May humiwa sa balat niya. Iyon lang yata ang tanging paliwanag kung bakit nakaramdam si Ina ng matinding sakit sa braso niya, iyong pakiramdam na tila hinihiwa ang balat niya ng isang matulis na patalim. Pagkamulat niya sa mga mata niya, napagtanto niya na iyon nga ang eksaktong nangyayari. Literal nga na hinihiwa ni Tatum ang balat niya gamit ang pares ng tweezers. Nang mahilo siya sa takot sa ginawa sa kanya ni Tatum nahimatay ulit siya. Nang magkamalay ulit siya, may pakiramdaman naman siya na tinatahi ni Tatum ang balat niya. Kaya kusa na lamang pumikit ang mga mata niya. At sa ikatlong beses na nagkamalay siya, nakuha na niyang manatiling gising ang diwa niya. Nakita naman niya na pinagtatawan lang siya ng mokong. "Titingnan ko kung mawawalan ka na naman ng malay, sweetheart.

