Naalerto tuloy si Ina sa sinabi ng lalaki. "Ano? Bakit?" "Dahil hindi pa rin nakakasunod sa'tin dito si Usting. Isang oras na ang lumipas sa pinagkasunduan naming oras na magkikita kami rito." "Baka mali-late lang siya," aniya rito. "Siguro." Tatum rose to his full height, and his head was inches from bumping the ceiling. "Gusto kong manatili ka muna rito habang aalamin ko kung ano na ang nangyayari." Napa-panic na tuloy siya. "Iiwan mo ako rito?" "Mga isa o dalawang oras lang naman ako mawawala. Kailangan ko kasing balikan ang cabin para alamin kung ano na ang nangyayari kay Usting." "Pwes, sasama ako sa'yo pabalik." "Hindi pwede. Mananatili ka lang dito. Magiging sagabal ka lang sa pagbalik ko." Napatiim-bagang siya. "Naging sagabal ba ako sa'yo so far?" Ngunit inignora lang nit

