Lies

1018 Words
Chapter 2. Three years later,, labing-tatlong gulang na siya.Nakaunan siya sa kanyang mga braso habang nakatanaw sa kabuuan ng hacienda Sander na pag-aari ng pamilya ng ina.Inilabas niya ang panyo mula sa bulsa.Pinakaiingatan niya ito.May burda ng palayaw nito ang panyong mula rito. Kumusta na kaya siya ngayon.Hoy di mo pa rin siya makalimutan no?!ito nanaman ang makukulit niyang mga pinsan.Anak ng uncle Zandro niya na kapatid ng ina. Zion umagang-umaga nambubuska ka nanaman diyan haha si Zoey.Umupo siya at nilingon ang mga ito.Hindi ko na siya nakita pa mula noon...sabi niya.Malay mo nakakasalubong mo lang siya hindi mo lang napapansin.Tumingin siya sa malayo.Sana nga makita ko pa siya ulit ...bulong niya sa hangin. Pabalik na siya sa hacienda ng makasalubong ang isang batang babae.Nakangiti ito sa kanya.Kaedad ng batang babaeng yon.Hindi kaya...nakatayo sila gitna ng daan at nakatitig sa isa't-isa.Kumusta ka na?tanong nito.Kilala mo ako?tanong niya. Dali mo namang makalimot..sa gubat sabi nito.Humakbang ang mga paa niya palapit dito.Inya..?nagulat ito sa itinawag niya.Ahhh...o-oo..ako nga.. Niyakap niya ito ng mahigpit pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito.Bakit hindi na niya makita ang kislap sa mga nito tulad nong una niya itong makita?Hindi na lang niya ito pinansin.Sa wakas nakita din kita ulit..kumusta ka na?tanong niya rito ayos naman ako sagot nito.Naglakad sila habang nagkwekwentuhan.Masayang-masaya ang puso niya pagkakita rito.Ang matapang na batang nagligtas sa kanya tatlong taon na ang nakaraan.Teka saan ka ba nakatira ngayon?tanong niya rito. Malapit lang doon itinuro nito ang mga kabahayan sa paligid ng hacienda.Akala ko sa labas ng hacienda kayo nakatira?tanong nito.Ahmmm kuwan lumipat na kasi kami sagot nito.Marami pa itong kwenento noong gabing makita siya nito sa kagubatan.Pero bakit ganon parang kulang sayang nararamdaman niya. Hay....naaalala mo yong kaibigan mo sa San Rafael?tanong ni Clarisse.Pinsan niya ito at nakatira sa kanila.Inampon ito ng mga magulang dahil ulila na ito sa magulang.Hmmmm tumango siya.Gusto ko siyang makita kaso di ko alam kung paano.Tatlong taon na ng umalis sila sa San Rafael para dito sa Maynila mamasukan ang mga magulang.Sa kompanyang pag-aari ng mga Grauntson ang pinapasukan ng kanyang ama.Isa ito sa napakaraming empleyado ng kompanya ng mga ito. Dati sa hacienda lang ang mga ito pero dahil sa pagsisikap ng ama nasa pagawaan na ito ng electronics at mas malaki ang sahod.Ayon pa rito ang mag-asawang Marco at Lexie Grauntson ang gumagastos sa pagpapagamot sa kanya. Alam mo bang siya ang prince charming ko sumasayaw-sayang pang sabi niya. Kapapanuod mo na yan ng fairy tales kaya ka ganyan naiiling na sabi ni Clarisse.Ang batang nakilala niya sa gubat ang nag-iisang anak ng mga Grauntson.Paglaki ko pakakasalan ko siya.Agad?hoy Soyeon.Pinalitan ng mga magulang ang palayaw niya dala ng pagiging masasakitin niya.Kasabihan at paniniwala ng matatanda pero wala namang nangyari.Aral muna bago Yan pag narinig ka ni tita naku pingot nanaman abot mo.Basta ba huwag kang magsusumbong haha.Nasa grade four na siya ngayon.Limitado ang mga kilos niya di tulad sa ibang bata dahil sa kalagayan niya.Hindi siya nakakapaglaro sa labas tulad ng ate Clarisse niya.Madalas naiingit siya sa mga kaedad. Pero wala naman siyang magagawa. Natahimik ka diyan kanina ang saya mo puna ni Clarisse.Naiinggit lang ako sa'yo ate kasi nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin,maglaro samantalang ako kailangan ko pang tumakas kay nanay para lang makalabas. Huwag kang mag-alala dito na lang ako maglalaro para may kasama ka sabi nito.Ok lang ako dito basta lagi mo akong bilhan ng bubble gum nakangising sabi niya sa pinsan. Mula ng makita niya si Inya ay lagi na niya itong kasama sa maghapong pamamasyal sa buong hacienda.Minsan inaya niya itong maglakad sa mapunong kagubatan.Kabisado na niya ang pasikot-sikot sa paligid.Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon.Nawala na rin ang takot niya sa dilim.Mackie...umuwi na tayo yaya nito.Bakit maaga pa naman tanong niya dito.Eh kasi nakakatakot pag dumilim baka mamaya maligae tayo sabi nito.Di ba hindi ka naman dating takot sa dilim?mas matapang ka pa nga kesa sa'kin dati.Ahh kasi noon yon.Ayoko na sa madilim natatakot ako sagot nito.Ok bumalik na tayo.Inabot niya ang kamay dito at magkahawak-kamay silang naglakad pabalik. Ganito sila palagi ni Inya.Tuwing bakasyon ay umuuwi sila ng mga magulang sa San Rafael at uuwi lang kapag pasukan na.Minsan naiiwan siya sa hacienda mag-isa at palagi niyang kasama si Inya.Ipinangako niya sa sarili once he grow up pakakasalan niya ito at magiging asawa.Mamahalin at alagaan niya ito.Talaga Mackie?tanong nit Hmmm....tango niya.Hindi na siya nito tinawag na Aki tulad ng gusto nito noon. Promise ha?tanong nito.Tumango siya. Madalas niya itong bigyan ng gifts na galing sa allowance na binibigay Ng mga magulang. Ano ka ba Mackie saway ni manang Delia ang katiwala at mayordoma nila.Matagal na rin itong naninilbihan sa kanila. Kaya ka napapagalitan ng papa mo dahil madaling nauubos ang perang binibigay sa'yo?Ano ba yan?tanong ng matanda.Necklace po para kay Inya....nakangiting sagot niya rito. Sino?Si Charlene?sus Inya na ba ang pangalan non ngayon?ano bang pinakain sa'yo ng batang yon at lagi kang nakadikit sa kanya?Halos ubusin mo ang pera sa kabibigay ng kung ano-ano sa kanya sermon nito sa kanya.Bakit ba lahat kayo galit at ayaw kay Inya?maging ang mga pinsan niya ay malayo ang loob sa babae.Nagtananong ka pa.Ikaw lang tong bulag sa kapintasan ng batang yon. Kilala ito ni Delia.Kung Anong klaseng pamilya meron ito opurtunista.Gahaman sa pera at talagang mukhang pera.Nagtataka siya kung paano nagkakilala ang alaga at ang anak na babae ng mga ito. Nakatira ang mga ito malapit sa hacienda.Gusto na nga sanang paalisin ito ng mag-asawang amo kaso may awang natitira pa ang mga ito para sa kanila.Laging pinagmumulan ng away ang tatay nitong si Arnold.Masyado kasi itong bilib sa sarili at akala mo kung sinong nakakaangat sa iba.Ganon din ang asawang si Alma.Namana ata ng mga anak ang ugali ng mga ito.Nag-aalala siya para sa alaga.Baka samantalanin ng mga ito ang kabaitan na ipinapakita nito sa anak nila.Napakamalditang bata at kung nandito sa hacienda akala mo kung sinong senyorita kung makapag-utos lalo na kung hindi nakatingin si Mackie.Kaya lahat ng katulong ilag sa dalagita.Mahalaga po si Inya sa'kin sapa siya ang babaeng pakakasalan ko sa future.Ay susmaryosep!Napakrus ang matanda sa pinagsasabi nito.Mahabaging langit huwag naman po sana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD