Maagang nagising si Flora Amor. Aalis siya ngayon, maghahanap siyang trabaho. Pero pupunta muna siyang school nila para ipasa yung mga projects niyang di naipasa noong nakaraang araw. Mababait naman ang mga professors at instructors niya, seguradong tatanggapin pa ng mga yun ang gawa niya. "O, aga naman ng gising mo. Wala naman nang pasok ah." pansin ng ina pagkalabas ng kwarto. "Ayaw mo nun Ma, di na mapapagod yang bibig mo kakatawag sa pangalan ko kada umaga. Ayan, di ka na rin bibili ng tinapay kasi nakaluto na akong agahan." binirahan na niya ng salita ang ina. "Asus, kinakabahan ako pag ganyan ang kilos mo't alam kong may request ka na naman." pambabara ng ina saka nagtimpla ng kape sa kusina. "Magsa-summer job ako, Ma. May nakapost sa bulletin board sa school namin na mga

