MAGAAN ANG pakiramdam ni Aliyah nang magising siya kinabukasan. Dito na siya kina Celestine nagpalipas ng gabi si Aliyah. Maaga siyang nagising dahil sasamahan niya ito na pumunta sa salon upang magpaayos. Ang usapan ay kasama ang ina nito ngunit sila na lang ang natuloy dahil ito at si Lavi naman ang nag-asikaso sa mismong venue ng pageant. Ang daddy naman ni Tine ang nag-asikaso pagdating sa seguridad. Dahil sa impluwensya nito, maraming mga guards ang pinakalat sa pagdarausan. "Parang gusto kong paiksian ang buhok ko," wika ni Celestine sa kaniya habang nakatingin ito sa sariling repleksyon sa salamin. Nakaupo si Aliyah sa gilid nito at na kasalukuyang tini-tream din ang buhok. Lumingon siya rito. "Ha? Bakit naman?" bahagyang nakakunot ang noo niya nang itanong iyon. Hindi naman sa h

