Tulad nang nakagawian, madaling araw pa lang nasa palengke na ang dalawang magkapatid. Hindi na niya pinagtrabaho ang ina. Sa kinikita nilang mahigit tatlong libo araw araw sa pagtitinda lang ng isda sa palengke, makakagawa na rin siya sa wakas ng sariling kwarto. Ipapakiusap niya sa ina mamayang kausapin si Mamay Elsa para gumawa sila ng mezzanine sa may bandang sala upang maging kwarto niya. Seguro naman papayag ang matanda sa gusto niyang mangyari at sila naman ang gagastos sa pagpapagawa. "Ate, yan na naman si lover boy mo." kalabit ni Harold sa kanya sabay nguso sa binatang papalapit sa kanila. "Ha?" Natameme siya nang makita ang binatang tila mas nauna pa sa kanilang magpunta dun. Hindi na ba ito umuuwing bahay? "Itago mo ako." sambit niya sa kapatid. "Naku huli na. J

