Chapter 1

1269 Words
"Marta, please. Pakihinaan naman yung volume nyang pinapanood mo." Pakiusap ko sa kambal ko na nanonood nanaman ng BL series. Naging hilig nya na ang panonood non dahil wala na syang magawa ngayong quarantine. Pero ako, ganon pa rin, basa lang nang basa. "Umakyat ka sa kwarto mo kung ayaw mo manood." Sagot nya sakin pabalik. Umakyat nalang ako sa kwarto para makapag focus ako sa kwentong binabasa ko. Bakit ganon parati nalang may isang character na hindi pinipili. Hindi ba pwedeng dalawang character nalang ang gawin ng author? Isinara ko ang librong binabasa ko at itinapon sa gilid ng kama. Nakakasawa yung ibang kwento, wala na bang bago? Nabasag ng ingay ng tunog ng cellphone ko ang pagtitig ko sa kisame. May nag missed call sakin, number lang. "Adik, 8 missed calls na. Sino kaya to?" Tinanong ko kung sino sya. Tinawagan ko ang number pero hindi naman sya sumagot. Kaya nag text nalang ako sa kanya. "Who's this?" "Maia! Baba ka dali!" Rinig kong sigaw ni marta sakin. Ayoko nga, kakaakyat ko lang bababa nanaman. Dalawa lang kami ni Marta ang nakatira ditto sa bahay. Namatay daw kasi yung nanay naming nung pinanganak kami at yung tatay naman namin may pamilya na sa ibang bansa. Kapatid ni mama ang nagpalaki samin, si Tita Sabelle, dun kami nakatira sa bahay nya noon. Noong nag 16 kami naisipan naming lumipat ng kambal ko sa dating bahay nila nanay at tatay, ang bahay na tinitirhan naming ngayon. Hindi naman nagkulang si tatay sa pagpapadala ng pera sa amin kaya kinakaya naman naming dalawa ang buhay. "Maia! Isang tawag pa!" Napakamot ako ng ulo at tumayo sa kama. Si Marta kasi ang parang nakatatanda saming dalawa, sya ang taga luto at maraming alam sa gawaing bahay. "May bagong lipat sa tapat natin. Ang pogi nung dalawang lalaki." Bungad nya sakin habang naka dungaw sa bintana, naka patong sa sofa ta naka usli ang pwet. "Alam mo ang landi mo talaga." "Mana mana lang. Pero tignan mo oh ampopogi nung lalaki." Tumingin ako sa labas may nakita akong kotse at truck. May dalawang lalaking nag bababa ng gamit sa truck, may isang babae na tinatawanan yung dalawang lalaki na hirap magbuhat at mag asawang magkaakbay habang nakatingin sa bagong bahay. "Pamilya siguro sila no. Siguro bunso yung babae at mukhang ka-age natin tapos mas matanda yung dalawang lalaki ng 2 years no?" Bulong ni Marta sakin "Wala na tayong pake dyan, Marta. Chismosa ka talaga." "Dalhan kaya natin ng ulam hihihi. Pa-welcome lang ganern. Tapos sana isa sa lalaki ang makakita satin. Sis, kabog yon, mas maganda naman ako sayo e." "Nagugutom na ko, pakainin mo na ako." "Sureness. Ang ulam ang pork adobo with boiled egg." Sa kalagitnaan ng pagkain naming ng kambal ko biglang may nag doorbell sa gate naming. Nagkatinginan kami ni Marta at tinaasan nya naman ako ng kilay. Napairap ako at tumayo. Nagtuloy tuloy ako sa labas ng pinto at Nakita yung dalawang lalaki nab ago naming kapit bahay. "Hi. Im Archin we're new here so.... My mom wanted me to give you this." Nahihiya-hiyang sabi nya tinignan ko ang hawak nya at isa iyong medium size na yema cake. "She baked it and this is my younger brother Austin." Nakangiting sabi nya. "Hi." Tipid na sagot nung Austin Nakita ko naming siniko sya ng kuya nya. "Salamat. Nag-abala pa kayo." Nakangiting sabi ko at kinuha ag cake. "Salamat ulit. Huwag kayong mag-alala tahimik lang naman kami ng kapatid ko." Natawa lang sya at nagpaalam, sumunod naman sa kanya ang masungit nyang kapatid. "Bruha ka! Dapat ako nalang pinakuha mo." Sabi ni Marta pagpasok ko sa loob ng bahay. "Ampopogi no? Ano pangalan nila?" "Archin at Austin daw." "Pangalan palang ampopogi na, tara kain na ulit tayo, kanin natin ang cake nay an. Sa susunod sila naman ang bigyan natin yung may gayuma." Natawa nalang ako sa kapatid ko. Kabaliktaran ko ang ugali nya pero sobrang magkasundo naman kami. Pagtapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan at pinakain ang aso naming shih tzu na si popo, nasa labas sya ng bahay, nagngatngat kasi sya ng tissue at pinagalitan sya ni Marta. "Hoy pagtapos kumain ni popo sa labas mo sya padumihin ah! Kakalinis ko lang ng labas!" Sigaw ni Marta habang naghuhugas. "Popo let's go outside." Masayang sumunod si popo sakin, hindi ko na sya kailangan pang itali dahil kabisado nya naman ang village. Pumunta si popo sa damuhan at umamoy amoy napatulala naman ako sa kanya. "Ah." Angil ko nang matamaan ako ng bola sa ulo. Kinuha ko ang bola at masamang tumingin sa bumato, nagulat ako nang makita si Austin at Archin sa malayo "Sorry." Walang boses na wika ni Archin. "I'm so sorry. I didn't see you there." Napatingin ako sa babae sa harap ko, nasisiguro kong kapatid nya nina Archin at Austin. "Pasensya ka na. Hindi ka namin nakita. May masakit ba sayo?" Hingal na sabi ni Archin sakin. "Okey lang. Ayos lang ako." "By the way, sya si Arabela, bunso naming kapatid. Hindi ka pa pala nag papakilala no?" "Im Maia." Sagot ko inalok ni Arabela ang kamay nya kaya tinanggap ko iyon. "Pasensya ka na ulit ah." Maganda ang ngiting sabi nya. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. "Sige mauna na muna kami. Naglalaro kasi kami ng volley ball. Masyadong kasing maluwag ang kalsada at natutuwa lang kami." Tumango lang ako. "Popo let's go!" Sigaw ko sa aso ko pero walang lumalapit. Hindi ko na matanaw si popo sa damuhan. "Shit." Napatakbo ako sa damuhan para hanapin si popo. "Popo! Let's go home na." Sigaw ko. Natanaw ko naman ang buntot nyang nawagwag sa likod ng puno. Nilapitan ko sya at nagulat ako nang Makita si Austin na binibigyan sya ng tinapay. "Popo." Tawag ko at lumapit si popo sakin. "Nice name." Pilit ko lang syang nginitian at binuhat si popo, tinalikuran ko na si Austin. "Maia." Mahinang bigkas nya napalingon ako pero nag lalakad na sya papalayo. Ako ba yung sinabihan nyang nice name? Hindi ba si popo? "Antagal mo naman magpatae ng aso girl." Malakas na sigaw ni Marta nang makauwi ako. Kanina pa ako nakakaramdam ng hilo, dumagdag pa tong kambal ko. "Ang putla mo. Anong nangyari?" Nag-aalalang lumapit si Marta sakin. "Nagdudugo ilong mo! Shet umupo ka nga muna!" Umupo ako sa sofa at agad akong pinunasan ni Marta. Nakita kong tumayo si Marta at saka nag dilim ang paningin ko. Nagising ako nasa kwarto na ako. Walang tao sa kwarto, ang pinagtataka ko sinong nagdala sakin dito, hindi naman ako kaya ni Marta. Lumabas ako ng kwarto at nadinig ko agad ang malakas na boses ni Marta. "Salamat ulit, Archin ah! Hindi ko naman alam na natamaan nyo pala sya ng bola, pero okey lang yon matigas naman bungo ng kapatid ko hihihi." "Paki sabi sa kapatid mo pasensya na ulit ah." "Sureness." Nakangiting sabi nya at kumakaway-kaway pa. "Ang landi." Sabi ko at tuluyan nang bumaba para kumuha ng tubig. Inirapan ako ni Marta inabutan ng yelo sa bimpo. "Ilagay mo sa ulo mo. Kanina ka pa kaya tulog, buti nalang dumating si Archin para tulungan ako ilipat ka, nagdala sya ng cake, sorry daw natamaan ka nung Ara." Tumango-tango ako sa kanya at umakyat ulit sa kwarto ko. Naisip ko nanaman ang sinabi ni Austin kanina na nice name. Sino kaya ang tinutukoy nya? Ayokong maging assuming at isipin na ako yon, psh. Kinuha ko ang cellphone ko nang maalalang meron nga palang nag mimissed call sakin. "It's me Clark." Reply sa text message na sinend ko. Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, kung dapat ba akong malungkot o matuwa. Pero bakit? Bakit bumalik nanaman sya? *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD