Twelve

1126 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ NAGBIBIHIS NAMAN SI William habang nakangiti na nakatingin kay Yuka na nakanguso habang natutulog. Hindi mapaglagyan ang saya niya habang iniisip ang bawat sandaling kapiling niya ito na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Priyanka. Gumapang siya palapit rito at hinalikan niya ito sa noo, pagkaraa'y umalis siya ng kwarto para lumabas ng rest house. Ngunit napahinto siya at kinabahan ng makita na maraming press sa labas ng rest house. Agad na pumasok siyang muli sa rest house at ni-lock niya ang pinto at bintana. Sinara niya rin ang kurtina. Sakto naman na nag-ring ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot ng makita na si Charlie ang tumatawag. "Charlie.." "Anong ginawa mo, William? God!" Nagtaka siya sa problemado nitong tono, "Bakit? At bakit biglang maraming press sa rest house ko?" "Alam kong ibang business ang friend mong si Yuka, pero hindi ko alam na may namamagitan sa inyo. At nagkalat sa social media ang scandal niyo. William, ano itong ginawa mo?" Tila siya binuhusan ng malamig na tubig at naibaba niya mula sa tenga ang cellphone. Agad na pinatay niya ang tawag at agad na binuksan niya ang social media site niya. At parang gusto niyang magalit ng makita ang kuha nila Yuka habang may nangyayari sa pagitan nila. At hindi niya mapigilang mag-alala dahil ang dating kinatatakutan niya na ma-involve si Yuka sa trabaho niya ay nangyari na.. Dali-dali niyang pinatay ang cellphone ng makitang tumatawag si Priyanka. Agad na tinungo niya si Yuka. "Yuka, wake up.." Mabilis na ginising niya ito. Pupungas-pungas na bumangon ito at tumingin sa kanya. "Bakit po, Kuya? Inaantok pa po ako. Pagod pa katawan ko." "Yes, alam ko. Pero kailangan nating umalis ngayon." "Saan po tayo pupunta?" "Basta. Dali, suot mo na 'tong mga damit mo." tinulungan niya itong bumangon at tinulungan rin sa pagsuot ng dress nito. Pagkatapos ay lumapit siya sa closet niya at kinuha ang bag at kumuha ng extrang damit. Wala dapat siyang ikatakot, pero ayaw niyang pagkaguluhan si Yuka ng press. Ngayon ay bumabalik na ito sa dati, ayaw niyang magkaroon ito ng isa pang trauma. At oras na ma-proteksyonan niya si Yuka, sisiguraduhin niyang mananagot lahat ng may kagagawan kung bakit sila ngayon nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa likod sila dumaan. Malas lang dahil sa harap ng rest house niya naiparada ang motor niya. Agad na tinawagan niya si Charlie para makahingi ng tulong. Pinapunta niya ito sa rest house niya at doon sa highway sila magkikita. "Yuka, tara na.." Napahinto siya dahil ayaw magpahila ni Yuka. "Ayaw ko lakad. Sakit katawan ko." Nang maunawaan niya ay agad na pinangko niya ito. "Sorry.. Hindi na naman kita na-protektahan." napahinga siya ng malalim at binilisan ang lakad. "Ayon si William!" Napahinto siya at napalingon sa likod nila. Nakita siya ng isang paparazzi kaya dali-dali siyang naglakad. Halos tumakbo na rin siya ng marinig ang yapak ng mga ito.. Sakto naman pagkadating nila sa highway ay biglang dating ng sasakyan ni Charlie. Agad na binuksan ni Charlie ang pinto at may tingin na binigay kay William, pero hindi na pinansin ni William 'yon at agad na sinakay niya si Yuka at sumunod siya. "William, ano bang ginagawa mo? Kalat na sa buong social media ang scandal niyo. At galit na galit ang mga fans mo dahil niloko mo raw si Priyanka." Napahilot sa noo si William habang nag-iisip ng paraan para malinis ang image ni Yuka. Ayaw niyang mapahamak ito. Hindi niya hahayaang mapahamak muli ito. "Tumawag ka ng private investigador, Charlie. Gusto kong malaman kung sino ang namantala kay Yuka at kung sino ang kumuha ng larawan namin at pinakalat." "Ngayon mo pa naisip na magsiyasat? William, kailangan nating maayos ang image mo. Kailangan na palabasin natin na edited lahat ang mukha mo." "Wala akong pakialam sa image ko, Charlie! Ang tanging pakialam ko lang ay hindi masangkot rito si Yuka!" Hindi niya mapigilang sigawan ang manager niya dahil mas lalo lamang gumugulo ang isip niya sa sinabi nito. Wala siyang pakialam kung masira siya, ang mahalaga ay hindi madawit si Yuka sa trabaho niya. "Please, help me.. Charlie, hindi maaaring madawit rito si Yuka." "William, dawit na rito si Yuka. At kung nag-iingat ka kasi, hindi mangyayari ito. Ngayon, tignan mo ang hate post at comment ng mga fans niyo ni Priyanka sa ginawang video message ni Priyanka tungkol sa issue." Kinuha niya ang tablet ni Charlie at pinanood ang video ni Priyanka. "Hindi ko alam ito.. Dalawang araw na hindi nagpakita sa akin si William. At hindi rin tumatawag at nagte-text o sumasagot man lang sa tawag at text ko. Sobra akong nasasaktan ngayon dahil ang babaeng kasama ni William ang dahilan kaya nasira kami ngayon. Noon pa man ay palagi ng balakid sa relasyon namin si Yuka Laxamana. Oo, ang babaeng 'yon na ginagamit lamang ang sakit para agawin sa akin ang atensyon ni William," nagpahid ng luha si Priyanka, "sobrang sakit sa part ko na makikita ko ang kumakalat nilang s*x video. Walang kasalanan rito si William, dahil tiyak akong inakit lamang ng babaeng 'yon si William." Tumigas ang mukha ni William ng mapanood ang video ni Priyanka. Pinalabas nitong si Yuka ang masama. At dahil sa ginawa nito, nabasa niya ang hate comment ng fans at halos masaktan siya ng mabasa niya ang halos sensitive at hindi makataong komento ng mga fans kay Yuka. "Ngayon, paano mo nasasabi na hindi dawit rito si Yuka." Binalik niya kay Charlie ang tablet nito at tumingin siya kay Yuka na inosenteng nililibot ang tingin sa sasakyan ni Charlie at natutuwang kinakalikot ang mga nakikita nito. Mabigat na napahinga siya ng malalim. Tumingin siya kay Charlie. "Magpatawag ka ng press." seryoso niyang utos.. "William, anong binabalak mo? Nasa katinuan ka pa ba? Kapag nagpa-press ka ay maraming ibabato sa 'yong tanong. At kapag nagpa-press ka kailangan mong isangkot si Yuka." "Alam ko, pero nakapagdesisyon na ako. Aayusin ko ang pangalan ko at pati na rin resputasyon ni Yuka. Hindi makakatulong kung babalewalain ko lahat ng masamang binabato ng tao kay Yuka." "William, aasahan ko bang hindi mo ipapahamak ang business ko? Ikaw ang pinaka-in-demand sa alaga ko. Kaya sana ay 'wag mo lalong pasakitin ang ulo ko." Tumango siya kay Charlie, "Ano mang mangyari, hindi ko sisirain ang agency mo." Napahinga naman ng malalim si Charlie at tumango sa kanya. Tumingin siyang muli kay Yuka at hinawakan niya ito sa kamay na kinatingin nito. "Yuka, nagtitiwala ka ba sa akin?" Ngumiti ito at tumango, "Opo." Napangiti naman siya at hinalikan ang kamay nitong hawak niya. "Salamat." "Eh, bakit po hawak niyo kamay ko? Mawawala po ba ako?" Umiling siya at mas hinigpitan ang hawak niya rito, "Hindi. Hinahawakan kita dahil ayokong mawala ka sa tabi ko." Napahagikhik naman ito kaya natawa siya at ginulo ang buhok nito. "Kaloka. Nagawa niyo pang lumandi sa harap ko kahit problema ang kahaharapin niyo pagbaba niyo rito." Tumingin siya kay Charlie na inirapan siya kaya ngumiti lang siya. Ngayon, kahit anong mangyari ay kay Yuka na naka-focus lahat ng atensyon niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD