Nasa loob na ng silid-aralan si Flora Amor nang tanghaling 'yon pero 'di pa rin mawala sa isip niya ang magjowang nakita sa Mang Inasal.
Ang ganda ng babae, ang pula ng mga labi, makinis at maputi ang balat, sexy tsaka halatang office girl. Perfect match sila ng lalaking nabunggo niya kanina.
'Di niya pansin ang sariling salubong na ang mga kilay.
Sa lahat ng magjowa sa loob ng kainan bakit sa dalawa pa natuon ang pansin niya?
Dahil ba ngumiti sa kanya ang lalaki tsaka nakipagkilala sa kanya kaya feeling niya magkaibigan sila at curious na siya sa lovelife nito? O dahil tinitigan siya nito kanina na parang may gusto ito sa kanya kaya nagseselos siya 'don sa babae?
'Yyaks!' Kelan pa siya nagkarun ng desire sa isang lalaki?
Nag-blush siya sa pumasok sa isip.
No'ng mabunggo niya ito sa labas ng Mall ay wala man lang siyang nakitang nakaka-attract sa mukha nito.
Pero bakit nang nasa loob na ito ng kainan at gumanti ng titig sa kanya'y bumilis agad ang t***k ng kanyang dibdib na parang hinahabol siya ng aswang? Ang pakiramdam na 'yon, 'di niya kayang ipaliwanag nang maayos. Sa totoo lang, hindi naman niya 'yon naramdaman sa kahit kaninong lalaki, kahit kay Anton.
Iyon kaya 'yong love?
Yakkk! Sino ba 'yon para ma-inlove siya agad nang gano'n lang?
"He's not my type!" Ang laman ng isip ay naibulalas niya.
"Sino, Beshie?" usisa agad ng kaibigang binata.
"Ha? Wala-- wala," bigla niyang bawi.
"Bakla, wala yata ang jowa mong shota ng bayan," pakli ni Mariel sabay siko sa braso ng lalaki.
Lumingon si Flora Amor sa likuran nila. Hindi lang si Phoebe ang wala do'n. Pati si Elisse. Seguro gumala din ang mga ito at nakalimutan ang oras kaya 'di nakapasok sa panghapong klase.
"kawawa naman si Elisse," narinig niyang bulong ng kaklase niya sa harapan niya.
"Kasalanan niya, pader ang binangga niya. 'Di kasi maitahimik ang bibig," sagot ng katabi.
Nangunot ang noo ng dalaga, kasabay ng pagpisil ni Anton sa braso niya habang nakaakbay sa kanya. Bakit? Ano'ng nangyari sa babaeng 'yon? Baka may ini-bully tapos 'di nito alam, palaban pala.
"I heard they're a family of pushers," naalala niya ang sinabi ng babae kahapon.
Awang ang mga labing hinanap niya ng tingin ang nakasabay nilang pumasok kahapon. Huh? Napikon si Megan sa sinabi ni Ellise at pinatulan nito ang malditang kaklase nila?
Pinagmasdan niyang maigi si Megan mula sa kinauupuan nito sa harapan. Pero likod lang nito ang nakikita niya. Halos dalawang taon na niyang kaklase si Megan pero hindi ito ang tipo ng babaeng papatol sa mga parinig liban na lang seguro kung totoo.
Halata sa mukha ang pagkagulat at kaba saka dumeretso siya ng tingin sa chalkboard. May tao palang gano'n? Mukhang mabait pero demonyita pala?
Wala sa sariling napatingin siya kay Anton na noo'y seryoso ang mukha. Buti na lang, totoo ang mga kaibigan niya sa kanya.
Tinanggal ni Anton ang kamay sa kanyang likuran nang makitang pumasok ang instructor nila sa subject na Fundamentals of Accounting.
"Beshie, ano raw ba nangyari kay Ellise?"
Kinalabit niya si Mariel sabay yuko sa ulo at nagtago sa likuran ng nasa unahang kaklase.
"Pinalipat daw ng school, Beshie," paanas na sagot ng babae.
Tumango-tango siya at umayos nang upo saka muling sinuyod ng tingin si Megan. Bigatin pala ang mga magulang nito? Dahil lang sa sinabi ni Ellise kahapon ay pinatalsik ito sa school nila?
'Di makapaniwalang ibinaling niya ang tingin sa guro kahit wala naman do'n ang isip.
-------@@@@@---------
"Beshie, ihahatid na kita sa inyo." Si Anton habang pababa sila sa hagdanan ng building.
Tapos na ang klase nila at wala naman siyang assignment ngayon kaya maaga siyang makakauwi.
"Hoy bakla, mauuna na ako ha?Magpapasama ako kay mama bumili ng dress para sa party ng Papa mo," paalam ni Mariel sa binata at sunod na bumaling kay Flora Amor.
"Beshie, 'yong make-up kit mo, pagamit ako ha?" sabay hagikhik dito.
"Sure!" Tumawa siya.
"Beshie, mauna ka na. May pupuntahan pa kasi ako," baling niya sa binata.
"Saan, samahan kita," giit nito.
"Wag na beshie. May bibilhin din ako."
Mariin siyang tinitigan ng binata at nang mapansin nitong gusto niyang mapag isa ay di na ito namilit.
Mag isa siyang naglakad nang marahan sa covered walk na tila binibilang ang bawat niyang hakbang habang nakayuko.
Pinag iisipan niya kung pupunta siyang palengke ngayon. Pero hindi niya alam kung saang banda ng palengke sa bayan naruon ang mga magulang, kung saan ang pwesto ng mga ito. Ayaw ng mga itong nagpupunta sila duon lalo na siya.
Pero gusto niyang alamin kung ama ba niya ang nakita sa Mall kanina. Anong ginagawa nito duon? Imposible namang duon ito namamakyaw ng mga isda.
"Hi!"
Bahagya lang niyang narinig ang tinig na yun. At dahil malayo ang lipad ng isip niya, nagulat pa siya nang biglang may humawak sa braso niya.
Agad siyang kumawala sa mapangahas na lalaking humawak sa kanya. Nang iangat niya ang ulo'y yung nabunggo kanina ang tumambad sa kanyang harapan. Napatigil siya sa paglalakad.
Kunut-noong sinulyapan niya ito at agad ding iniiwas ang tingin.
"Remember me? I'm Dix," nakangiti nitong wika sa kanya.
Napilitan siyang tumingin dito, blangko ang expression ng mukha.
"Dito ka pala nag-aaral. May pinuntahan lang ako dito at nakita kitang naglalakad kaya lumapit na ako." alanganin nitong paliwanag habang nakamasid sa mukha niya.
"You mind kung sumabay ako sayo?"
Gentleman naman ang lalaki kaya kahit di siya sumagot ay di naman din siya tumanggi.
Nagsimula siyang maglakad. Sumabay lang ito.
Nalilito siya. Kanina di niya maipaliwanag ang nadarama habang nakatitig sila sa isa't isa. Ngayon ay parang naiinis pa siyang nakita ito. What's with her?
"I also graduated here, you know," anito pagkuwan habang naglalakad sila.
Tumango lang siya, hindi nakangiti at di rin nakasimangot.
"By the way I'm Dix Amorillo, 22 years old." Bigla itong huminto at humarap sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi huminto na rin. Pero hindi siya sumagot.
"May I know your name? "
Tikom ang bibig na bumaling siya dito.
Ano bang isasagot niya? Hindi siya supladang babae pero hindi naman din siya palakaibigan. Wala lang siyang pakialam sa sinasabi nito.
"Ah, I remember!" Pumilantik yung lalaki.
"Flor right? " Hindi nito inilalayo ang tingin sa kanya habang nakangiti.
"Can I have your number?"
Salubong ang mga kilay na tumingin siya rito.
"I mean, if you don't mind."
Gentleman naman ang lalaki sa tingin niya pero bakit parang atat itong makilala siya? Ganun ba mag-approach ang mga lalaki ngayon? Wala siyang alam. Ang mga kaklase niya'y di naman ganun sa kanya at walang pumapansin sa kanya sa department nila. Si Anton lang ang lalaking lumalapit sa kanya sa school kaya di niya alam pano makikipag usap sa lalaking kaharap.
"Magagalit po ang boyfriend ko." Hindi niya alam kung bakit malakas ang loob niyang sabihin iyon o ayaw lang niyang malaman nitong wala siyang number kasi wala mama siyang Smartphone.
"So it's true that you're his property," matabang nitong wika.
Nagtaka siya sa sinabi nito.
'I'm someone's property?' ulit ng isip niya. 'Tingin ba ng lalaking ito, isa akong bagay na pwedeng gawing pag aari ng kung sino lang?'
Naiinis siyang lumayo rito at hindi na inalam kung sumusunod ito o hindi.
Sino naman kaya ang sira ulong magsasabing pang-aari siya nito?
Gago seguro yung lalaking yun, walang magawa sa mundo kaya siya nilapitan.
Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya sa gate at dere-deretso ang lakad patawid sa highway nang nakayuko kaya di niya napansing may humahagibis na sasakyang palapit sa kanya.
"Amor!"
Nagulat siya sa sigaw na yun at napalingon. Ngunit biglang may humila sa kanyang kamay at sumubsob ang mukha niya sa isang matikas na dibdib. Narinig niya ang malakas na sigawan ng mga tao.
Nakaramdam siya ng sobrang takot. Anong nangyari?
"Damn!" narinig niyang sambit ng nakayakap sa kanya.
Bago pa siya makabawi ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila palayo sa gate ng eskwelahan papunta sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Tumingin ka sa dinaraanan mo, tanga!" may estudyanteng bumulyaw sa kanya nang malakas.
Saka niya lang napansing nasa gilid siya ng highway at hila-hila ng isang lalaki.
Nang mapatapat na sila sa kotse ay saka siya nito binitawan at isinandal sa may pinto ng sasakyan paharap dito.
"For God's sake! What were you thinking out there!?" naniningkit ang mga mata at salubong ang mga kilay na sigaw nito sa kanya, kitang kita ang mga ugat nito sa leeg.
Hindi pa siya nakakabawi sa nangyari ay heto't sinisigawan siya ng lalaking nakasabay kanina.
Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nasigawan ng isang lalaki at isa pang estranghero para sa kanya.
Pero nangangatog ang mga tuhod niya sa di maipaliwanag na dahilan.
"A-ano bang nangyari?" parang batang tanong niya.
Mangani nganing suntukin nito ang sasakyan subalit nagpigil at inilamukos na lang sa mukha ang palad.
Ang lalaking ito, kanina'y nakangiti pa habang nakatitig sa kanya, kung bakit ngayon ay galit na galit sa kanya.
"Alam mo bang muntik ka nang masagasaan ng jeep kanina?" pilit na pinapakalma ng lalaki ang sarili.
Natigilan siya. Ang akala niya'y nasa may gate pa lang siya, hindi pa tumatawid. Lalong nanlambot ang mga tuhod niya. So, kung di siya nito hinila agad pabalik baka nasagasaan na siya? Kaya pala nagsigawan ang mga tao habang nakasubsob siya sa dibdib nito?
"G-ganun ba?" Halos hindi na lumabas ang salita sa bibig niya. Sobrang takot ang naramdaman niya ngayon.
Out of mixed emotions, biglang pumatak ang mga luha niya. Nang makita iyon nang binata'y bigla itong nataranta, hindi alam ang gagawin.
"Oh I'm sorry sweetie. I didn't mean to say that." Agad siya nitong niyakap.
Ang yakap nito, mahigpit, trying to comfort her, walang pakialam kung magagalit siya o hindi. Seguro ganto ito magcomfort ng babae pag nakikitang umiiyak.
"Hey, I'm sorry. I was just afraid. I thought I had lost you." Kahit paanas ang boses nito, dinig na dinig niya ang mga salitang yun.
She suddenly felt her heart beating so fast that she couldn't even breath.
Bahagya niya itong itinulak.
His voice, the way he utter words... damang dama niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
Kanina niya lang ito nakita, pero bakit ramdam niya ang mga sinasabi nito?
Tila natauhan ito at pumormal ang mukha.
"If you're okay now, then I'll take you home," pormal na nitong wika.
"Wag na po," nanghihina pa rin niyang sagot.
Nagsalubong na uli ang mga kilay nito saka hinawakan ang kamay niya at binuksan ang pinto ng sasakyan sa harapan nila at ipinasok siya sa loob.
Hindi na siya nakaimik. Liban sa wala siyang lakas at nanghihina pa rin , wala rin siyang lakas na sumalungat dito.
Nang makapasok ang lalaki'y saka nito pinaharurot ang sasakyan subalit nang mapansing mahigpit ang pagkakahawak niya sa foam ng upuan ay binagalan nito ang pagpapatakbo.
Nakita niya itong ngumiti sa ginagawa niya.
" Sensya na po, ngayon lang ako nakasakay ng gantong sasakyan," pulang pula ang pisngi niya sa sobrang hiya.
Inihinto nito ang sasakyan at ikinabit ang seatbelt niya saka pinatakbo na uli iyon.
Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng perfume nito, hindi nakakasawang amoyin.
"You're really interesting, Amor." Ang lapad ng ngiti nito.
Lalo lang namula ang pisngi niya sa tinuran nito.
Buti na lang hindi ito nakatingin sa kanya, kundi kitang kita nitong pulang pula ang pisngi niya sa sobrang hiya.
Pero anong gagawin niya, ngayon pa lang naman talaga siya nakasakay ng ganung sasakyan tsaka di siya sanay sa mga mabibilis ang pagpapatakbo. Sa jeep pa nga lang, nasusuka na siya pag hindi trapik at mabilis magpatakbo ang driver.
Napapasulyap siya dito habang di mawala ang mga ngiti nito sa labi.
Di niya alam kung nanunuya ito sa kanya o talaga lang natutuwa sa kanya. Kahit ano pa yun, hiyang hiya talaga siya. Iniisip seguro nitong taga bundok siya at walang alam sa mundo. Hindi lang siya marunong maghangad ng mga bagay na alam niyang malabong mapasakanya.
Nang mapansing tahimik siya'y inihinto na uli ang sasakyan at humarap sa kanya.
"Are you okay now, sweetie?"
Tumango siyang nakayuko. Pano siyang makikipagtitigan dito'y pulang pula ang pisngi niya kanina pa? Sa bawat bigkas nito ng mga endearments sa kanya, bumibilis lagi ang t***k ng kanyang puso.
"Amor, you're really interesting."
Sa biglang angat ng mukha niya sa pagkagulat sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya'y muntik nang maglapat ang mga labi nila. Awang ang mga labi at bilog ang mga matang tumitig siya rito nang mariin.
Ang boses nito ay ang lagi niyang naririnig na tumatawag sa pangalan niya! Ang mga matang iyon ang nakipagtitigan sa kanya sa Mall!
"Amor, have you been kissed before?" Ang boses nitong malamig at paanas na tila ba may magnet na humihigop sa kanya palapit dito.
Marahan siyang umiling.
"Then, let me be the first." Pagkasabi'y niyo'y hinawakan nito ang baba niya at inilapat ang bibig sa nakaawang niyang mga labi.
Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat. Subalit ang ginagawa ng mga labi nito sa bibig niya ay tila nag-uutos sa kanyang pumikit at namnamin ang tamis ng halik nito.
Pumikit siya at bahagyang napaungol. Ganto pala ang halik, matamis masarap sa bibig, parang may libo libong kuryenteng sumasalakay sa buo niyang katawan and she felt something aching inside her.
Napaungol nang marahan ang lalaki saka siya pinakawalan.
Tigagal siyang nakatitig dito.
"Oh, sweetie. Please stop staring at me," parang nagmamakaawa nitong sambit, pigil ang emosyong nararamdaman habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
Para siyang binuhusan ng tubig sa narinig at biglang umayos nang upo.
Anong nangyari? Bakit hinayaan lang niyang halikan siya ng lalaking ito? Kanina niya lang ito nakita at nakilala pero bakit sumusunod lagi ang katawan at puso niya pati isip sa sinasabi nito?
Dinig na dinig niya ang sunud-sunod nitong paghinga habang pinapaandar ang sasakyan. At bigla rin itong natahimik.
Wala siyang imik habang nakaderetso ang tingin sa kalsada pero ang isip niya'y lumilipad. Bakit di niya sinampal ang lalaki nung hinalikan siya? Bakit di niya sinipa at lumabas agad sa sasakyan nito?
Bakiiiiit??????
Naramdaman niyang huminto uli ang sasakyan at dumukwang ito sa kanya saka tinanggal ang pagkakabit sa seatbelt.
Napangisi ito nang mapansing inilayo niya ang mukha sa mukha nito.
"You're mine from now on, Amor. No one is allowed to touch even your skin aside from me," ang huling sinabi nito saka binuksan ang pinto sa tabi niya.
Agad siyang lumabas at patakbong lumayo sa kinaruruunan nito.
Kung paanong nakauwi siya ng bahay ay hindi niya alam. Ang alam lang niya'y nanginginig ang buo niyang katawan. Nangangatog ang mga tuhod niya, at hanggang sa mga sandaling yun ay dama niya ang mga labi nito sa mga labi niya.
Paulit-ulit niyang binasa ng laway ang mga labi, nalalasahan pa niya ang matamis na laway nito, naaamoy pa niya ang mabangong hininga nito.
Wala sa sariling inilapat niya ang daliri sa mga labing dinampian ng mga labi nito at wala sa sariling nakagat niya iyon.
"Ouch!!!!"
-----@@@@@-------
"ABA, malaking himala! Ang linis ng bahay ngayon!" bulalas ng ina ni Flora Amor pagkapasok pa lang sa pinto ng bahay.
Napapangiting sumalubong dito ang dalaga at kinuha ang bitbit nitong dalawang supot ng grocery.
"Dami mo yatang pera ngayon, ma," aniya habang inilalagay sa ref ang nakasupot nang isda at mga gulay.
"Wala na kasi kayong babauning pagkain sa eskwelahan bukas, kaya nagpunta na akong Save More bago umuwi," paliwanag ng ina habang inilalabas ang dalawang supot ng hotdog at tatlong supot ng tocino sa pinagsidlan nito.
"Itong tocino, baon mo to nang di ka nahihiyang kumain sa canteen kasama ng mga kaibigan mo."
"Mas gusto ko pa rin yung tortang talong, Ma," tugon niya.
"Ano bang nakain mo't naglinis ka ng bahay ngayon.?" usisa nito.
"Para namang di ako naglilinis ng bahay," agad siyang sumimangot.
"O bakit, hindi ba totoo? Lahat iniaasa mo sa mga kapatid mo. Kain Tulog ka nga lang dito eh," pakaswal lang ang panunumbat nito.
"Hmp! Pano nga'y araw araw akong busy sa mga projects namin sa school,"pagtatanggol niya sa sarili saba'y irap.
"Asus! Palusot ka pa." Pigil ang ngiti nito habang napapasulyap sa anak.
Mula sa hapagkainan nila'y inilang hakbang lang ni Aling Nancy ang sala at agad na sumandal sa luma nang sofa.
Sinulyapan niya ang ina saka minadaling iligpit yung mga supot na pinaglagyan ng pinamili nito.
"Ma, bili tayong juice," yaya niya.
Tumango ito saka inabutan siyang bente pesos.
Katabi lang naman nila yung tindahan sa labas kaya mabilis siyang nakabalik pagkabili ng Tang pineapple juice.
Ilang minuto lang at inaabutan na niya ng tinimplang juice ang ina.
"Malamig ba to?"
"Opo ma."
Pagkatapos inumin ang juice ay ibinalik sa kanya ang baso at pumikit ito.
Tinabihan niya ito sa pag-upo.
"Ma," lambing niya.
"Ilang taon ka nung naging jowa si Papa?" patay-malisya niyang tanong saka sinabayan ng salin ng juice ang ininuman nitong baso sa ibabaw ng lamesita sa harap nila.
"Kinse pa lang."
"Landi niyo naman, ma! Kinse?" di makapaniwalang sambit niya.
Tumawa ang ina.
Napangiti siya.
Lumuhod siya sa ibabaw ng sofa at kunwari'y hinilot ang mga balikat nito.
"Ma-"
"Hm?"
"Hinalikan ka ba agad ni Papa nung manligaw sayo?" pakaswal niyang tanong.
Napadilat ng mata ang ina at taas ang kilay na tumingala sa kanya.
"Bakit, nahalikan ka na ba ni Anton?" nanunudyong tanong nito.
"Hindi ah!" Nahampas niya sa balikat ang ina.
"Ba't naman ako magpapahalik dun eh di ko naman jowa yun. Bestfriend ko lang yun," pairap pa niyang sagot saka pabagsak na umupo sa tabi nito.
Tumawa ito.
"Ma," muling baling niya rito, inayos ang upo.
"Pag ba hinalikan ka ng lalaki, tapos sinabing 'You are mine?', kayo na ba nun?" curious niyang tanong saka awang ang labing tumitig sa kausap, excited na naghihintay ng sagot.
Kunot-noong humarap sa kanya ang ina, mariin siyang tinitigan sa mukha. Matagal bago ito nagsalita.
"Depende," sagot nito pagkuwan.
"Bakit, may humalik na ba sayo?" nakangiting usisa nitong may kahalong panunudyo.
Kahit ganun ang Mama niya, bungangera, pero pagdating sa mga seryosong bagay, hindi ito basta nagagalit basta wag lang siyang magsisinungaling at susunod lang siya sa mga gusto nito.
Namula siya bigla sabay iwas ng tingin at kinuha yung basong pinagsalinan kanina saka tinungga ang laman nun.
"First love mo, anak?" curious na usisa nito.
Nahihiya siyang tumango.
"Kelan mo nakilala? "
"Kanina pong umaga." Pulang pula ang mukha niya kaya napayuko siya.
"Kelan ka hinalikan?"
"Kanina lang bago ako umuwi."
Bigla siyang binatukan ng ina. Muntik na siyang mapasubsob sa lamesita kung di niya naitukod agad ang isang kamay.
"Ma naman eh!" atungal niya.
"Gaga ka talagang bata ka!" bulyaw nito.
"Kaninang umaga mo lang nakilala tapos nagpahalik ka na agad?" Napatayo ito sa inis.
Hindi siya nakapagsalita sa pagkapahiya. Namali yata ang timing niya sa pangungumpisal sa ina.
"Dapat pinaabot mo man lang ng isang linggo! Nagpakipot ka man lang muna sana!" sermon nitong nakapameywang.
"Ma, di na uso yun ngayon. Yung iba nga wala pa sa edad ko buntis na." nakasimangot niyang tugon saka inayos ang upo pero ang mga tuhod ay nangangatog sa kaba. Pano kung galit nga ito?
"Ano na lang pala ang sasabihin nung lalaking yun? Na easy to get ka?" sermon nito saka bumalik sa pagkakaupo pero salubong ang mga kilay na nakatingin sa dalaga.
"Sino ba yun?"
Napatingin siya dito. Sa tono ng salita nito'y parang di na ito galit.
"Sino 'ka ko yun?"
Biglang naging blangko ang mukha niya, nag isip. Alam niyang nagpakilala ang lalaki sa kanya pero bakit di niya matandaan ang pangalang sinabi nito?
Hinampas siya ng ina sa balikat.
"Pano mo nasabing First love mo eh hindi mo pala kilala tapos nakipaghalikan ka agad. Gaga ka talaga! "
Napakamot siya sa batok.
"Pero ma, hindi kayo galit?" pakli niya agad habang tinitingnan ang ekspresyon ng mukha nito.
Sumeryoso ang mukha nito saka pinagmasdan uli siyang mabuti, tinimbang ang lahat. Maya-maya'y napangiti ito.
"First love mo yun eh, tsaka nagpahalik ka na dun. Ano pa magagawa ko?" kibit-balikat nitong sagot.
Humagikhik siya bigla saba'y yakap sa ina.
"Proud talaga ako sa Mama ko." Pinugpog ito ng halik sa pisngi hanggang sa humagikhik na din ito.
"Basta hanggang halik lang ha? Tsaka pag nagkausap kayo uli, alamin mo lahat pati address niya. Itanong mo kung ano pangalan ng mga magulang tsaka kung anong kurso. Baka mamaya eh tambay lang pala at di nag-aaral," pakaswal lang na payo nito na para bang hindi seryosong bagay ang pinag-uusapan nila at ang kausap ay hindi ang anak kundi isang kaibigan.
Humagikhik uli ang dalaga.
"O, yung mga kapatid mo, puntahan mo muna. Dun ka muna kay Mamay Elsa. Ipapatawag ko na lang kayo kay Harold pag nakauwi na ang mga kapatid mong nag aaral," utos nito pagkuwan.
"Basta Ma, hindi ka galit? Hindi mo sasabihin kay Papa?" paneneguro niya.
"Oo na."
Tuwang tuwa siyang tumayo at halos tumakbo palabas ng pinto subalit napahinto rin agad bago tuluyang lumabas saka lumingon sa ina.
"Ma, si papa pala?" usisa niya.
"Naku, wag mo nang hanapin yun at madami pa kaming isdang di naibenta kanina. Hanggang hatinggabi pa yun. Dun na lang daw siya matutulog sa palengke," sagot nito.
Nang tuluyan siyang makalabas ng bahay ay bigla itong natulala. Maya-maya'y nag-uunahang pumatak ang mga luha nito sa mga mata.
Hanggang sa tuluyan na itong napahagulhol.