PAGTAKAS KAY MR. Z

1610 Words
Nagsalubong ang kilay ko nang tumingin kay Mr. Z, hindi rin maipinta ang mukha ko. Saka, ano’ng dahilan at balak niya kaming dalhin? Wala naman kaming kasalanan sa kanya, ah? Hindi nga namin ito kilala mas lalong ngayong araw ko lamang siya nakita, kung hindi pa pinakita ni chief inspector ang picture nito kanina ay hindi ko ito makikila. Ngunit hindi ko hahayaan na magawa ang plano nito na basta na lang kaming dalhin niya ng walang dahilan. Kaya naman hindi na ako makapagtimpi. Mabilis din akong tumayo ay tumingin sa mga lalaki. “Ano’ng dahil ninyo at basta na lang ninyo kaming dadalhin? Bakit pulis ba kayo? Patingin ng warrant of arrest na dala-dala ninyo, kung wala kayong maipakita sa akin ay lumayas na kayo sa harap namin!” galit na pagtataboy ko sa kanila. Tumingin din ako kay Mr. Z, napapansin kong biglang dumilim ang mukha ni Mr. Mafia, ngunit wala akong pakialam. Ngunit pa-simple akong tumingin kay Jocita at gamit ang aking mata ay nagsenyas ako rito na tumayo at agad naman nitong sinunod ng dalaga. Kahit hindi pa dumarating ang mga pagkain na i-norder namin ay kailangan na naming umalis sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ano’ng dahilan at gusto nila kaming dalhin, teka nga, hindi kaya may atraso si Jocita sa Mafia Lord na ‘yun? Ngunit malabong mangyari ‘yun, dahil mabait ang aking kaibigan. Ah! Iwan! Bahala na nga! Sabay hawak ko sa kamay ni Jocita. “Takbo, Jocita!” bulalas ko sa aking kaibigan at mabilis ko itong hinala para makatakas kami sa mga lalaki. Saksong bukas naman ng pinto ng restaurant kaya walang kahirap-hirap kaming nakalabas. Ngunit bigla kaming napahinto sa pagtakbo nang may humarang sa amin ng mga lalaki. Kaya naman pa-simple akong bumulong sa dalaga. “Jo, makikipaglaban ako sa kanila para makatakas ka, basta pilitin mong makaalis sa lugar na ito, magkita na lang tayo sa bahay…” “M-Mich, paaano ka? Baka mahuli ka nila? Nag-aalala ako sa ‘yo,” kabadong sabi ni Jocita sa akin. “Remember, ako si SPO 3 Mich Gatchalian, kaya wala kang dapat na ipag-alala sa akin…” “Isa ka ngang pulis--- ngunit mafia lord ang kalaban mo ako ang natatakot para sa ‘yo, Mich---” “Shhh--- Basta magtiwala ka sa akin. Hindi tayo puwedeng magsabay na tumakas, sige na umalis ka na, mag-iingat ka, Jo---” Sabay tulak kay Jocita papalayo sa akin. Mabuti na lamang at hindi ito natumba, ngunit nakita kong nagtatakbo na ito papalayo sa amin. Sana lang ay hindi ito mahuli ng mga tauhan ni Mr. Z. Kaya naman para hindi nila mapansin si Jocita ay mabilis na umigkas ang aking paa para pagsisipain ang mga tauhan ng Mafia Lord na ‘yun. Napansin kong mabilis silang gumalaw at mukhang bihasa sila sa pakikipaglaban. Ngunit nagtataka rin ako dahil hindi nila pinapatulan ang aking pag-ataki at panay ang iwas lamang nila sa aking pag-ataki. Hanggang sa mapatingin ako sa pinto ng restaurant at nakita kong palalaabas na si Mr. Z. Peste! Hindi puwede ito, kailangan kong makatakas ora-mismo. Baka ang labas ko’y nasa ilog na ang katawang lupa ko at palutang-lutang na lamang at isa na lang malamig na bangkay. Kawawa naman ako. Hanggang sa mabilis akong umangat papunta sa ere at ilang beses nagtambling patungo sa ibabaw ng bubong ng jeepney. Tumingin muna ako sa mga kalaban ko at nakita kong papalapit na sila sa akin. Napatingin din ako kay Mr. Z. At nakikita ko sa mukha nito ang galit. Ngunit wala akong pakialam dito lalo at wala naman akong atraso sa lalaki. Kaya naman wala na akong sinayang na oras, muli akong tumalon papunta sa isa pang jeep na nakahimpil. Hanggang sa tumalon ulit ako patungo sa lupa. At walang lingon-lingon na nagtatakbo ng mabilis para lang makalayo sa mga humahabol sa akin. Hindi ko ininda ang mga sasakyan na dumadaan. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtawid at tuluyan na akong nakapunta sa kabilang kalsada. Lumiko ako papunta sa kaliwa ng daan at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng iskinita. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan makalampas sa iskinitang dinaanan ko. Nang may dumaang jeepney ay agad na akong sumakay sa loob upang hindi na makita ng mga humahabol sa akin. Lumipas ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Dali-dali akong bumaba ng jeepney nang nakapagbayad na ako. Malalaki rin ang mga hakbang ko papalapit sa harap ng pinto ng bahay. Hindi ko pa nagbubukas ang pinto ng inuupahan ko’y kusa itong magbukas at tumambad sa akin ni Jocita. Dali-dali naman akong niyakap nito at nakikita ko sa mukha ng babae ang pag-aalala. Nagmamadali rin kaming pumasok sa loob at agad na i-lock ang pinto. “Sobra akong nag-aalala sa ‘yo, Mich, akala ko’y nahuli ka na ni Mr. Z,” anas ni Jocita at nasa boses pa rin nito ang takot at pangamba. “Hindi ko naman hahayaan na mangyari ‘yun, lalo at wala akong kasalanan sa kanya,” umiiling na sabi ko sa babae. “Mas lalo naman ako. Wala talaga akong kasalanan sa kanya. Humahanga lang ako sa taglay nitong kagwapuhan. Teka, hindi kaya ang mga pinakulong mong mga negosyate noong nakaraang buwan ay kakampi pala ni Mr z? Simpre, mga ka-business partner niya iyon at baka nagbabalak na tulungan ni Mr. Mafia Lord at para makaganti sa ‘yo ay ipapapatay ka nila kay Mr. Z!” bulalas ni Jocita, habang nanlalaki ang mga mata nito. Hindi ka agad ako nakapagsalita, ngunit puwede ring ganoon nga, kaya gusto akong hulihin ni Mr. Z, dahil mga kasama nito ang mga naipakulong ko noong nakaraang buwan. Mariin ko tuloy naikuyom ang mga kamao ko. Hindi ko hahayaan na basta na lang akong mahuli ng Mafia Lord na ‘yun. Ngayon pa lang ay dapat makakuha na ako ng mga ebidensya laban sa kanya upang madali na lang namin siyang maipakulong. “Mich, hindi kaya kailangan mo munang umalis sa bahay na ito? Baka magulat na lang ako na hawak ka na pala ni Mr. Z. O, ‘di kaya ay makikita na lamang kita sa ilog na palutang-lutang ang kawawa mong katawan,” biglang sabi ni Jocita. “Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun, Jo, lalaban ako sa kanila hanggang sa huling hininga ng buhay ko!” mariing sabi ko sa aking kaibigan. “Basta palagi kang mag-iingat, ha, teka, kailangan ko na pa lang umalis,” paalam sa akin ni Jocita, lumapit pa nga ito at niyakap ako. Panay rin ang bilin nito na mag-iingat ako rito. “Mag-iingat ka, Jo,” paalala ko sa dalaga bago ito lumabas ng pinto ng bahay na inuupahan ko. “I-lock mo ang pinto, Mich!” pasigaw pa na bilin sa akin ni Jo, nang tuluyan na itong lumabas. Agad ko namang sinunod ang bilin niya sa akin na i-lock ang pinto. Isang marahas na paghinga naman ang ginagaw ko. Hanggang sa magdesisyon akong pumasok sa loob ng kwarto. Agad kong ibinaba ang bag na aking dala-dala at kinuha sa loob ng bag ko ang folder na ibinigay sa akin ni chief inspector. Kailangan ko muna itong Pag-aralan, bago ko simulan bukas ang pagsubaybay sa Mafia Lord na ‘yun. Hanggang sa buklatin ko na ang folder para basahin ang nilalaman nito. “Zion Ferrer…” bulong ko nang sambitin ko ang pangalan nito. Parang pamilyar sa akin. Saan ko ba ito una kong narinig. “Zion Ferrer. . .” muling bigkas ko. Parang kilala ko talagang ito. Hindi ko lang matandaan kung saan. Kaya naman muli kong binasa ang nilalaman ng folder. Wala namang kakaibang nakalagay rito, kundi isa itong Mafia Lord. Hindi rin ito basta-bastang tao. At mga kapwa mayayamang negosyate rin ang mga kaaway nito. Ngunit ang pinakamatinding kalaban nito ay Mafia Boss ko. Ngunit bakit nagiging magkalaban sila? Kulang naman ang ibinigay sa akin ni Chief inspector ng mga impormasyon. Parang biglang sumakit ang aking ulo, dahil sa kakaisip tungkol kay Mr. Z, o , Zion Ferrer. Marahas akong napahinga at itinago ko muna ang folder at bukas ko ulit ito babalikan. Binuksan ko ang drawer para ilagay rito ang folder na aking hawak. Ngunit bigla akong napatingin sa lumang picture na kasama ko ang mga classmate ko noong high school ako. Agad ko naman itong kinuha para tingnan ang mga mukha ng dati kong classmate. Ngunit bigla akong napatingin sa isa kong classmate na lalaki na nakasuot ng malaking salamin sa mga mata. Ito ang pinakamatalino kong classmate noon. Ngunit ito rin ang palagi kong binu-bully noong nag-aaral kami. Kung ano-ano ang mga pinag-gagawa ko rito. Nilalagyan ko pa nga ng butiki o palaka ang bag nito, dahilan kaya nahimatay ito sa takot. Kaya ang labas ay pinatawag si Inay noon ng teacher ko. Nang mag- 4th year high school na kami ay nagulat ako nang magpapat ito ng pag-ibig sa akin. Ngunit pinagtawanan ko lamang ito at pinagsasabi ko rin sa mga classmate ko ang ginawang pagtatapat nito ng pag-ibig sa akin kaya tampulan ito ng tukso at pambu-bully noon, medyo nagsisi rin ako sa akin ginawa, lalo na nang hindi na ito umattend ng graduation namin at wala na rin akong naging balita rito. Muli kong tinitigan ang mukha nito. Napakunot din ang aking noo. Hanggang sa maalala ko ang pangalan ng classmate kong lalaki. Walang iba kundi si Zion Ferrer. Hindi ako puwedeng magkamali, kaya hinahabol ako ni Zion Ferrer ay dahil sa pang-bu-bully ko sa kanya noong nag-aaral kami. Jusko po! Dahil hindi ko akalain na magiging isa itong Mafia Lord. Shit! Hindi puwede ‘to! Ano’ng gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD