Heto si Flora Amor, nakikipag-uunahan sa pagsakay ng bus nang umagang yun. Kanina pa siyang alas-syete sa tapat ng 7/11 sa highway ng Imus pero alas otso na'y di pa siya nakakasakay. Day off niya ngayon at may usapan sila ni Elaine na magkikita sa sinasabi nitong FOL BUILDERS INC., kung saan ito mag-aapply bilang construction research analyst. Inisearch niya sa google and location nun. Malapit lang pala yun sa MOA, hindi siya mahihirapang hanapin ang lugar na yun. Pero anong gagawin niya kung hanggang mamaya ay di pa rin siya makasakay ng bus? Maliban kasi sa madalang ang bus ngayon papuntang Manila, punuan pa sa loob na halos di mapasukan ng karayum ang bawat pagitan ng tao sa sobrang sikip. Di pa man siya nakakarating, laspag na ang beauty niya pag ganun. Subalit wala siyang magagawa,

