austine, punta tayo kila at Angela, kasama niya ang ibang club members hinahanap daw tayo, pakita lang tayo saglit."
Tumayo si Austine sabay abot sa aking kamay, "Let's go"
Suot ko pa rin ang coat niya at hawak kamay kaming tumungo kila ate Angela.
"Wow, is that really you Calli? You look different tonight, you look so gorgeous?" Ate Angela said ng makalapit kami.
"Thank you ate, ikaw din bagay sa'yo yang red dress mo" sabi ko naman. Totoo naman kasi ang ganda ni ate sa red dress niya tapos napakalinis pa ng pagkakatali ng kanyang mahabang buhok. Wala din siya ibang make up kundi ang red lipstick niya lang.
"Uy wag ka ngang ganyan, baka maniwala ako niya sa'yo" biro pa ni ate.
Tumagal kami sa pwesto nila ng halos kinse minuto, kwentuhan at kamustahan then nagpaalam na kami na babalik sa table namin.
On our way going back to our table, a love song suddenly occupied the whole place. Austine stop in the middle of the dance floor then he faced me.
"Let's dance." he said. It is not a request, or I can say it’s more on a command.
Tumango lang ako sa kanya then I placed my hands on his shoulder. He, on the other hand, he encircle his hands around my waist, showing everyone that I belong to him.
We just there in the middle of the crowd, standing, slowing dancing, without any words, just us in our own world.
Austine pulled me closer to him, I also encircled my arms around his neck closer. Our face are just inches a far from each other. I can smell his manly and minty scent, I can also feel his heavy breathing.
"I like you Calli" mahinang sambit niya pero sapat upang marining ko.
"I don't know what to say" pag-amin mo naman.
"Do you like me too?" tanong pa niya.
"You're my friend Austine" ani ko naman. Mula ng magsimula kami sumayaw hindi na natigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso. At sa bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig tila mas pinapabilis pa nito ang dating mabilis ng pintig ng aking puso.
"That's not what I'm asking" He replied.
Pinikit ko munang sandali ang aking mga mata bago muli salubingin ang kanyang mga tingin. I know Austine is special to me, hindi ko lang alam kung sapat na ba iyon para sabihing gusto ko siya. Mahalaga siya sa akin, at isa lang ang sigurado ko sa ngayon, ayaw ko siyang mawala sa akin. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba.
"You're special to me Austine, and yes I think I like you too" pag-amin ko naman sa kanya.
He didn't say any words, but I can see how his eyes glow with happiness. He pulled me much closer to him, we are now literally hugging each other now.
"You don't know how happy I am right now Calli." bulong niya sa aking tainga. "You are now mine Calli, You belong now to my property, do you understand?" dugtong pa nito sa malambing na tono.
Walang salitang lumabas sa aking bibig, tumango lang ako bilang pagsagot sa kanya.
Kapwa kami nakangiti ng bumalik kami sa aming lamesa. Tahimik lang kaming naupo habang pinakikinggan ang kwentuhan sa aming paligid. Panaka-nakang nararamdaman kong pinipisil ni Austine ang aking kamay na hindi na niya binitawa mula pa kanina.
Natapos na ang party, inihatid naman ako ni Austine sa aking tinutuluyan. Nang huminto ang kanyang sasakyan ay agad naman itong lumabas upang pagbuksan din ako.
Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan na akong makababa. Hawak pa rin niya ang aking kamay ng ako’y kanyang harapin. "Thank you Calli, you made this night memorable for me." turan pa nito sabay halik sa likod ng aking kamay.
"No Austine, ako nga ang dapat mag thank you sayo, sa dami ng babae sa paligid mo ako ang napili mo" nakangiti sabi ko naman sa kanya.
"You are mine now Calli, just mine" ani pa nito.
"Yes Austine, sayo lang ako" sagot ko naman.
Mabilis namang tinawid ni Austine ang aming pagitan, naramdaman ko nalang ang kanyang mga labi na dumampi sa akin. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat, pero agad din naman akong nakabawi ng unti-unting gumalaw ang kanyang labi. Hindi ako marunong humalik, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero ginaya ko lang ang bawat paggalaw niya.
Parehas naming habol ang aming paghinga ng maghiwalay ang aming mga labi. Dinikit lamang ni Austine ang kanyang noo sa aking noo habang hawak pa rin niya ang aking magkabilang pisngi.
Ilang sandali pa ay pareho na kaming nakabawi sa nangyari. Nagpaalam na din siya, umibis na siya sa kanyang sasakyan at minasdan ko nalang itong maglaho sa aking paningin bago ako tuluyan pumasok sa loob.
Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya ilang minuto ang makalipas.
--Thank you for tonight Love, sleep well......... I Love You my Elora--
I don't know what will happen tomorrow, hindi ko alam kung paano na ang pagkakaibigan naming dalawa. But for now I only want one thing, and that is to be part of his property.