Chapter 15
JEANNA
"Ang lakas mo mamulutan, Ronaldo!" Saway ni Twinkle na medyo tipsy na kay Rona na parang nag-mu-mukbang sa lakas mamulutan. Ako naman ay umiinom rin pero halos tikim lang. Masarap naman ang soju. First time ko makatikim nito at medyo nag-aalangan ako dahil sa mga sabi-sabi ng ibang mga nakainom na nito. Nasa dulo raw ang tama nito.
"Natural lang na dapat kainin 'tong mga niluto natin. Ano ang gagawin natin diyan, tititigan? Ang damot mo naman, Twinkle! Bakit ka pa naghain ng marami kung ipagdadamot mo rin lang!" Medyo napagtaasan na rin ng boses ni Rona si Twinkle dahil sa dami na ng naubos niyang soju. Mukhang mag-aaway na naman itong dalawa kapag hindi ko pinigilan. Lagi na lang ako ang referree sa kanilang dalawa.
"Kung hindi niyo na kaya ay tumigil na kayo. Magbabangayan na naman kayo," saway ko sa dalawa. Tiningnan nila ako ng masama na parang may krimen akong nagawa.
"Masyado kang conservative, Jea! Hindi ka ba nagsasawa sa ganiyang style? Hindi na uso ang ganiyan. Kailangan ay marunong kang humarot para magka-love life ka," sermon na naman sa akin ni Twinkle. Lagi na lang niya pinupuna ang tungkol sa pagiging conservative ko na kung tutuusin ay nawala na no'ng naniwala ako sa mga nakasulat sa libro ni Lola Marya.
Pare-pareho kaming natigilan nang marinig naming may kumatok sa pinto. "May bisita tayo?" tanong ni Rona. Si Twinkle ang sumagot. "Ang alam ko ay wala naman." Nakatingin sila sa akin na tila ay may nais ipahiwatig. "Oh, ako na naman ang pinagbibintangan niyo? Wala akong bisita at kung mayro'n ay sinabi ko na sana sa inyo," depensa ko. "Para malaman natin ay buksan na ang pinto," sabi ni Rona sabay tayo upang pagbuksan ang sinumang kumakatok.
Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Gulat ang naka-rehistro sa mukha nito at para itong nahulasan sa pagkalasing.
"Sino 'yan?!" sigaw ni Twinkle. Hindi na sumagot si Rona at halos mapasigaw ako nang makita ko kung sino ang unexpected visitor. Si Jerico. Hindi ako makatayo mula sa pagkakaupo dahil sa sobrang pagkabigla. Pinapasok siya ni Rona sa kabila ng marami naming kalat dahil sa inuman.
"Naabala ko yata kayo,"naiilang na sabi niya. Si Twinkle na medyo tipsy na ang sumagot. "Hindi po, sir. Wala pong problema. At dahil nandito ka po ay dapat makikitagay ka rin po sa amin. Pagpasensyahan mo na po ang kwarto namin." Pagkasabi no'n ay mabilis niyang nilagyan ang basong tagayan at inabot kay Jerico. Pinigilan ko siya pero kinuha ni Jerico ang baso sa kaniya at ininom ang laman nito.
"H-hindi mo naman kailangang inumin 'yon, sadyang makulit lang siya kapag nakakainom," sabi ko kay Jerico.
"No, it's fine. Hindi naman ako malalasing sa isang shot."
"So, ikaw pala si Jerico. It's nice to finally meet you!" makahulugang bati ni Rona sa kaniya dahilan upang pandilatan ko siya ng mata.
"Finally? Yes, I am Jerico, Jeanna's boss."
"Oo, alam naming boss ka niya. Balita kasi namin ay malaki ka raw magpasahod kaya naka-jackpot itong kaibigan namin." Nakaluwag ang paghinga ko nang walang sabihin si Rona tungkol sa pagkagusto ko sa kaniya.
"Ah, I see. Hindi naman kalakihan ang sahod niya sa akin."
Sus! Hindi raw kalakihan, eh, 30k nga ang sahod ko plus libre pa ang pagkain ko araw-araw samantalang ang trabaho ko lang ay i-update siya sa schedule niya at gawin ang sandamakmak na paperworks araw-araw. Kahit naman maraming paperworks ay masyado pa ring malaki ang sahod ko sa kaniya. Napaka-generous niya sa akin sa maraming bagay.
"Anyway, bakit ka napadpad dito? May kailangan ka ba sa Jeanna namin?" diretsong tanong ni Rona. Ito talagang baklang ito ay walang preno ang bibig. Ayaw niya ng paligoy-ligoy.
"N-nothing. Wala lang akong magawa," pagdadahilan ni Jerico na base sa reaksyon ni Rona ay hindi niya pinaniniwalaan.
"Iyang yaman mong 'yan, wala kang magawa tuwing weekends? Parang imposible naman 'yon? Friends? Wala ka bang friends? Ang alam ko kasi sa mga mayayaman na gaya mo ay maraming mapagkakaabalahan dahil sa dami ng pera," sabi ni Rona. Namula ang mukha ni Jerico. Napahiya siguro sa pagiging prangka ni Rona. Nakaramdam ako ng hiya para sa ginawa ni Rona kaya inaya ko na lang siya na lumabas na.
"May g-gusto kang pasyalan? Sasamahan na lang kita," tanong ko kay Jerico upang ibahin ang ambience ng paligid.
"Tigilan mo na 'yan, Jeanna. Bakit pa kayo aalis, eh, pinasyalan ka niya dito," dagdag pa ni Rona.
"She's right, Jeanna. Busy kasi ang mga kaibigan ko kaya wala akong ibang mapasyalan. Let's continue drinking here."
Napapalakpak si Rona sa sinabi ni Jerico. "Maganda 'yang naisip mo! Akala ko ay ayaw mo kaming kasama. Mukha lang kaming ewan pero makakasundo mo rin kami. Paano ba 'yan? Tayong tatlo na lang ang magtutuloy nito. 'Yong nag-aya sa amin na uminom ay tulog na."
Nagpabili pa si Jerico ng dagdag na inumin pati na rin ang pulutan. Napaparami na rin ang inom niya at halatang medyo tipsy na.
"Huwag kang masyado magpakalasing, kasi hindi ko alam kung saan ka ihahatid pauwi," paalala ko sa kaniya.
"Don't worry about me. I can manage. Hindi naman ako madaling malasing," sabi niya.
Hindi raw madaling malasing, eh, halos ubos na nila ang mga pinabili niyang inumin.
"Maglaro tayo!" sabi ni Rona.
Napakunot ang noo ko. "Anong laro naman?"
Ngumisi muna siya bago nagsalita, "Spin the bottle with truth and dare. Paiikutin natin ang bote at kung kanino tumapat ay mamimili siya kung truth or dare. Simple lang, 'di ba?"
"Sure." Pagsang-ayon naman ni Jerico.
"Okay. Ako na ang unang magpapa-ikot," boluntaryo ni Rona. Pinaikot niya ang bote at kasabay ng pag-ikot nito ay milyon-milyong mga emosyon na hindi ko mapangalanan. Tumigil sa pag-ikot ang bote at tumapat ito sa akin.
"Ikaw ang buena mano, Jea. Truth or dare?" tanong ni Rona.
"Truth na lang baka kung ano pa ang ipagawa ninyo sa akin," sabi ko. Kilala ko si Rona. Kapag sinabing dare, kung ano ang weird ay 'yon ang ipagagawa niya.
"Let me ask her a question," sabat ni Jerico. Lalo akong kinabahan nang sabihin niya iyon.
"Go!" Excited na sabi ni Rona.
"Who was your first love?" tanong niya. Literal akong napanganga sa tanong niya. Parang slumbook lang ang peg. First love. Sino nga ba ang masasabi kong first love ko? Siya lang naman ang lalaking nagparanas sa akin na kiligin na parang ewan sa tuwing lumalapit siya. Nag-motivate sa akin na magpaganda kahit 'di ako sure kung gumanda ako. At siya lang din ang dahilan kung bakit ako nasasaktan pero hindi ko siya magawang sisihin kasi hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko.
"Wala siya dito, eh." Pag-de-deny ko.
"Hindi ko tinatanong kung nasaan siya. Ang tinatanong ko ay kung sino siya. Mahirap bang pangalan siya?" sagot niya sa akin. Oo nga, medyo shunga ako sa part na 'yon. Magsisinungaling na rin lang ako, palpak pa.
"Si Anthony. Iyong classmate ko dati. Siya ang first love ko." Pagsisinungaling ko. Bahala na kung maniniwala siya o hindi. Alangan namang sabihin ko na siya ang first love ko.
"Okay, nasagot na ni Jeanna ang tanong. Spin the bottle na ulit," Pagbasag ni Rona sa awkwardness dahil sa tanong ni Jerico. Isang ngiti na makahulugan lamang ang naging response niya sa sagot ko. Thankful ako na hindi niya ako inokray or ibinuking. Pinaikot muli ang bote. Tumigil sa pag-ikot ang bote at tumapat naman kay Jerico. Hindi ako umimik dahil wala akong alam na puwedeng itanong o ipagawa alinman sa truth or dare ang piliin niya.
"Mukhang wala namang ibang balak mag-volunteer kaya ako na lang. Truth or Dare?" tanong ni Rona kay Jerico.
"Dare." Confident na sagot niya.
Nang akmang magsasalita na si Rona ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang malditang si Marylyn na mukhang galit na galit. Walang pasintabi itong pumasok sa loob at hinagod ng tingin ang buong kwarto. Iba talaga kapag mayaman. Hindi man lang nag-react ang landlady namin nang bumisita ang dalawang ito. Samantalang sinabihan kami noon na bawal kaming tumanggap ng bisita na papapasukin sa kwarto. Ano naman kaya ang problema ng babaeng ito?