PABALIK-BALIK ang lakad ni Celestine habang nasa labas ng emergency room. Hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman ngayon. Halo-halo ang mga emosyon niya. Galit para kay Felix, awa at lungkot para kay Aliyah at pagsisisi para sa sarili. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Siya ang tunay na pakay ni Felix ngunit nadamay lang si Aliyah. Nakarinig siya ng mga yabag patungo sa kinaroroonan niya at nang malingunan niya ang mga parating, kaagad niyang inayos ang sarili. Hulas na ang make-up niya sa mukha at nakapaghlamos na siya kanina at ang buhok ay pinunggos na lang muna nang maayos. Lumapit sa kaniya ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya pati ang girlfriend nito. Nasa likuran ng mga ito si Lavi na namamaga rin ang mga mata mula sa pagkakaiyak kagaya ng mama niya. "Ana

