MATAPOS na makaalis si Mr. Lee ay agad na kinausap ito ni Rodjun.
"Salamat kuya, kung hindi dahil sa'yo ay tiyak kong may nangyari na sa amin na masama ni ate Bea,"wika nito.
Nilingon siya ng binata sa sandaling iyon ay seryusong-seryuso ang mukha nito, walang kangiti-ngiti ang labi.
"Tama ka Rod, kung hindi pa ako dumating ay baka patay na kayong dalawa!"sigaw ni Rudny. Nagulat pa sila sa ginawa nito upang maging dahilan niyon ang pagkulo ng dugo ni Beatrice.
"Ba't mo ba kami sinisigawan, hindi porke't iniligtas mo kami ay pwedi mo ng gawin iyan sa amin!"palatak niya.
"Okay lang ate Bea,"pagpapakalma ni Rodjun dito.
"Pwes! sa akin hindi okay! kaya umaabuso ito eh, dahil pinapabayaan natin—"Natigil sa pagsasalita si Beatrice ng mabilis na hinaklit at hilahin ni Rudny ang babae hanggang sa labas ng bar.
Si Rodjun naman na nagulat ay dali-daling sumunod.
"B-bitiwan mo ako! bitiw! nasasaktan ako!"masama ang loob na sigaw ni Beatrice rito. Ang ilang nagdadaan na tao ay napapagawi sa kanilang komusyon.
"Hey! Ang tigas din ng ulo mo. Kung dati ang mga kaibigan mo ang isinama-sama mo ngayon ang kapatid ko naman ang muntik mapahamak! Hindi ka ba nag-iisip? Ganoon ka na ba kadesperada! Binabalaan kita Bea, oras na maulit ang nangyari kanina dahil sa ginagawa mong pagsunod sa akin ay talagang makakatikim ka na!"galit na buwelta ni Rudny, hindi na namalayan ni Beatrice na lumipad na ang kanan palad niya sa pisngi ni Rudny. Nagbigay iyon ng malakas na tunog ng sampal na ginawa nito.
Naikuyom ni Rudny ang kamao, unang beses na may nanampal sa kanyang babae sa harapan pa ng mga tauhan nila at madaming tao!
Agad naman namagitan si Rodjun, sa sandaling iyon ay nag-aalala siya sa kapakanan ni Beatrice. Alam niyang maiksi lamang ang pisi nito at hindi nito palalampasin ang ginawa ng babae.
"P-please calm down K-kuya. P-pasensya na a-ako ang nagyaya kay Ate Beatrice na puntahan ka rito. S-saka she's already drunk kaya hindi na niya alam ang ginagawa niya."
Isang mahabang patlang ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Rudny.
"Okay sige, umuwi ka na Rod, ipapahatid na kita sa mga tao ko,"kalmadaong wika kapagdaka ni Rudny.
"B-but how about ate Bea? wala siyang dalang sasakiyan,"pagbibigay alam ni Rodjun na binalingan pa ang babae. Kasalukuyan na itong nakaupo at nakasandig sa may gilid habang nakababa ang ulo nito. Mukhang nakatulog na ito roon.
"Huwag mo ng isipin si Bea, ako nang maghahatid sa kanya,"tugon ni Rudny na nilapitan na si Beatrice at tuluyan binuhat ito.
"S-sure ka k-kuya Rudny, baka kasi—"
"Kung iniisip mo na may gagawin akong masama sa kanya dahil sa hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagsampal sa akin. Huwag kang mag-alala hindi mangyayari iyan, naiintindihan ko na ginawa niya lang iyon dahil lasing siya. Kaya sige na pumasok ka na sa kotse mo. e-escort ka nina Mando hanggang sa mansyon."Hindi na niya pinagsalita ito dahil tuluyan na niyang dinala sa may kotse niya si Beatrice at inupo sa tabi ng driver seat. Siya na rin ang naglagay ng seat belt nito. Nang makita niyang maayos na ito sa kinaroroonan ay umikot na siya at pumasok sa loob.
MULA sa madilim na bahagi ng parking lot ay naroon ang isang itim na Camaro.
Sa loob ay nagmamasid ang dalawang taong sakay niyon sa kotse ni Rudny.
"Ano na pong susunod na plano boss?"tanong ng driver.
Humithit muna sa mamahaling tobacco nito ang lalaking tinawag na boss at nagbuga ng usok. Patuloy lang pinapanuod nito ang paalis na kotse ni Rudny.
Kanina pa ito nakamatiyag sa bawat naging kilos ng binata. Unti-unting kumurba ang maluwang na ngiti sa labi nito matapos nitong magbuga ng makapal na usok mula sa premirang sigarilyo.
"Mag-iiba tayo ng plano, tawagan mo si Agoncillo, ipag-bigay alam mo sa kanya na kailangan kong malaman kung sino ang babaeng kasama kanina ni Aragon. Malakas ang kutob ko na magagamit natin siya sa mga balak natin in the future,"pagbibigay nito ng utos.
"Areglado boss."Inilabas nito ang cellphone at agad na may tinawagan.
PAGKARATING sa gate ng kotse na minamaneho ni Rudny ay agad siyang bumusina. Nang makilala siya ng security ay dali-dali siyang pinagbuksan nito. Lalo't nakita na rin nito ang among dalaga na si Beatrice na nasa tabi ng binata.
Mabilis siyang nakarating sa harapan ng mansyon ng mga De Guzman, pagkatigil pa lang niya ay lumabas na si Novice.
Habang nagda-drive kanina ay tinawagan na niya ito, natuwa naman siya dahil gising pa naman ito.
"Salamat at pasensya bro sa nangyari, nasaan si Bea."Umpisa ni Novice nang makalapit.
"Ayos lang, nasa loob at nakatulog na sa labis na kalasingan,"wika niya.
Umikot naman si Novice at binuksan ang kabilang pinto ng kotse. Agad na kinalas niyon ang seatbelt, binuhat na nito ang kapatid.
"Baka may kailangan ka pa?"tanong ni Rudny na sinundan pa mula sa silid ng babae ang kaibigan. Narinig niyang nagtawag ito ng katulong para asikasuhin ang kapatid.
"Wala naman na, siya nga pala pasensya na talaga."
"Ano ka ba! okay lang sanay na sanay na ako,"naiiling niyang sabi habang tinapik-tapik ang balikat ni Novice.
"Hindi lang naman ngayon gabi ang inihihingi ko ng sorry kung 'di sa mga nagdaan pa na nangyari kung saan nakakasama ang kapatid. Malaki ang pasasalamat ko na kahit sobrang tigas ng ulo at pasaway si Bek Bek ay hindi mo siya sinusukuan,"mahabang lahad ni Novice.
"Of course kapatid mo siya at parang pamilya na rin ang turing ko sa kanya. Itataya ko ang buhay ko para hindi siya mapahamak, saka... dahil sa akin kaya nagkakaganyan siya,"sagot ni Rudny na tinigan ang pinto ng dalaga.
Sa totoo lang kahit anong ginawa niyang pagtataboy at pambabalewala ang ipinakita at ipinaramdam niya rito ay wala ng epekto rito. Meron man, saglit lang iyon dahil kinaumagahan ay okay na naman ito na parang walang nangyari.
Ewan ba niya kung ano ang nakita sa kanya ni Beatrice at panay ang habol nito sa kanya.
"Thank you, pero pwedi ba kitang tanungin?"tanong ni Novice matapos na gumilid dahil sa paglabas lang naman ni Kitty. Tapos na nitong mapalitan si Beatrice. Iniuwang nito ng kaunti ang pinto dahil hindi gusto ng dalaga na sinasarado iyon.
"Ano iyon?"Nagtaka siya dahil mukhang kakailanganin niyang sagutin ang katanungan ng kaibigan dahil tila napakaseryuso nito. Kung si Lawrence ang pinakaseryuso sa kanilang tatlo puma-pangalawa naman si Novice. Siya? dependi sa sitwasyon at mood niya.
"W-wala ka bang nararamdaman sa kapatid ko ni katiting na pagmamahal. I mean... don't you find her interesting perhaps, you know what I mean Rudny. Nag-iisa ko siyang kapatid at babae pa, not to mention na may kapatid ako sa mom ko. But Beatrice is special I want her to be happy someday, lalo't hindi na ako laging makakasama niya. Sa'yo lang ako may tiwala, kung kayo man ang magkatuluyan tinatanggap ko ng bukal sa loob ko,"mahabang paliwanag ni Novice.
Hindi naman makapaniwala si Rudny, maya-maya ay nagtatawa na lang ito.Kung hindi pa siya binatukan ni Novice ay hindi matitigil ito.
"Sorry bro, mahal ko si Beatrice pero pagtingin kaibigan o kapatid lang ang kaya kong ibigay sa kanya. One of a kind siya kaya alam ko na makakatagpo rin siya ng tamang lalaki. Saka alam mo naman na hindi ko gugustuhin makipagrelasyon ng seryusuhan dahil sa klase ng buhay na meron ako,"explain ni Rudny.
Napagtango-tango naman si Novice, naunawaan nito ang kaibigan. Ngunit naroon na labis siyang naawa para sa kapatid na babae, isip bata man ito minsan ay alam niyang totoong mahal nito si Rudny. Nagpapakatotoo lamang ito sa nararamdaman, ngunit itinadhana yatang hindi mangyayari ang kagustuhan nito na balang-araw ay sana mahalin din ito ng lalaking minamahal nito.
NARINIG ni Beatrice ang papalayong mga yabag ng Kuya Novice at Rudny na katatapos lang mag-usap mula sa labas ng kanyang pinto.
Ang totoo ay hindi naman siya nakatulog dahil sa kalasingan. Nawala na ang amats niya ng sampalin niya sa pisngi si Rudny. Those blazing eyes from him, natakot siya at nagpanginig ng mga tuhod niya. Akala nga niya ay makakaranas siya na pagbuhatan ng kamay ng binata ngunit nagkamali siya. Inihatid pa rin siya nito sa mansyon nila na parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila.
For Beatrice ay mananatiling si Rudny ang lalaking perfect sa kanya. Ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa dalawang kidnappers. The man with a brave heart and soul, his destiny.
"Kahit ano pang sabihin mo ay gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako sa paraan na alam ko,"bulong sa kawalan ni Beatrice sa nangingislap na dulot ng panunubig ng magkabilang mata niya.
NANATILI pa rin nakahiga si Novice sa malambot nitong kama sa kaniyang silid. Nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatakok.
Bumangon na ang binata. May mahalaga siyang aasikasuhin ngayon. Magiging abala siya sa mga susunod na araw.
"Hello brother! Goodmorning! kumusta? mabuti naman at pinayagan ka na ni Daddy na bumalik dito. Huwag mong sabihin Oh my God! papakasalan mo na talaga si Ate Shaina for good?"sunod-sunod na sabi ni Bea.
Napakunot-noo man at puno ng pagtataka si Novice kung bakit at saan nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon.
"At saan mo iyan nalaman?"tugon ni Novice. Dumiretso na ito sa banyo upang makapaghilamos na rin.
Habang si Beatrice naman ay binuksan na ng tuluyan ang mga kurtina at bintana. Upang makapasok ang sariwang hangin sa loob ng silid ng kapatid.
"Duh! ako pa ba Kuya Novice, close kami ni Rudny no! nakikinita kong may lihim din siyang nararamdaman sa akin. Iyon nga lang naiilang lamang iyon dahil magkaibigan kayo kaya hindi niya ako maligaw-ligawan."
Naiiling naman si Novice, "Asa ka pa kasi Beatrice, eh babaero iyon. Imposibleng pansinin ka niyon!"sigaw na pabalik ni Novice. Nakaramdam ito ng kung ano dahil naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Rudny.
"Ikaw naman Kuya huwag mo naman sirain ang loob ko.Ah basta makikita mo magiging kami rin ni Rudny!"nakapout na sabi nito.
"Bahala ka, binalaan na kita kaya huwag ka ng umasa ano."naiiling na sabi ni Novice. Tuluyan na itong lumabas ng silid habang si Bea naman ay nakasunod sa kaniya.
Patuloy pa rin ito sa pagkalikot sa hawak na android phone. Hanggang sa matigilan at magulat si Novice sa ginawang pagtili ng kapatid.
Lahat naman ng mga katulong na nakakalat sa mahaba at maranghiyang pasilyo ay napatingin sa gawi nila.
"Hoy! manahimik ka nga! kung makatili ka riyan!"sita ni Novice.
"Eh paano ba naman kasi Kuya. Look oh, darating pala this month si Norvin! OMG long time crush ko kaya ito. Nag-uumpisa pa lang siya e nakasubaybay na ako!"kinikilig na sabi ni Beatrice.
Bahagiya naman nasilip ni Novice ang ipinapakitang profile nito sa sariling gadget. Natigilan pa siya na hindi niya mawari, tila may naramdaman siyang kakaiba habang tinitignan ang pares nitong mata.
Bigla siyang natahimik at nawalan ng masasabi, kahit panay pa rin ang dada ni Beatrice sa idol nito.
Tuluyan na silang pumasok sa loob ng dining area, kung saan naroon na nakaupo ang ama ng dalawa.
Nasa hapag-kainan ang mga masasarap na putahe na inihanda ng kanilang chief na pumasok ngayong araw.
"Goodmorning Daddy! how's your sleep?"bati ni Bea rito. Agad itong humalik sa pisngi ng matanda.
Magiliw naman sumagot si Vicenti rito, wala itong masasabi sa anak na dalaga dahil masunurin at napakaalalahanin nito sa kaniya.
Habang ang nakatatandang kapatid naman nito ay kabaliktaran ni Bea. Sa isip ni Vicenti ay katulad na katulad ito ng ina nitong taksil!
Agad na umupo si Novice sa isa sa mga upuan na hindi man lamang pinapansin ni binabati ang matanda. Mataman lamang siyang sinusundan ng tingin nito.
"So kumusta Novice, napapayag mo na ba si Shaina na pakasalan ka?"tanong ng matandang lalaki.
"Hindi ko pa nasasabi sa kanya iyan, pero I'm really sure na oo ang magiging sagot niya sa akin,"nasabi ni Novice. Nag-umpisa na itong kumuha ng bacon at cheese para sa sandwich nito.
"At paano ka nakakasiguro na papayag siya gayong wala ka naman ginagawa?"mangha na sabi ni Vicenti.
"Don't worry Dad, I have a plan,"nakangising sabi ni Novice.
Naiiling na lamang na ipinagpatuloy ni Don Vicenti ang pagkain.
"Anyway goodluck son, sana masungkit mo ang matamis na oo ni Shaina at para naman pumisan na rito ang daughter in law ko at apo sakali,"walang anu-ano'y nakangiting sabi ng matanda.
Naiiling na lamang si Novice, mukhang mas excited pa ito sa married life niya.
"Tignan natin kung makakangiti ka pa oras na maikasal kami ng nirerekomenda mong babae, "tusong bulong mula sa isipan ni Novice lamang.