Pag ba mahal mo yung tao hindi mo agad makakalimutan?
Baka nga siguro ganon diba kaya d agad nawawala sa isipan
O namimis lang nating yung tao tapos nanghihinayang tayo sa memories na nabuo na gusto nating ipag patuloy kaso di na pwede
"Via tanda mo pa ba ?" tinuro ni Patricia yung petsa ng kalindaryo na naka dikit sa may bobong
Tumango ako bilang sagot sa tanong nya
Medjo kumirot ng kunti ang puso ko nang malala ko kung anong petsa ngayon
Jan 1 ,2***
Petsa ng pagpapalaya namin sa isat-isa , ang ganda ng supresa nya diba? yung akala mo iba sya ,pero hindi pala
"Via s-so-rry" saad nya na ikinagugulat ko, dahil wala akong alam kung para saan
"Ha? Sorry for what wala ka namang kasalanan Shun " puno ng pagtataka ang aking utak dahil sa kanyang mga binitawang salita
"may nagawa akong mali Via sorry inaamin ko lasing ako non pero mahal kita " dugtong nya ,parang binagsakan akong ng malalaking bato at naka dagan sa puso ko at yung mga luha na pinipigilan kong lumabas ay nag sisiunahan na
At sa sakit na aking natamo ay nasampal ko ang kanyang kaliwang pisngi
" Anong klasing pag mamahal yan ? Anong klasing pagmamahal ang binigay mo ?napaka sakit naman na pagmamahal yan Shun " basag ang aking boses habang sinasambit ko ang bawat salita
Naka yuko lamang sya sa aking harapan , umiiyak din sya gaya ko
" 4 years na tayo pero bat ngayon pa? Shunnnnn bat ngayon pa!" hindi ko na napigilan napasigaw na ako sa subrang galit gusto ko syang sutokin gusto ko syang saktan ,maka bawi man lang sa sakit na binigay nya pero para saan pa diba
"Gusto kung e hinto na lang ang namamagitan satin Via ayukong nakikita kang nasasaktan dahil sakin " saad nya , awa at sakit ang naramdaman ko ngayon ,
"Ako pa naman diba? Mahal mo ako diba ? Shun bakit? Kasi mahal mo na yung babae ? Shun kung hahantong tayo sa ganito sana sa umpisa pa lang ginawa mo na .di yung papatagalin mo , para mo na din akong pinatay" mas lalo akong naiyak ,hindi ko inakala na aabot kami sa ganito
mag sisimula na naman akong mag isa , babangon sa umaga na hindi na sya kasama
No more calls or text na akong matatanggap na galing sa kanya
Tanda ko pa yung mga panahong iyon
down na down ako , lugmok , nag brebreakdown ako tuwing 3 AM gigising na umiiyak ,nakatulala at maraming katanungan na pumasok sa isip ko
gabi-gabing natutulog na mabigat ang pakiramdam , tinutulog nalang yung pait at sakit
lumalabas ng bahay at mag kukunwaring Ayo's lang
mag papanggap na masaya sa harap ng mga kaibigan ko
walang araw na Hindi ko sya namimis pero habang tumatagal natutunan ko din syang nakalimotan
Pero Hindi ko masasabing Hindi ko na sya Mahal
"Fryyttt.......hoyyyyy " may humampas sa Balikat ko ,at doon ako natauhan
"uy Cha ikay pala ,kanina Kapa?" saad ko at kinusot ang aking mata
"ay hindi ,hindi ,kanina pa ako dito nilalangaw na nga oh kita mo panis na yung beauty ko " bulalas nya sabay upo sa tabi ng table