HALOS mag-i-isang linggo na ang lumipas ng huling magkita at magkausap si Beatrice at Rudny. Tinotoo nito ang pagsunod sa napag-usapan nila na hindi na niya ito susundan-sundan. Ngunit, marahil sa pagka-atat sa pagtupad naman ng ipinangako nitong halik ni Rudny kapag nag-behave siya ay hindi na napigilan ng dalaga ang sarili.
“Come on! Answer my call Ruru!”inip na bulong sa kawalan ni Beatrice habang pinapakinggan niya ang patuloy na pag-ring ng tawag niya. Inis niyang muling idinial ang numero ng binata at nagpatuloy pa rin siya sa kakatawag dito. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang nagpadala ng messages sa lalaki. Maging sa mga social media account nito ay tinadtad niya ng sent message ang inbox nito. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay unseen at hindi siya nire-replayan nito. Naiikot na lamang ni Beatrice ang mata dahil kitang-kita naman niya na available ito!
“I hate you!”gigil na anas na naman niya. Sa sandaling iyon ay nagpost na siya ng status niya sa account niya. Laking gulat niya ng magcomment ng naka-dila na emoji si Rudny.
Sa inis niya ay tuluyan niyang blinock ang account nito.
“Hey! Anong problema mo?”tanong ni Novice. Sa sandaling iyon ay pababa ito ng hagdan, nakasuot na ito ng office attire at handa na ito sa pagpasok.
“Eh, kasi si Rudny kuya! Hindi sinasagot ang tawag ko at mga messages. Tapos, nagcomment nga siya sa post ko sa account ko pero nang-iinis lang siya!”pagsusumbong ni Beatrice na tuluyan sumunod dito. Tuluyan naupo si Novice sa isang upuan sa komedor. Agad na nagtimpla ito ng kape at naglagay ng mga kakainin sa plate nito.
“Kung ako sa’yo ay titigilan ko na siya. Isip bata ka na ngang mag-isip tapos ang i-bo-boyfriend mo lang ay isang kulang-kulang naman,”naiiling nitong sabi.
“Si kuya ang bad! Eh, ikaw nga diyan may binabalak na naman kay Ate Shaina pero isinumpa-sumpa mo pa noon na hindi ka nakikipagbalikan sa ex mo na!”buwelta ni Beatrice upang matigilan sa pagsimsim ng tinimpla nitong kape si Novice.
“S-saan mo nakuha iyang impormasyon na iyan?”takang-tanong nito.
“Siyempre ako pa, hmmm sisihin mo kadaldalan lang naman ni Rudny,”diretsang pagsagot nito.
Mariin na lang ipinikit ni Novice ang mata at napabuga ng hangin sa bibig.
“Ang mabuti pa’y ayusin mo ang buhay mo hindi iyong akin ang pinapakiaalaman mo. Kailan ka ba babalik sa kumpaniya lagpas isang buwan na ang leave mo huh?”pagtatanong ni Novice na iniba ang paksa.
“Soon kuya, w-why miss mo na ba akong makita sa office araw-araw?”hagikhik ni Beatrice na humigop sa orange nito.
“Hell no, mayroon lang akong aasikasuhin na mahalaga sa mga susunod na araw. That’s why mas kakailanganin kita na maiwan muna sa office habang wala ako,”simpleng ani lang ni Novice.
“Really bro? ang sabihin mo aasikasuhin mo na ang pagpapakasal mo sa soon to be sister in law ko na si Shaina. My gosh excited na akong maging abay sa kasal mo. Huwag mo akong kakalimutan na kunin at si Ruru ang maging partner ko understood,”pangungulit ng dalaga.
Again napatda na naman si Novice sa narinig. Maaga pa pero nanakit na ang ulo niya, kapag nakita niyang tiyak si Rudny ay makakatikim ito ng mura sa kanya!
Tumayo na si Novice dahil baka saan na naman mapunta ang usapan nilang magkapatid at baka ma-late pa siya sa pagpasok.
“Tapos ka na kuya? Sabihan mo ako kapag alam mo kung nasaan si Rudny ano please,” Pakikiusap ni Beatrice na hinawakan pa sa siko ang kapatid.
“Okay, okay sige na bye!”Kasabay niyon ang pagtalikod nito at paglalakad palabas ng dining.
Si Bea naman ay ngiting-ngiti na ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal niya.
NAPAGDESIYUNAN ng dalaga na puntahan na sa mansyon ng mga Aragon si Rudny. Dahil walang mangyayari kapag maghintay lamang siya sa update ng kapatid niya. Pagkatapos na pagkatapos niyang mananghalian ay tuluyan na siyang lumarga.
Pasado ala-una ng hapon ng makarating siya sa fortes mansion ng mga Aragon. Kitang-kita niya rin ang mga nakakalat na unipormadong armado na tauhan nina Ruddny.
Nang bumusina siya ay agad na lumapit ang isang nagbabantay sa harap ng malaking gate nito.
“Ano ho iyon ma’am De Guzman?”magalang na tanong nito sa kanya. Agad siya nitong namukhaan, dahil lang naman iyon ang unang beses na nakarating siya sa mansyon pero kadalasan siyang nakikita na pasulpot-sulpot kung san naroon ang boss ng mga ito. Actually ay hindi na rin niya mabilang kung ilang beses. Pero magkagayunman ay never pa niyang nakakaharap ang kapatid ni Rudny na si Rodjun at ang Daddy nitong si Ricardo na laging umaalis naman ng Bansa. Recent lang din niya nalaman na matagal din wala ang kapatid nito dahil nag-aral ito sa ibang bansa.
“Andiyan ba ang boss mo?”tanong ni Beatrice na nilingon pa ang malaking gate.
“Naku! Ma’am wala po, pero nasa loob sina boss Cardo,”pag-iimporma nito.
“R-really? S-sige pwedi ba akong makapasok. M-maybe sa loob ko na lang hihintayin si Rudny,”nasabi niya.
“Sure na sure Ma’am kaw pa ba eh syota ka ni Boss Ruru!”pagmamalaki pa nitong sabi habang binalingan nito ang kasama na itawag sa loob na may bisita ang mga Aragon.
“Naku! Ikaw naman kinilig ako roon ah! Bagay ba kami ng boss mo mukhang girlfriend ba talaga niya ako?”kilig na kilig na sabi ni Beatrice sa tauhan nito. Mukhang maka-closed niya ito magagamit niya ito sakali para malaman lang naman niya ang bawat aktibidades ni Rudny. Pero sa ngayon ang uunahin niya ay ang paghaharap nila ng ama at kapatid ni Rudny. Malay ba niya kung anong klaseng tao ang mga ito, kung katulad din ba ng lalaking kinalolokohan niya na snob at maangas. Sa ngayon ay kabadong-kabado na siya. Napadasal tuloy sa wala sa oras ang dalaga habang naglalakad na siya papasok sa mahabang daan patungo sa mansyon.
ISA-ISANG nginitian ni Beatrice ang dalawang lalaki na mukhang naghihintay talaga sa pagdating niya. Kitang-kita ng dalaga ang pagtayo pa ng mas batang lalaki at agad na nakipag-kamay sa kanya.
“Hai goodafternoon miss?”
“Bea… Beatrice De Guzman. Friend po ako ni Rudny,”dugtong niya at pagpapakilala na rin niya sa sarili. Ipinakita niyang muli ang best asset niya ang maganda niyang ngiti na kinahuhumalingan ng lahat ng nakikilala niya.
“F-friend?”tanong ni Rodjun.
“Y-yes b-bakit?”
“Para kasing malabo na kaibigan ka lang niya. Sa ganda mong iyan,”puri ng binata sa kanya.
“Naku! Biniro mo pa ako. But thanks, sana nga kung pwedi lang na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin kaso mukhang malabong mangyari,”ani ni Beatrice.
“W-why?”tanong ni Rodjun.
Hanggang sa sumabad na si Ricardo na pinanunuod lang silang nag-uusap sa tingin ni Beatrice ay mukhang mabait naman na tao at isa pa na dito nagmana sa kaguwapuhan si Rudny.
“Paupuin mo kaya muna ang bisita Rod, ang mabuti pa’y magtawag ka ng katulong para ipaghanda si miss beautiful ng mamemeryenda.”
Napakamot naman sa ulo si Rodjun. “Ah oo nga, sorry Ate Bea, iyon na lang ang itawag ko sa’yo okay lang ba iyon? Siya pala maupo ka.”
“T-thanks, saka huwag na ho kayong mag-abala busog pa po ako,”magalang niyang sabi.
“Ganoon ba, ako nga pala si Ricardo Aragon ama ni Rudny, ano nga palang ipinunta mo rito iha?”usisa nito.
“Po k-kasi ho hinahanap ko si Rudny. M-meron po kasi kaming naging usapan noong huling beses na magkita kami, Tito. Actually meron po kaming deal na kailangan niyang tuparin.”Pinalakas na ni Beatrice ang loob para magsabi sa nakakatandang lalaki. Baka ito pa ang maging kasagutan para makamit na niya ang premyo niya sa pagiging behave niya this past few days.
“Deal? Ano ba iyon iha?
“N-naku po m-masyado po kasing pribado ho para sabihin ko. Pweding si Rudny na lang po ang magsabi sa inyo,”nahihiya niyang sagot.
“Sige okay lang, huwag kang mag-alala kung nakipag-deal pala ang anak ko natitiyak ko na tutuparin niya dahil kahit kailan ay hindi umaatraso ng pangako ang pamilya Aragon,”may paninindigan na saad ni Ricardo.
Napatango-tango naman si Beatrice. Maya-maya ay dumating na ang mga meryenda na ipinahanda ng kapatid ni Rudny. Inilapag iyon ni Yaya Simang.
“Wow! Cookies, kayo po ba ang nagbake ho nito?”tanong ni Beatrice na agad kumuha at kumagat.
“Naku iha, binili ko lang iyan sa may bakery masarap ba?”
“Opo, alam niyo po ba na marunong po akong magbake nag-aral po ako sa abroad ng culinary kong hindi nito naitatanong mahilig po talaga akong magluto,”pagmamalaki ni Beatrice na wala naman pagyayabang na mababanaag sa tinig nito. Kumbaga ay normal na rito na ipinagsasabi ang mga talent nito.
“Talaga iha, naalala ko tuloy ang asawa ko,”bulong ni Ricardo.
“Bakit po Tito?Ahy! Nasaan po pala si Tita? ”tanong naman ni Beatrice na kinuha ang isang baso ng mango juice para makainom.
“Alam mo kasi Ate mahilig talagang magbake si Tita noong buhay pa siya. Lagi niyang ipinagluluto dati sina Kuya,”malungkot na salaysay ni Rodjun.
Kita ni Beatrice ang pagkalungkot sa mukha ng Daddy ni Rudny, kaya maging siya man ay nakaramdam ng lungkot.
“S-sorry to hear that,”paghingi ng pasensya ni Beatrice na yumuko pa.
“Huwag mong alalahanin iyon, ngayon ay unti-unti na rin namin natatanggap na wala na siya. Pero lagi pa rin naman namin siyang namimiss.”Mababanaag ni Beatrice ang labis na emosyon sa sinabi ni Ricardo. Kaya napag-isip isip niyang gawin ang isang bagay na tiyak na kahit paano ay mapawi man lang niyon ang pangungulila ng mga ito sa ilaw ng tahanan ng Pamilya Aragon.
“Maari po ba na makigamit ng mga sangkap sa kusina niyo Tito, mukha po kasing mamaya pa makakauwi si Ruru. Pwedi po kaya na magbake muna ako habang naghihintay sa pagdating ng binata niyo kung okay lang po,”pamamaalam ni Beatrice.
Tinitigan naman siya ni Ricardo at agad na tumango ito bilang pagpayag.
“Okay lang iha, magandang ideya nga iyan dahil matagal-tagal na rin ng huling magamit ng dating chief ang mga gamit ng namayapa kong asawa. Ang mabuti pa samahan mo siya Rodjun,”bilin pa nito sa binata na nakatitig lang sa magandang mukha ni Beatrice.
“Sure Dad, tara na ate Bea.”Saka ito tuluyan tumayo at naglakad papasok na agad naman sinundan ni Beatrice matapos niyang iwan muna sa sofa ang dala niyang handy bag.
Nginitian lamang ito ni Ricardo at ganoon din naman si Beatrice.
Halos isang minuto rin naglakad ang dalaga at ang kasama nito. Hanggang sa makarating sila sa kitchen area ng mansyon. Bagama’t may kalumaan na ang ilang kagamitan ay natitiyak ni Beatrice na maayos pa at gumagana pa ang mga naroon na gamit.
“Huwag kang mag-alala ate, mukha man luma ay tiyak kong okay pa ang mga ito,”agaw-pansin ni Rodjun sa ginagawang pagmamasid niya.
“Ooh! Sorry hindi ko naman sinasadiya, uy! Baka isipin mo na laetera ako huh!”nahihiyang sabi ni Beatrice.
“Hindi naman ganoon ang nasa isip ko. Saka ayos lang sa akin na katulad mong maganda ang lalait sa akin,”pagbibiro pa ni Rodjun na mukhang kinilig sa nasabi nito.
“Ah bolero ka pala talaga. Alam mo ngayon ko lang nalaman na may kapatid si Rudny, akala ko kasi only child siya.”Iniba na niya ang usapan nila dahil baka kung saan pa mapunta iyon. Tuluyan na siyang naghalungkat ng mga gagamitin niya sa pagba-bake.
“Matagal kasi ako sa abroad almost five years din ako roon, lalo at naging mainit lately ang organization ng negosyo nina Dad. Saka ang totoo we’re not related in blood, actually anak ako ng isa sa tauhan ni Dad na namatay sa enkuwentro. I was ten years old then ng mawala ang Papa ko, natambangan ang sasakiyan kung saan nakasakay ang Mommy ni Kuya Rudny. Ginawa ng lahat ng ama ko para maisalba ang buhay niya ngunit, kalaunan binawian din siya sa hospital kung saan siya dinala. Dahil sa rivals ng magkaibang angkan ni Dad at ang isa sa naging matalik na kaibigan ngunit pinakabagsik na kalaban na ngayon ng Aragon Alliance ay ilang buhay pa ang nawala. Isa kami sa mga nangulila sa pagkawala ng mga mahahalagang tao sa buhay namin,”mahabang eksplinasyon nito.
“I’m sorry for your lost, also too Tito Ricardo at kay Rudny,”taos sa puso na sabi ni Beatrice.
Naisip niya, grabe siguro ang naging pinagdaan ni Rudny, bilib din siya sa binata na kahit ganoon kapait ang pinagdaan nito ay nakakaya pa rin nitong ngumiti. Siya nga noong nagkahiwalay ang Mom at Dad niya ay halos iyak lang siya ng iyak dati.
Iniisip niya ang naging pakiramdam ni Rudny ay tila may kumurot sa puso niya ng mga sandaling iyon.
Sa totoo lang ay hindi sanay si Beatrice sa mga pakiramdam na nalulungkot siya dahil pinakaiiwas-iwasan niya iyon.Wala kasing ibang magco-comfort sa kanya.
Favourite siya ng Dad niya, maging ang mga taong nakapalibot sa kanya ay nabibigyan siya ng labis-labis na atensyon pero ayaw naman maging pabigat sa iba, papansin lang siya iyon lang.
Magpahanggang ngayon ay kailanman hindi niya nakuha ang hinahangad na pagmamahal sa lalaking matagal na niyang inaasam na pansinin siya. Iyon ay mahalin din siya pabalik ni Rudny.
Sa ngayon ay umaasa pa rin siya na pansinin din nito balang-araw. Hindi siya titigil hangga’t hindi ito naiinlove sa kanya!
“Ano bang ibe-bake mo ate?”tanong ni Rodjun na itinabi na sa kanya ang bowl kung saan siya maghahalo ng baking powder.
“Chiffon cake, gusto niyo kaya iyon?”tanong ni Beatrice na nag-umpisa na sa ginagawang pagmi-mixed ng mga ingredient. Naging mabilis ang bawat galaw niya.
“Oo naman ate, hindi mo naitatanong favourite iyon ni Kuya Rudny, saktuhan mo lang ng asukal kasi ayaw niyang masyadong matamis,”dagdag ni Rodjun na ngiting-ngiti habang pinapanuod siya sa ginagawa.
“Talaga, ngayon ko lang nalaman na mahilig pa lang magkakain ng ganito si Ruru,”wika niya.
“Aba siyempre ate, naalala ko lang dati sa kwento ni Dad na every weekend ay tinutulungan ni Kuya Rudny ang Mommy nito rito sa kusina. Kaso, nagbago na iyon never ng pumasok rito si Kuya,”malungkot pa nitong pagsasalaysay.
Hindi alam ni Beatrice kung ano ang isasagot sa mga kwento ni Rodjun. Apektado rin siya kahit paano.
“Nalungkot ka, sorry hindi na lang ako magkwe-kwento,” wika ni Rodjun.
“No— I mean ayos lang. Sa totoo lang ay gusto ko pang marinig ang lahat ng alam mo. Alam mo matagal ko naman ng kilala si Rudny kaso hindi ko pa pala siya ganoon kakilala.”Aminado siya sa nasabi dahil sa five years na nagkakilala sila nito ay walang binabanggit ito.
“Sige isasalang na ba ito sa oven?”tanong ni Rodjun ng mailagay na niya sa pan ang mga hinalo niya.
“Oo kunti lang ang ginawa ko, baka kasi hindi niyo type.”
“Nah! Oo iyan hindi naman kami pihikan rito. Sigurado akong masarap na masarap iyan dahil from your heart lang naman kung paano mo iyan pri-ni-pared.”Tumaas-taas pa ang kilay ng binata.
Tawang-tawa naman si Beatrice sa pagpapatawa nito. Kaya panay tapik niya sa balikat nito.
“Teka! Ate ka ng ate eh mukhang magkaedad naman tayo,”nakataas ang kilay na saad ni Beatrice.
“Twenty one pa lang ako, bakit ikaw?”
“Ah oo mas ahead nga ako, twenty five na ako,”wika ni Beatrice.Sa hindi sinasadyang pangyayari ay biglang nasagi ni Rodjun ang baso na may laman tubig kaya upang mabasa ang suot na puting dress ni Beatrice.
“Naku! Pasensya na.”Akmang hahawakan at pupunasan ng bimpo na nadampot nito ang nabasang damit nito ay agad na siyang pinigilan ni Beatrice.
“A-ayos lang Rod, sige na papatuyuin ko na lang. Mayroon ba kayong hair blower?”tanong niya.
“Sa taas iyong ika-unang silid pumasok ka roon may makikita ka. Pasensya talaga!”pagpapaumanhin ni Rodjun.
Tumango-tango lang si Beatrice.
“Ang mabuti pa’y bantayan mo na matapos ang chiffon cake. Kapag tumunog na iyan ay pwedi mo nang kunin at dalhin kay Tito para matikman niyo. Later tatanungin ko kung anong rate nito sa chiffon cake na ibi-nake ko,”wika pa ni Beatrice bago siya tuluyan naglakad paalis.
Madali naman siyang nakarating sa second floor ng mansyon. Amazed na amazed si Beatrice sa desinyo ng kabuuan ng pamamahay ng pamilya Aragon.
Bubuksan na sana niya ang unang pinto na nakita niya nang maagaw ng atensyon niya ang isang bukas na pinto sa may dulong bahagi. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para buksan at pasukin ang loob ng silid na iyon. Kita niya ang black and red na dominant colour ng silid. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Napangiwi siya dahil sa kalat na nakikita, ang totoo kahit anak mayaman siya ay natuto naman siyang maging masinop.
“Grabe kaninong kayang silid ito? Sobrang kalat naman nakakairita,”piping pakikipag-usap ng dalaga sa sarili. Kaya upang umpisahan na niyang iligpit ang magulong bedroom. Madali naman niyang naayos iyon, tuluyan niyang ibinukas ang kurtina dahil pakiramdam niya ang dilim-dilim.
Agad na niyang kinuha ang hair blower na nakapatong sa may kama na inayos din niya. Tuluyan na siyang dumiretso sa loob ng banyo. Inalis na niya ang dress, kitang-kita niya sa kaharap na salamin ang kabuuan niya. Wala siyang suot na bra dahil hindi na kailangan dahil apparently ay automatic na may foam na sa bandang chess ang isinuot niya.
Napa-blush pa siya habang tinitignan ang sexy niyang katawan. Ganoon na ganoon siya kapag nakikita niya ang sariling repleksyon na walang suot na anuman. Hindi siya sanay na magbra at mas kumportable siya sa t-back lang.
Nang magsawa siya sa kakatitig at kaka-awra sa harap ng salamin ay nag-umpisa na siyang patuyiin ang basa sa dress niya.
PABAGSAK ang ginawang pagsasara ni Rudny sa sasakiyan niya. Dumiretso siyang pumasok sa loob ng mansyon, nasa bungad pa lang siya ng pinto ay langhap na niya ang masarap na amoy ng chiffon cake na kasalukuyan nilalantakan ni Rodjun at Ricardo.
“Kuya tikman mo masarap iyan!”Aya sa kanya ng kapatid. Hindi na sumagot si Rudny dahil natatakam na rin naman siyang tikman iyon. Sa amoy niyon ay naalala niya ang Mommy niya.
Sa unang kagat pa lang ay para ng hinaplos ang puso ni Rudny. Ninamnam niya ang lasa at sarap niyon.
“Saan mo nabili ito Rod?”tanong niya sa kapatid habang panay subo lang siya.
“Masarap ano iho, kuhang-kuha ng chiffon cake ng Mommy mo,”pagbibida ni Ricardo. Tumango naman si Rudny, namiss niya tuloy ito.
“Hindi ko iyan binili bro, ang totoo your girlfriend made that,”aliw na sabi nito.
Bigla ang paggitlaan ng linya sa noo ni Rudny.
“Ano bang pinagsasabi mo huh?”
“Tintanong mo pa ba iyan, siyempre si Ate Beatrice!”
Napatigil naman sa ginagawang pagsubo si Rudny. Kanina lang ay mainit ang ulo niya, ngunit dahil sa kinain na chiffon cake ay nawala iyon.
Pero ngayon, mukhang babalik ang init ng ulo niya. Dahil narito lang naman sa loob ng pamamahay nila ang babaeng pinakaiwas-iwasan niya.