Chapter 26 Wala pa rin po bang organ donor tanong ni Celena sa doctor ng anak na si Seoyon.Habang tumatagal ay lumalala na ang kondisyon ng anak. Sa ngayon wala pa talaga misis.Mahirap makahanap ng organ donor. Pero huwag po kayong mawalan ng pag-asa misis. Hindi ko po alam doc....habang tumatagal nakikitaan na siya ng pagbabago...alam kong wala siyang binabanggit sa amin ng tatay niya pero ramdam ko....ayaw lang niya kaming mag-alala. Huwag po tayong mawalan ng pag-asa misis.Bagsak ang mga balikat niya habang pauwi sa kanilang bahay. Natatakot siyang isang araw ay bigla na lang mawala ang anak sa kanila. Ang sabi noon ay aabutin lang ito ng edad twenty pataas kung hindi maoperahan ang anak at walang mahanap na donor. Sinalubong siya ni Ariel at niyakap.Tama na...magpakatatag ka pa

