CHAPTER NINE

2208 Words
DAHIL sa nangyari ay nanatiling tahimik si Beatrice nang makita niya si Rudny na pababa ng hagdan. Ngunit, hindi napigilan niyon ang sarili niya na panuoren ang paglapit nito sa kinaroroonan niya. Kasabay niyon ang muling pagbalis ng t***k ng puso ng dalaga. “Self! Maghunos-dili ka naman, si Ruru lang iyan. Pero kung kabahan ka aiysstt! Sobra naman kasing sexy niya…”lukaret na sabi ng isang tinig sa isip niya. Nakagat niya ang labi ng isuot na ni Rudny ang itim na sun glass nito. Parang malalaglagan na siya ng salawal ng maimagine niyang bumukas ang polo niya at masilip niya ang matitipuno nitong dibdib maging ang eight pack abs nito lalong nagpabaliw sa kanya. “I want to touch that hmmm Ruru can I?”malandi niyang ungot matapos niyang ilagay sa likod ang ilang hibla ng buhok niya mula sa teynga. Nagpabebe na siya ng tuluyan ng makalapit ang binata. Halos mahimatay si Beatrice ng hawakan at hapitin siya sa beywang ng binata at payagan siyang damhin ang katawan nito. Itinaas na niya ang dalawang palad, wala na siya sa sariling katinuan. Kaunti na lang dadampi na iyon nang biglang… “Hey! Nangyayari sa’yo? Nagda-day dreaming ka ba?”nakakalukong tukso ni Rudny matapos na pumitik ang dalawang daliri nito sa harap ng babae na nagulantang na tiyak sa ginawa niya. Gusto niyang mainis rito pero pinabayaan na lang niya, ang totoo she find Beatrice cute that way. “H-hindi ah!”deny naman nito at inayos ang sarili. “Talaga lang huh! Bakit hindi mo na lang kasi aminin na pinagnanasaan mo na naman ako Bek-Bek kilalang-kilala na kita, you always like that,”pang-aalaska ni Rundy. “Grabe! Ang yabang-yabang mo! Porke’t naka score ka lang kanina ay lumaki na ang ulo mo!”inis na buwelta ni Beatrice na humalakipkip pa sa harapan ng binata. “Talaga huh! Ikaw lang naman may gusto niyon. Hindi ko kagustuhan na hinalikan ka akala mo ba. Naiipit lang ako dahil sa sinabi ni Dad. Saka pasalamat ka at pinagbigyan kita, dahil kung wala tayo harap ng pamilya ko ay hindi kita hahalikan!” “H-how could you say that,”masama ang loob na sabi ni Beatrice. Tuluyan na niya itong tinalikuran at pumasok sa sariling sasakiyan. Naiiling na lang na pinagmasdan ni Rudny ang maingay na pagrereborusyon ni Beatrice sa kotse nito. Kita niyang dire-diretso na itong umalis, naiiling na lang niya ang ulo at tuluyan siyang sumakay sa Dodge Tomahawk V10 Superbike. Iyon ang pinili niyang gamitin, dahil kapag ganoon oras ay ma-traffic na sa city. Tiyak mahihirapan siyang makasingit kapag kotse ang gamit niya. Ganoon talaga sa Pilipinas mabigat ang traffic. Tuluyan na niyang pinaandar iyon matapos niyang maisuot ang helmet. PATULOY pa rin sa pagmamaneho si Beatrice sa mga sandaling iyon. Magapahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin napapawi ang inis niya sa lalaki. Kung hindi lang niya ito mahal ay tiyak niyang matagal na niyang tinigilan ang paghahabol rito. “s**t!”gigil na mura ni Beatrice nang makita niya ang grabeng traffic sa siyudad. Lalo tuloy umiinit ang ulo niya, hindi mapigilan ni Beatrice na bumusina ng sunod-sunod ang gusto lang niya ay makauwi na. Halos naka-limang minuto na sa hinintuan ang dalaga nang makita niya ang pagtigil ng isang mamahaling motor bike. Inalis niya rin ang pansin rito at itinapik-tapik ni Beatrice ang daliri sa driving wheel niya nang madinig niya ang mahinang katok mula sa bintana ng kotse. Agad ang pagkunot-noo niya nang makita niyang nakataas na ang salamin ng helmet at namukhaan niyang si Rudny ang driver ng naturang motor. “Bwesit!”muli niyang pagmumura sa inis nang makita niyang dumila si Rudny sa kanya. Maya-maya ay kitang-kita na niya ang mabilis na pagharurot palayo ng binata ng kinasasakiyan nito. Lalo tuloy naghumerentado si Beatrice, panay pagbuntong-hininga na lang ang ginawa nito habang madilim ang mukha na nakatitig sa harap ng sariling kotse. “Humanda ka Ruru! Oras na magkita tayo uli makakatikim ka sa akin!”panunumpa nito. “Bakit anong gagawin mo?”biglang pagsulpot ng nang-aasar na boses sa isip ni Beatrice. “Matitikman lang naman niya ang bagsik ng isang Beatrice De Guzman na tiyak kong hahanap-hanapin niya. Sa susunod siya na ang magmamakaawa na pagbigyan ko!”loka niyang sabi. AGAD na lumabas ng kotse nito si Beatrice, dire-diretso siya sa loob ng mabungaran niya si Rudny na nakaupo sa maranghiyang sofa nila. “Bakit ka narito? Don’t tell me sinusundan mo ako?”irita niyang saad nang makalapit siya rito. “Hindi ako nagpunta rito para sa’yo, ayan ka na naman umaasa. I’m waiting for Novice to come home,”nasabi ni Rudny na agad dinampot ang inilapag na inumin ni Kitty. Isa sa bata-bata nilang maid. “Hay! Naku! Baka ma-late ng uwi si Kuya. Byernes ngayon tiyak ko na mag-o-over time iyon,”pagpaparinig ni Beatrice na naupo sa tabi ng binata. Pasimpleng nagmasid lang naman ang dalaga. Naiinis siya sa sarili dahil ito lang naman ang sumira sa araw niya ngayon. Pero nakakapagtaka na si Rudny lang din ang nagpapawala ng pagkabad trip niya: Sa pagtitig lang naman niya rito. Tila naman napansin iyon ng lalaki. “Ganoon ba, sige punta na lang ako sa D.G Empire, thanks sa information.”Tuluyan na itong tumayo. He felt discomfort while Beatrice staring him. “Bakit naman agad-agad, alas-siyete na ng gabi dito ka na mag-dinner please… wala akong kasabay ngayong gabi eh,”paglalambing ni Beatrice na nag-pacute pa. Tinitigan lang naman siya ni Rudny, maya-maya ay napabuntong-hininga ito makaraan ang ilang sandali. “Sige, kahit hindi ako kumakain ng gabi,”wika ni Rudny. “Bakit naman, diet ka?” “Nope! Pwedi ba tigilan mo ang katatanong nakakairita kasi…”pakli ni Rudny na umiwas pa ng tingin. “Okay sige, sabihan ko si Manang na ayusin ang table.”Tumayo na si Beatrice at diretso nang naglakad sa dining area. Agad naman ibinaling ng binata ang mukha sa likuran ng babae. All of a sudden he felt some erection inside his pant. Naalala lang naman niya kung gaano katambok ang pang-upo nito kanina habang wala itong suot na anuman sa sariling banyo. Wala sa sarili na napahimas na lang siya roon, muli niyang inabot ang iniinom kanina pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya. NAKATAPOS na sila sa pagkain ni Beatrice at halos isang oras na rin naghihintay si Rudny. “Nag-enjoy ka ba sa dinner, mukhang oo dahil ilang beses kang kumuha ng ulam.”Ngingiti-ngiting pagpapansin ni Beatrice. Sa sandaling iyon ay kababa lang niya, naghalf bath siya kanina. Akala nga niya ay umalis na ito ngunit narito pa rin at mukhang nakialam na ng maiinom sa mini bar. “Yeah! Ang dal-dal mo kasi, sanay akong mag-isang kumain o tahimik lang ang mga kasama ko sa lamesa. But you, your different.”Naiiling na sagot ni Rudny habang sumisimsim sa brandy. Gustong-gusto niya ang lasa niyon, talagang sadiyang marunong pumili si Don Vecenti. “Because… I’m one of a kind Ruru! Kaya kung ako sa’yo ay huwag mo na akong hahayaan na mawala pa sa’yo hmmm…”nang-se-seduce na anas ni Beatrice na tuluyan umupo sa katabing stool kung saan naroon lang naman ang binata. Kaunti lamang ang puwang sa pagitan nila kaya amoy ni Rudny ang mabangong bath perfume soap na ginamit ni Beatrice. Nang balingan niya ito nang tingin ay nakasandig na ang dalaga sa may counter. Mali man ay unti-unti niyang nadama uli ang pag-init ng katawan habang nakatitig siya sa pares na mata ng babae. “Hanggang titig ka na lang ba, wala ka bang gagawin?”bulong ni Beatrice sa teynga ni Rundy nang bigla itong dumukwang. Unti-unti ay pinaglandas niya ang hintuturong daliri sa pisngi nito hanggang sa bukas ng suot nitong polo. Kumurap-kurap si Rudny, mukhang may tama na ito. Kaya tuluyan na niyang itinigil ang pag-inom, lalo at maari rin siyang tangayin ng nararamdaman niya sa mapang-akit na kapatid ni Novice. Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Rudny at pinilit na iniiwas ang bulto sa pagkakalapit lang naman nila ng babae. “Excuse me Bea b-but I have to go, naalala ko may pupuntahan pa ako,”pag-iwas nito. “Ganoon, hindi ba talaga kita mapipilit na mag-stay kasama ako?”malambing niyang hiling. “Sorry pero kung sana mas maayos ang suot mo at hindi ganyan na manipis na pantulog ay papayag ako. Next time Bek-Bek iwasan mong bumaba sa silid mo na ganyan ang suot mo, sige na aalis na ako.”Matapos sabihin iyon ay saka ito dire-diretsong naglakad palabas. Naiwan roon si Beatrice na hindi makapaniwala. “Oh my G! tinatablan na siya sa akin! I see in his eyes!”tili ni Beatrice. Dahil sa katuwaan na nadarama ay kinuha ulit nito ang bote ng brandy at nilagyan uli ang baso kung saan uminom si Rudny. Para siyang baliw na dinilaan lang naman niya ang baso kung saan dumampi lang naman ang bibig ng binata. Sa kagalakan ni Beatrice ay hindi napigilan ng dalaga na uminom hanggang sa maparami na siya ng inom. Halos umiikot na ang buong paligid nito nang mapagpasiyahan niyang umakiyat sa sariling silid. Hindi na tuloy niya napansin ang magkasunod na pagdating ng Daddy nito at ni Novice na nasa espirito ng alak… MAAGANG nagising si Beatrice ng umagang iyon. Dumiretso na siya sa loob ng banyo upang maligo at makapaghanda ng almusal nila, kapag sabado at linggo ay day off ng chief nila. Kaya siya ang in-charge sa kakainin nila ng Dad at Kuya Novice niya. “Magandang umaga Manang Saling,”pagbati ni Beatrice habang pinupusod niya ang mahabang buhok. “Magandang umaga rin iha, maghahanda ka na ba ng almusal?”tanong nito habang nakamasid ito sa ginagawang paghahalungkat sa may refrigerator ni Beatrice. “Opo manang, gusto ko pong espesyal na putahe ang lulutuin ko sa Kuya at Dad,”sabi niya. “Ah ganoon ba, mukhang hindi mo pa alam ang nangyari kagabi,”singit ni Manang Saling. Magkasalubong ang kilay na napalingon si Beatrice sa matanda. Itinigil niya ang ginagawa. “B-bakit ho ano pong nangyari?”kinakabahan na tanong ni Beatrice. Nag-umpisa na siyang kainin ng mga agam-agam. “Iha, nagkaroon ng malaking pagtatalo si Don Vecenti at Novice. Hanggang sa tuluyan mapalayas ng una ang kuya mo,”wika nito. “Po!”iyon lamang ang nawika ni Beatrice. Sa sandaling iyon ay gulong-gulo siya, nagpasintabi naman si Manang Saling upang magkaroon siya ng privacy. “W-what happened, bakit hindi ko alam!”sunod-sunod at kinakabahan na bigkas ni Beatrice. “Paano mo malalaman eh, lasing ka kagabi right?”singit ng isang tinig sa utak niya. “Oo nga naman, hmmm wait…”Saka nito inilabas ang IPhone na nasa loob ng suot niyang short. Mabilis niyang idi-niyal ang numero ng kapatid niya ngunit hindi nito iyon sinasagot. Sa pagkainip ay naglakad na siya palabas ng kusina. Bigla siyang nawalan ng gana na magluto. Nang makarating siya sa harapan ng pinto ng Dad niya ay tatlong magkasunod na pagkatok ang ginawa niya. “D-Dad g-gising na po ba kayo?”pagtawag niya. Ngunit walang sagot mula rito. Nang ipihit niya iyon at pumasok siya ay kinabahan na siya, dahil wala sa loob ang ama niya! “Dad! N-nasaan po kayo. Pati ba naman ikaw iniwan na ako, paano na ako!”Saka siya nag-iiyak na parang inagawan ng laruan. Wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanyang katulong. Kung sino man ang nasa kalagayan niya na basta na lang iniwan ng nag-iisa sa malaking mansyon ay tiyak niyang ma-iiyak! Patuloy lamang siya sa paghagulhol habang nakaupo sa ibabaw ng kama ng Dad niya at yakap-yakap ang unan nito nang makita siya ni Kitty. Kalalabas lang nito mula sa banyo ng silid ni Don Vecenti naglinis ito roon. “S-senyorita bakit kayo umiiyak?”takang-tanong nito sa dalaga. “Huh? K-kasi lumayas na nga si Kuya Novice p-pati ba naman s-si Day ay umalis na rin! P-paano na ako, h-hindi ko kayang mag-isa rito!”drama ni Beatrice na lumakas pa lalo ang hagulhol. Maya-maya ay narinig niya ang malakas na tawa ni Kitty. Sa sobrang inis niya ay tuluyan niyang kinutusan ito. “Aray! Ko senyorita bakit ka naman nambabatok masakit kaya,”bigkas nito matapos na matigil ito. “Eh, ikaw umiiyak na nga ako piangtawanan mo pa ako! Ang savage mo!” “Paano ma’am hindi ka naman iniwan ni Senyor may pinuntahan lang po siya. Pinasasabi niya rin na baka late na siya makauwi kasi di-diretso raw siya sa opisina matapos na makipag-usap sa kikitain niya,”explain nito. Hindi naman agad nagsalita si Beatrice, tuluyan niyang pinahid ang mga luha sa pisngi niya. Hiyang-hiya siya! “Bakit hindi mo sinabi agad, kainis ka!”maktol ni Beatrice. “Ikaw senyorita O.A mo.”Matapos sabihin iyon ay lumabas na ito. Kulang na lang ay habulin ito ng dalaga at sabunutan nito, ngunit pinigilan niya ang sarili. Dahil totoo naman na nag-over reacting siya. Napatayo na siya at dumiretso siya sa silid para mag-isip kung paano niya malalaman ang naging pagtatalo ng Kuya niya at ni Don Vecenti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD