TATLONG ARAW na ang mabilis na lumipas, nalipat na sa pribadong kwarto si Aliyah. Nasalinan na rin ito ng dugo at bumubuti na ang pakiramdam. Nagkaroon na rin ito ng malay dalawang araw matapos itong maaksidente at ngayon, kahit nanghihina at may bendang nakabalot sa ulo at sa ibang parte ng katawan ay masasabing maswerte pa rin ito. Tahimik na pinagmamasdan ngayon ni Celestine ang nobya na mahimbing na nagpapahinga. "Tulog?" tanong ni Lavi nang makapasok ito. May dala itong isang basket ng iba-ibang klase ng prutas. Tumango siya. "Saan ka galing?" "Bumili ako ng prutas. Hindi na ako nakabalik kagabi kasi may biglaang meeting kami ng mga staff ko sa abroad." Ngumiti ito saka lumapit sa mesa. Doon isa-isa nitong nilabas ang mga prutas upang mahugasan. "Ayos lang. Nandito naman si ma

