Mga Balita

250 Words
By: Michael Juha getmybox@hotmail.com  fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Year 2015: TV News Headline: "Kuwento ng pag-ibig sa gitna ng gubat?" Newspaper/Tabloid Headlines: "Wagas na pag-ibig ng Mt. Tigres!" Radio Balita: "Isang nakakapanindig-balahibo ngunit makabagbag-damdaming kuwento ng pag-ibig ang nadiskubre sa isang tagong kubo sa gubat ng Mt. Tigres. Nang tugisin ng mga awtoridad ang mga tumakas na illegal loggers sa lugar, aksidenteng natagpuan nila sa loob ng isang kubo ang isang kumpol ng mga papel na nakabalot pa sa isang plastic. At ang nakasulat dito ay ang isang kuwento at diary..." TV Drama Anthology Host: "Sadyang matalinghaga ang pag-ibig. Ito ay walang kinikilalang edad, walang kinikilalang sekswalidad, walang kinikilalang antas ng lipunan. Sabi nga nila, ang pag-ibig ay walang dahilan o paliwanag. Ito ay kusang sumisibol sa kahit na anong pagkakataon, sa kahit saang lugar o sa kahit na anong estado ng buhay. Kadalasan, ito ay hindi inaasahan. Kung minsan din, ito ay dumarating na lamang na parang isang masakit na biro ng tadhana. Ngunit kung ang isang pag-ibig ay wagas, mananatili itong matatag sa kabila ng matinding unos, dagok, at pagsubok sa buhay. Ito ang tema ng kuwentong inyong matutunghayan. Ang kuwentong ito ay base sa isang isinulat na kuwento ng pag-ibig na aksidenteng natagpuan sa loob ng isang barong-barong sa kasukalan ng Mt. Tigres. Kung saan dahil sa kamangha-manghang pag-iibigang naganap, ang lugar na ito ay tinagurian na ngayong "Santuwaryo Ng Pag-ibig". Samahan ninyo ako sa pagtuklas sa wagas na pagmamahalan nina Tob at Meg...  (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD