SUMAMA SI Emily sa business conference na pinuntahan ng kanyang magulang. Kasama rin doom si Dante, dahil ito ang acting CEO ng kompanya nila. Iyon nga lamang ay panay ang tawag sakaniya ni Cruz na ikinabahala niya. Hindi siya makapagconcentrate sa meeting dahil panay ang vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng pantalon. Kaya naman nag-excuse siya at pumuntang comfort room. Doon sinagot ang tawag ng asawa. "Ano ba? Bakit ba tawag ka ng tawag? Alam mo bang nasa importanteng meeting kami ngayon?" Hindi maiwasan hindi mainis ni Emily sa pangiistorbo ni Cruz. Natawa pa ito sa kabilang linya. Ni hindi man lang natakot sa pagka-asar niya. "I missed you. Ano'ng oras ka ba uuwi?" tanong nito sa malambing na tono. Pinakiramdaman ni Emily ang sarili. Wala siyang mahanap na katuwaan doon sa tanong n

