— Fritzzel — Inis akong dumiretso sa library after ng nangyari sa 'min ni Van kanina. Nakakainis talaga siya! He... he just kissed me! Damn it. Nagwawalis lang ako sa loob ng library. Isang oras lang naman ako rito kaya okay lang. "Ah, miss!" Napatingin ako sa kumalabit sa 'kin. "Can you clean our place there?" maarteng tanong niya at itinuro pa ang pwesto nila. Keith. "Yeah. Sure," walang ganang sagot ko at lumapit sa pwesto nila roon. Naabutan kong nakaupo roon si Ara. Nanlaki pa nang bahagya ang mga mata niya nang nakita niya 'ko nang malapitan. "Are you a janitress? Why are you wearing our uniform?" natatawang tanong ni Keith na nagpataas ng kilay ko. Tiningnan niya pa 'ko mula ulo hanggang paa. "College ka na pero 'di mo alam na may punishment na community service, dito? Like

