Tatlong araw na ang nakalipas nang makauwi si Tita Sabelle sa bahay, alalay naman kami ni Marta sa kanya. “Dito na ba kayo tityra ulit, iha?” Tanong ni tita habang inaabot ko ang gamot at ang inumin sa kanya. Kinuha nya ito at ngumanga sa harap ko.
“Kailangan po naming masiguro na uubusin mo po itong isang buwang gamutan mo tita bago kami umuwi.” Sagot ko habang itintabi ang mga gamot nya.
“Nako, mahigit isang buwan ang gamutan na ito.” Sabi ni tita at hinawakan pa ang kamay ko. “Alam kong ayaw mo dito dahil kay, Clark. Pero iha, bigyan mo sya ng pangalawang pagkakataon.” Nginitian ako ni tita. “Nasisiguro kong may malalim syang dahilan bakit nya nagawa ang mga iyon. Patay na patay sayo yon e, hindi ka nya lolokohin basta-basta.”
“Sabi nya po aalis sya, mag-iibang bansa. Ayun lang po ang dahilan nya, sabi nya mahihirapan daw ako kasi LDR kami.” Ngumiti ako kay Tita. “At tita naman, that was 3years ago, naka move on na ako.”
“Hinahanap ka pa rin ng mama at papa ni Clark sakin. Kung maaari lang daw ay sila na ang hihingi ng tawad para sa anak nila.” Sabi ni tita bago humiga. “Mahalaga ka sa pamilya ni Clark sapagkat nakikita nila ang magandang naidudulot mo sa anak nila pero mas mahalaga ka kay Clark. Sige na matutulog muna ako.” Inayos ko ang kumot ni tita bago lumabas ng kwarto.
Ibinalik ko ang mga gamot ni tita sa ref nang marinig ko na tumahol si popo. Pumunta ako sa salas at nakita ko naman sya na nakapatong sa upuan habang tumatahol sa labas. Nang makalapit ako sa kanya para ibaba sya ay natanaw ko sa baba ng bahay si Clark na may hawak na bulaklak at nakasabi na gitara sa katawan. Ang lupa kasi si tita ay may malawak bakuran lalo na sa likod ang at ang disenyo ng bahay nya ay makaluma. Kinakailangan mo pang umakyat sa hagdan bago ka makapasok sa loob ng bahay, parang second floor na kaagad ang bahay nya. Sa garden nya naman sa likod ay may maliit na kubo kung saan pwede mag sama sama at mag paparty doon dahil sa lawak.
Dumungaw ako sa bintana at tinignan si Clark. Inangat nya naman ang hawak nya bouquet sabay tipa sa gitara. “It all came so easy, all the loving you gave me. The feeling we shared and I still remember.” Nagsimula syang kumanta, hindi parin nagbabago ang boses nya, sobrang lamig at sobrang ganda parin. “How your touch was so tender, it told me you cared. We had a once in a lifetime but I just couldn’t see. Until it was gone.” Kunot ang noong tumabi sakin si Marta. Tinignan ko naman sya at umiling nalang. “A second once in a lifetime, May be too much to ask but I swear from now on…”
“Sarado na natin ang bintana.” Sabi ni Marta “Umalis ka na!” Napatingin si Clark kay marta. Mas nilakas nya ang pag tipa sa gitara.
“If ever youre in my arms again, this time I’ll love you much better. If ever youre in my arms again, this time I’ll hold you forever…” Tinignan nya ako sa mata at itinigil ang pag gigitara. Kitang kita ang sakit sa mata nya. Alam kong nasasaktan sya. “This time we’ll never en—”
*beep* *beep*
Malakas na busina ang nagpatahimik kay Clark sa pagkanta, sabay sabay kaming napatingin sa bumusina. Parang slow motion naman ang naging pagbaba ni Ara sa sasakyan nya. Hinubad nya ang kulay dilaw nyang sunglasses na bagay na bagay sa suot nyang itim denim jacket na may itim na crop top tube na panloob, ripped shorts at itim na rubber shoes. Idinantay nya ang braso nya sa ibabaw ng kotse at ipinatong ang ulo sa kamay nya. Inilagay nya ang sunglasses sa ulo nya.
“What did I miss?” Sabi nya habang nakapatong parin ang ulo sa kamay.
Nagkatinginan kami ni Ara at kinindatan nya naman ako, natawa naman ako sa ginawa nya. Sa isang iglap ay biglang Nawala si Marta sa tabi ko at ayun na sya sinasalubong si Ara ng yakap. “Sis, grabe sakto ang dating mo!” Sabi nito at hinila si Ara paakyat sa taas.
“Hi.” Bungad nya sakin kinawayan ko naman sya. “Ganda. May suitor, sana all.”
“Nako, suitor ka dyan, baka cheater!” Sinadya ni Marta lakas ang boses nya para marinig ni Clark. Akmang isasara na sana ni Marta ang bintana pero pinigil ko sya. Tinignan ako ng masama ni Marta. “Tigil-tigilan mo nga ako, Maia.” Tinitigan ko lang sya. “Sige magpakatanga ka ulit.” Sabi ni Marta sabay walkout. Napatingin ako kay Ara na nanlulumong tumingin sakin.
“Wala naming masamang sundan ang gusto mo. I’ll support you. Pero sana sure ka na sa pipiliin mo.” Halata sa mga ngiti ni Ara nap eke iyon at hindi sya natutuwa. Huminga ako ng malalim at bumaba sa bahay.
“Clark ano nanaman ba to?”
“Nanliligaw. Alam kong nagkamali ako pero ipaparamdam ko sayo at pinapangako ko, Maia, na hindi na mauulit just please give me a chance.”
“Clark, ayoko na. If you really love me, maging masaya ka nalang para sakin.” Sabi ko at umalis. Sigurado na ako sa desisyon kong ito, hindi ko na mahal si Clark.
“Hindi ko kayang maging masaya pag wala ka.”
“Sana naisip mo yan bago mo ako sinaktan.” Tuluyan na ako umakyat sa bahay at isinara ang pinto. Nakita ko naman si Ara na inaabangan ako sa pinto. Inilahad nya ang kamay nya at lumapit naman ako. Niyakap nya ako at hinmas ang aking buhok.
“Nandito lang ako.”
***
Lumipas ang ilang araw ay naisipan na naming umuwi ni Marta, si jane na raw ang bahala sa gamot ni tita. Inaayos ko ang mga gamit ko nang pumasok si tita sa loob “Mag-iingat kayo sa inyo ha.” Tumango ako kay tita at niyakap sya.
“Magpagaling ka po.”
“Sayang lang at hindi pa rin kayo nagkakabalikan ni Clark.”
“Wala na pong pag-asa tita.” Sumimangot sya at dinaldal pa ako.
Nagpaalam na kami sa kanilang lahat bukod kay tito na nag presinta na ihatid kami halos buong byahe ay nag-uusap si Marta at si Tito parehas kasi sila ng ugali kaya ganon magkasundong-magkasundo sila. Nang makarating kami samin ay tinulungan kami ni Tito ibaba ang gamit. Hindi nya na rin pinili magtagal sa bahay at umalis din agad. Nagluto agad si Marta ng makakin naming dahil malapit na rin mag dilim. Narinig ko naman mag nagdoorbell at nakita ko si Ara sa gate namin nakaabang. Pinagbuksan ko sya ng pinto at pinatuloy.
“Namiss ko kayo grabe! Wala akong kachikahan dito.” Sabi nya. “Hinahanap ka ni kuya Marta—”
“Sinong kuya yan ayie!” Mabilis na sagot ni Marta na ikinatawa naming.
“Si Archin hahaha!”
“Hoy legit ba? Paligawan mo na ako!”
“Gaga torpe yon e.”
“Ako nalang mag memake ng move hahaha!” Nagtawanan naman kami. NBSB kasi si Marta dahil pihikan sya lahat naman ng nagugustuhan nya ay hindi sya nagugustuhan.
“Binusted na nya si Clark.” Sabi ni Marta kay Ara.
“Nanligaw ba ulit bukod nung pumanta ako?”
“OO sis pabalik-balik.”
“Buti binusted mo na.”
“Oo nga diba!”
“Marami pa naman iba dyan.” Sabi ni Ara at inakbayan ako. Dito na sa amin kumain si Ara. Balak nya rin ata dito matulog, itatry nya raw mag sleep over dahil wala naman siyang masyadong kaibigan noon kaya wala syang ka sleep over. Umuwi muna sya sandali at kinuha ang pantulog nya at mag paalam sa magulang nya. Balak namin na sa salas kaming tatlo matulog, ilalatag nalang namin ang dalawang kama na nasa guest room.
Inayos ko ang dalawang kama sa sahig, inalis muna namin ang center table, pinagtabi ko ang kama para tabi tabi kaming matulog. Ibinaba ko rin ang kurtina at inipit ito sa likod ng sofa. Maraming dalang unan si Marta at Ara na inayos ko rin sa kama.
“Wow! Sleepover party!” Masayang sabi ni Ara na tumalon pahiga sa kama. Si Marta naman ay sa kabilanh dulo humiga at namili ng papanoorin sa tv, kaya sa gitna na ako nahiga. Ang pinili ni Marta ay horror movie yung Veronica. Nag simula na ang movie at tungkol pala iyon sa isang dalaga na merong mga kapatid at sila lang ang magkakasama sa bahay. Sa palagay ng dalaga ay may nakapasok sa bahay nyang masamang espirito na sinasaktan at ginagambala ang mga kapatid nya. Subalit sa bandang huli ng storya ay siya pala iyon na sinasaniban ng masamang espirito.
Napatingin ako kay Ara na tulog na pala, patapos na ang Movie. Nakatahilid sya at nakaharap saakin ang mukha. Pinatay ko na ang tv dahil tulog na rin si Marta at muli akong humiga. Muli kong tinignan si Ara na kahit natutulog ay napaka ganda. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata. Kakatitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayang nakatulog na rin pala ako.
Madilim pa nang maalimpungatan ako sa pag tayo ng katabi ko. Idinilat ko ang mata ko at nakita si Ara na lumabas ng pinto, kumunot ang noo ko dahan-dahang sinundan sya. Lumabas sya ng gate at lumakad lang ng medyo malayo sa bahay.
“No Ara. Hindi pwede. ” Dinig kong bulong nya sa sarili habang hawak ang noo at umiiling-iling, nagulat ako nang napaupo sya sa lupa at isinandal ang ulo sa tuhod “Hindi pwede.” Sa palagay ko ay nag ssleep walk sya kaya nilapitan ko sya at hinawakan sa magkabilang balikan. Nagulat sya at tumingin sa akin. “Maia.”
“Akala ko nag ssleep walk ka kaya sinundan kita.” Nag-aalalang sabi ko. “Ano bang sinasabi mo dyan?”
“Ahhhh. Wala yon. Wag mo nalang isipin.”
“Alam mong di ako makakatulog kakaisip kung ano yon, Ara naman e.”
“Wala nga lang yon! Nanaginip lang hmp.” Sabi nya at tumayo. Nagsulimula syang maglakad pabalik sa loob ng bahay.
“Bala ka dyan parehas tayo di makakatulog, ikaw kasi hindi mo nasabi nasa-isip mo, ako kasi di mo sinabi sakin at curious ako.”
“Ano kasi yon—Wala yon!” Muling sabi nya na ikinatawa ko. Sabay kaming bumalik sa bahay. Alam naman ni Ara na hindi ako yung klase ng tao na namimilit, nirerespeto ko ang desisyon nyang wag sabihin saakin. Kung si Marta siguro ang nakarinig baka pilitin pa syang sabihin kung ano iyon.
Papasok na kami ng bahay nang lingunin akong muli ni Ara. Nagtataka ako sa itsura nya dahil hindi sya makatingin saakin at sa gilid lang sya nakatingin. Napakunot ang noo ko at nginitian sya “Ano? Sasabihin mo na ba?” Tumango sya na ikinalaki ng mata ko.
“Gusto kita.”