Temptation 5 √

4728 Words
ANAWANGIN COVE, ZAMBALES Napanganga si Emily nang makarating sila sa mismong lugar ng resort. OA na kung tatawagin, pero literal na napanganga siya sa tanawing nakikita. Para siyang nasa isang paraiso! Totoong marami na siyang magandang lugar na napuntahan sa iba't ibang bansa dala ng trabaho ni Cruz, ngunit iba pa rin talaga ang ganda ng Pilipinas lalo na sa natural na ganda ng mga Isla rito. Natawa si Emira sa reaksyon niya kaya kinalabit nito si Emiko sa gilid. "Tignan mo si gaga, parang ngayon lang nakakita ng beach," Natawa rin si Emiko sa OA na reaction niya. "Naku, napaghahalataan talagang taong bahay ka, Ate Emily. Hindi ba kayo nagbe-beach ni Kuya Cruz? Hindi man lang ba kayo namamasyal o moment na dalawa?" Napipilan si Emily at hindi malaman kung ano ang isasagot. "H-Ha? Ah-eh--" Paano niya ba sasabihing sa loob ng apat na taon nilang pagsasama ay talagang nasa bahay lang siya? Sila? Kung aalis man sila ng asawang si Cruz ay dahil kailanganin nilang katagpuin ang mga katrabaho nito sa research o kung lilipat sila ng lugar. Wala silang panahon na magbonding na dalawa. Ang huling tapak niya sa beach ay noong hindi pa siya nag-aasawa. Sinalo siya ni Dante. "Kayo talagang magkapatid, si Emily nanaman ang nakita niyo. Mas maganda kasi talaga ang mga beach dito sa Pilipinas. At hindi man nila 'yon napupuntahang mag-asawa sa ibang bansa ay tiyak namang nakapunta sila sa magagandang lugar." Wala sa sariling napatingin siya kay Dante. "Kuu, eto talagang si Dante..." naiiling na sabi nalang ni Emira. Umingos ang dalawang babae at nagpatiuna nang maglakad papasok sa resort. Natatawang naiiling nalang si Emily at kinuha na rin ang duffel bag niya. Ngunit maagap siyang napigilan ni Dante. "Ako na ang magbubuhat," anito. "Naku, hindi na. Ang gaan gaan lang naman nito. Atsaka, may bitbit ka," sabay tingin sa malaking backpack nito. Natawa ito. "Diyosko, Emily. Ang laki laki kong tao. Wala lang saakin ang backpack ko, come on, hand me your duffel bag," Wala na ngang nagawa ang babae at binigay nalang dito ang bag. Wala naman sigurong masama kung ito ang magbubuhat. Pero hindi naman kayo magkasintahan. Anang isang bahagi ng utak niya. Ang mga kasintahan kasi ng kapatid niya ang mga taga bitbit ng gamit nito. Kaya naman ngayon ay nahihiya siya kay Dante kasi baka isipin nitong naiinggit siya na siya lang ang walang partner. Kaya naaawa ito sakaniya at binitbit nalang ang gamit niya. Pero teka, bakit ba ginagawa niyang big deal iyon? Nagbubuhat lang naman ng gamit. Wala nang hihigit pa roon. Sumunod siya sa mga kapatid at kay Dante. Habang papasok sila ay napapansin ni Emily ang kakaibang hagod ng kababaihan kay Dante, halatang nagwa-gwapuhan dito sabay tingin sakaniya at mapapasimangot. Malakas talaga ang karisma nito. Ang tindig at aura talaga nito ang unang mapapansin sa binata. Nang makita na nila mismo ang dagat ay nahigit ni Emily ang hininga. "Una nagtataka ako kung bakit ito ang sinasabi nilang magandang beach dito sa Zambales. Now, I can obviously see why. From it's crescent shape, fine white sand beach, and secluded island vibe will surely capture visitors’ hearts," aniya. Si Dante na nasa tabi niya ang sumagot, dahil busy na ang magka-kasintahan magselfie. "Alam mo bang hindi ito ang orihinal na itsura ng Anawangin Cove?" Napatingin siya sa binata. "Artificial lang ba ito? I mean, man made?" "Ang Mt. Pinatubo ay siyang responsable sa hitsura ng cove ngayon. Nang sumabog ito noong 1991, itinapon ng Mt. Pinatubo ang tone-toneladang abo sa baybayin ng San Antonio. Ang dating isang mabatong baybayin ay naging isang piraso ng paraiso and became every beach-lovers' haven," sagot nito. "Ohh, talaga? Iba nga talaga ang kalikasan. Ang ganda rito sa sobra. Maaring may higit na mas maganda pa ritong beach sa Pilipinas, pero ang makakita ng ganitong kagandang lugar ay nakakarefresh ng isipan," aniya at pumikit pa nang umihip ang hindi mainit na simoy ng hangin. Ninanamnam ang kapayaan. "I'm glad that you're enjoying the view," Gusto niya sanang sagutin ito na talagang na-e-enjoy niya. Bukod na sa magandang paraiso na nakikita niya ay dumagdag pa ito. Nang marealize niya ang tinatakbo ng isipan ay gusto niyang mapahiya sa sarili. Diyosmio, Emily! Matakot ka naman sana. Aniya ng matinong bahagi ng isip niya. Lumapit sakanila si Emira at Emiko. "Wala na raw available na cottage," imporma ng una. Tumango si Emily. "Walang problema. Medyo marami ngang tao. Sa Hotel nalang tayo," "Sis, walang hotel dito sa Anawangin Cove o sa karatig-bayan dito. Hindi pa ito katulad ng Boracay o Palawan," sagot ni Emira. "Yes. Wala ring kuryente pa sa lugar na ito. And check your phone, wala pang signal." si Emiko naman. Nagulat si Emily sa narinig kaya dagling kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng short. Hindi niya alam kung madidismaya siya nang makita niyang wala ngang signal. "Seriously? Walang kuryente rito? I mean, paano tayo mamayang gabi? Overnight pa naman tayo rito," kunot-noong sabi niya. "May dalawa kaming tent," sagot ni Emira. Napahinga ng maluwag si Emily. "Good. Akala ko matutulog na tayo sa buhanginan eh," "Pero, pang isahan nga lang itong tent ko rito. Hindi ko naman kasi akalain marami raming tao ngayon at mauubusan tayo ng cottage. Makikisiksik lang saakin si Marco. Goodluck kung magkasya kami sa tent," nakangiwing sabi ni Emira. "Ikaw?" baling niya kay Emiko. "Wala naman tayong tent sa bahay, ate. Pero si Joseph may dala," anito. "Alright, kasya naman tayo siguro r'yan no?" sabay baling sa nobyo nito. Tila nahihiyang napakamot sa ulo ang boyfriend ni Emiko. "Pasensya na, ate. Maliit lang ang tent na dala ko. Pang dalawahang tao lang na hindi pa mai-uunat ang paa. Hindi naman kasi nagsabi si Emiko na magdala ako ng tent. For emergency purpose lang kaya nagdala ako," Gustong uminit ng ulo ni Emily sa naririnig. So saan siya matutulog? Sa pangpang? "Maghanap nalang tayo ng ibang resort. Iyong may cottage o hotel," masungit na sabi niya at tumalikod na. "Teka!" sabay sabay na sabi nito. Inis na tinignan niya ang mga ito. "Ano?" "I have a tent. Kasya ito para sa dalawang tao. Pwede ko ito ipahiram sayo," ani Dante. Napahinga siya ng maluwag. "Thanks. Dalawang tent dala mo?" "Nope. Isa lang," Nadismaya siya. "But you can take it. Ikaw na lang ang matulog mamaya dito sa tent ko," "Oh no, paano ka?" "Okay lang. Sanay akong magpuyat. Edi mauna kang matulog. Hati tayo, pag tapos mo, ako naman. Salitan lang," sagot nito. "Hmm, okay lang ba sayo?" "Oo naman," Napangisi si Emira. "Sus! Bakit ba pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo? Pwede naman kayong magtabi sa tent," Naeskandalo si Emily sa narinig. "Magtabi! Nasa tamang pagiisip ka ba, Ate? Alam mong may asawang tao ako at ano nalang ang sasabihin ng iba?" matinding pagtanggi niya. "Mag-relax ka nga. Bakit alam ba ng mga taong nandito na may asawa ka? Kung titignan nga, para kayong mag-asawa sa lagay niyo. At ano ang pakialam mo sa sasabihin ng iba? Diyosko, Emily. Nasa 21st century kana, wala na tayo sa panahon ng medieval period." pagrarason ni Emira. Tumango si Emiko. "Right, ate. Atsaka, bakit ba ang malisyosa mo naman mag-isip? Bawal na ba magtabi ngayon ang babae at lalaki? Napakasexist mo naman." "Huh! At ako pa talaga ang sexist ngayon? Alam niyong may asawa akong tao eh... pangit tignan. Maling mali," pagdidiin niya. "Ate naman, makinig ka nga. Pangit lang ito sa paningin ng mga taong tulad mo na malisyosa mag-isip. As if namang gagapangin mo si Kuya Dante o siya sayo. As if namang mag se-s*x kayong dalawa!" Naeskandalo ulit si Emily sa narinig na lumabas na kataga sa bunsong kapatid. "Emiko...! Your mouth!" Tumango si Emira. "Actually, Emiko has a point. Bakit, Emily? Mag se-s*x ba kayo ni Dante para mag-isip ka ng ganyang kapangit? Diyosko, matutulog lang kayo. Hindi kayo magsisiping," inis na sabi nito. "Hindi pa rin tama, mali kahit saan mo tignan." Tila nawawalan na ng pasensiya ang itsura ng mga kapatid. Tumikhim si Dante. "Okay lang talaga. Don't mind me. Sabi ko nga, pwede kaming salitan sa tent." "No, it's not okay. We're here to enjoy. At ikaw na nga ang nagmagandang loob. We dragged you here. At tent mo iyon," sagot ni Emira. Tumingin sakaniya ang huli. "At asawa... nakakatawa ka naman Emily na sa kabila ng lahat, iniisip mo pa rin ang asawa mo. Asawa mong ni hindi ka makamusta at makausap. Huwag mo nang alalahanin iyon, hindi ka 'non naiisip at nakalimutan nang may asawa siyang umuwi ng Pilipinas," Bahagyang kumalma naman siya nang maintindihan ang pinupunto ng mga kapatid. "Bakit hindi nalang ang mga boys ang magtabi? Like si Marco at Dante, tapos tayo, Ate." suggestion niya. "Marco won't like that, Emily. Hindi siya kumportable sa stranger," sagot ng kapatid. Nakakaunawang tumango siya. "Emiko? Si Joseph at Dante nalang magshare, tapos tayo." Bumakas ang matinding pagtanggi sa mukha nito at nagiwas ng tingin. "A-Ate naman, moment na namin ito ni Joseph eh. Isa ito sa mga bucketlist namin ang magovernight sa beach, giving us the perfect camping vibe," Naitirik ni Emira ang mga mata. "Napakainsensitive mo naman, Emily. Natural, moment na nilang magkasintahan 'yan. Hayaan mo na sila. For sure, pinangarap din nilang mag s*x sa tent o sa beach, huwag kang kontrabida sa plano nila." umirap ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ni Emiko at namula ang buong mukha. "A-Ate Emira...!" "Oh, eh bakit? Ano'ng inaarte-arte mo r'yan? Totoo naman. Naku, impossible namang hindi kayo nagse-s*x ni Joseph. Matanda na tayo para sa ganyan." Naiiling na natatawa nalang ang mga lalaki sakanila. "Napavulgar talaga ng bibig mo, Emira." ani Dante. "You know me, Dan." sagot ng kapatid. Sa huli ay wala nang nagawa si Emily dahil alam niyang matatalo rin naman siya sa mga kapatid. Siya na ang unang sumuko. "Alright, magbeach na tayo," Nakahinga ang mga ito ng maluwag. ~ PINASADAHAN NI Emily ng tingin ang sarili niya sa public comfort room ng beach bago tuluyang lumabas ng banyo. Hinihintay siya ng mga kapatid sa labas. Nakasuot siya ng nude two-piece bikini swimsuit na galing pa kay Emira. Wala naman kasi siyang mga ganoong damit. Kinakabahan pa siya nang makita niyang titig na titig sa katawan niya ang dalawang babae. "P-Pangit 'no? Sabi na kasi sainyo ayaw ko mag swimsuit..." aniya. Doon lang nakabawi ang mga ito ng sasabihin. "Yes! I mean... no, you look so gorgeous in that bikini swimsuit, Emily." manghang bulalas ni Emira. "Ate's right. Ang ganda mo, ate Emily. Si Ate Emira todo diet na 'yan at gym para lang ma-maintain ang katawan niya. Pero ikaw... wew, parang malas ako sa lahat ah. Flat na nga dibdib ko, wala pa akong pwet." busangot na sabi ni Emiko. "Paano saamin palang ni Emily, nasaid na ang ganda, kaya wala nang napunta sayo," nangaasar na wika ni Emira. Gigil na gigil naman si Emiko. "Ate... arghh! I hate you!" Natawa siya at umawat sa dalawa. "Pero, hindi nga, okay lang ba?" worried pa ring tanong niya. Sabay na nagthumbs up ang mga ito sakaniya. "Yes, ate Emily. You don't have to worry. Bagay na bagay sayo. Ang ganda ng katawan mo." "Hindi ako mukhang tanga ha?" Umiling si Emira. "Pangako. Ang ganda ganda mo at hubog ng katawan mo. Naku tiyak luluwa ang mata ni Dante nito," and she chuckles. Naging malabo kay Emily ang huling sinabi nito kaya naman napakunot-noo siya. "What?" Napangisi lang ang kapatid. "Wala, sabi ko naghihintay na ang boys saatin. Let's go," Naexcite naman agad si Emily sa isiping pagkalipas ng maraming taon ay madadampian na ng tubig dagat ang kanyang balat. ~ HINDI NAMAN LINGID nang makita sila ng tatlong lalaki ay kanya kanyang napalunok ang mga ito sa suot ng kanilang mga kasintahan. Habang si Dante ay hindi mapigilan na humagod ang tingin sa magandang si Emily kahit wala siyang karapatang gawin iyon. Damn! Hindi niya mapigilan. Napakaganda ng babae. Napakaamo ng mukha at perpekto ng mukha, magandang hubog ng katawan at makinis na kutis. Nakakuha rin ang mga ito kg atensyon ng kalalakihan. Doon napagtanto ni Dante na napakaswerte ni Cruz dahil nagkaroon ito ng asawang katulad ni Emily. Ano pa nga ba ang hahanapin sa babae? Maalaga, matalino, mapagmahal sa pamilya bonus nalang ang yaman nito at ang pisikal na itsura. Kung sana'y mababalik niya lang ang panahong hindi pa nito nakikilala si Cruz at wala pa itong asawa... kung gumawa sana siya noon ng paraan para mas magkakilanlan sila at mapalapit dito. Kaso naunahan siya noon ng takot. Takot dahil nakababatang kapatid ito ng bestfriend niyang si Emira. Mas matanda siya kay Emily nang ilang taon. At alam niyang maraming nakakapagbigay ng impresyon na magkasintahan sila ni Emira kahit talagang magkaibigan lamang sila. Naging kaklase niya ang dalaga noon at doon nagsimula ang friendship nila. Magkapitbahay lang din naman kasi sila. At nang makilala niya ang nakababatang kapatid nito na si Emily ay talagang nabighani na siya rito. Emily is the total opposite of Emira. Ito ang mga babaeng gusto niya. Kaso inakala noon ng babae na sila ng ate nito. Isa pa, alam ni Emira gaano siya kalikot sa babae noon kaya natitiyak siyang hindi ito papayag na ligawan niya si Emily. Hanggang sa lumipas ang mga taon at nakilala nga nito ang asawa. Alam ni Emira kung gaano siya nadisappoint at nasaktan noon. Inamin niya ritong may pagtatangi siya sa kapatid nito. Kaso kahit ano pang gawin niya, kasal na si Emily at Cruz. Kung kumilos lang sana siya. Kung hindi lang sana siya naging duwag. Napakaraming sana at mananatili nalang iyong sana hanggang sa nabubuhay siya. Naging mabilis ang pagusad ng oras at ngayon ay nagluluto na sila ng mga pagkain at ulam. Magbo-boodle fight sila. Siya ang taga ihaw, ang mga babae at taga ayos ng gamit, taga handa ng sangkap at latag na kung saan sila kakain, ang dalawang lalaki naman ay nagluluto ng ulam. Napapansin din ni Dante na kanina pa ang panay daan ng mga lalaki sa pwesto nila at panay tingin sa tatlong babae. Gusto mang mainis ni Dante, ay wala siyang karapatan, isa pa, talagang maganda naman si Emily at ang mga kapatid nito. Naging masaya at masarap ang kainan nila nang matapos silang mag boodle fight. "Infairness ha? Ang sarap niyong magluto mga boys," humagikgik na sabi ni Emira na ngayon ay lasing na. Gabi na at madilim na madilim dahil tanging ang bonfire na lamang ang nagsisilbing ilaw nila dahil walang elektrisidad sa lugar. Nakailang bote na rin sila ng beer at alak. "I'm more delicious, honey." malanding sabi ng boyfriend nitong kano. Dala na siguro ng kalasingan ay napahiyaw silang lahat sa banat na iyon ng foreigner. Napansin niya si Emily sa tabi niya na nakayuko at bahagyang wala na sa kontrol ang katawan. Hindi ito malakas uminom kaya naman mabilis itong nahilo. Si Emira lang ang may malakas na alcohol tolerance. "Hey, are you okay...?" nagaalalang bulong niya kay Emily. Mabibigat ang mga matang tumingin si Emily kay Dante. "Y-Yes, I'm fine. Don't worry... medyo hilo lang," sagot nito. Napalunok si Dante nang makita kung gaano kaganda si Emily. Mula sa mapupungay na mga mata at ang mapulang labi na tila laging naga-anyayang humalik. Bakit ba ang ganda ganda nitong babaeng ito? Hindi niya inakala na ang ganoon nilang itsura ay bibigyan ng malisya ng mga katabi. "Uyy... ano 'yan ha? Ang sweet niyo naman," matabil ang dila na sabi ni Emira. "Look at them honey, they look so sweet. They look good together, right...?" hilong talelong na sabi ni Emira sa boyfriend nito at tinuro pa sila. Dahil madilim at maputi ang caucasian boyfriend nito, ay agad napansin ni Dante na namumula na ito. "Yes, yes. They look good together honey," Natawa nalang siya. "Alam mo pare, kung hindi ko lang alam na hindi kayo magkasintahan, iisipin kong kayo," tipsy na sabi na rin ng boyfriend ni Emiko. Sana nga! "Bagay kasi sila," sabi ni Emiko. "Bagay nga," segunda naman ng boyfriend nito. Natawa nalang si Dante sa mga lasing na ito. Tinignan niya muli si Emily pero nakapikit na ito. Nakatulog na yata sa kalasingan. Na-a-amuse na tinignan nalang niya ito. Biglang napatayo ang lasing na si Emira at napapitik sa hangin. "Alright, ang boring kung puro kwentuhan lang tayo. Why don't we spice up the night? Why don't we play a game?" "A game?" si Emiko. "Yes, a game. Let's play truth or dare," nakangising sabi nito na tumimgin sa direksyon niya na parang may ibig pakahulugan. Ayaw niya ng tingin na iyon ni Emira. Kilala niya ito. Tiyak mayroong naglalaro sa isipan nito na hindi niya magugustuhan. ~ "I'M OUT. Matutulog na ako," ani Emily at pasuray na tumayo. Awtomatikong nadoble ang tingin niya sa paligid dala ng alcohol na ininom. Hindi naman iyon marami, sadyang mahina lang ang alcohol tolerance niya. Hindi naman kasi siya umiinom. Yeah, because you're a very good wife... Sa edad niyang ito, proud naman siyang kailanman ay hindi siya naging bad girl at laman lagi ng mga bar. Sa katunayan, isang beses pa lang siyang nakakapunta roon. Iyon ay noong bachelorette party niya bago siya mag-asawa. Home person talaga siya at may pagka-introvert. "Oh, come on, Emily. Huwag ka ngang KJ. We're here to enjoy," protesta ng namumulang si Emira. Iwinasiwas niya ang kamay sa ere. "Inaantok na rin ako, isa pa alam niyo namang hindi ako pwede sa mga ganyang laro," rason niya. "Because you're married and you're thinking of Cruz," sinagot na siya ni Emira. "Yes," Napaismid ito. "Alam mo? Kung pwede lang kita pagawaan ng rebulto sa pagiging martir at tanga mo, ginawa ko na." "Grabe ka naman, ate." si Emiko. "Oh, eh, bakit? Totoo naman? Ayan ang napapala ng maagang nag-aasawa. Alam mo naman noon pa'y hindi kami boto ni mama r'yan sa Cruz na 'yan. Sasaktan ka lang niya. Pati 'yang ina niyang matapobre. Pero hala, sumige ka pa rin." naging matabil na ang dila ng panganay na babae at hindi na napigil ang sarili sa sunod sunod na pagbuga ng mga salita. Napayuko siya at nanubig ang mga luha sa mata. Alam niya iyon. Hindi talaga pabor ang mga ito sa asawa niya. Pero sa huli, hindi siya nagpapigil at sinunod niya ang tinitibok ng puso. "Nagmahal lang ako, mahal ko ang asawa ko." matigas na sabi niya. "Pesteng pagmamahal 'yan! Hindi lahat ng pagmamahal ay tama at nakakabuti sa'yo, Emily. Alam mo ano ang kulang mo? Utak, utak! Lagi mong pinapagana 'yang puso mo, kesyo mahal mo, kesyo hindi mo kayang mabuhay nang wala siya. Eh, tignan mo nga, kaya niyang mabuhay ng wala ka! Ni hindi ka man lang maamo at suyuin, wala talagang kwentang asawa!" gigil na gigil na sagot nito. Nasaktan naman si Emily sa direktang pangmamaliit ng kapatid sa asawa. "Ate, maaaring tama ka. Pero hindi naman pinaka worse ang asawa ko. May magaganda rin naman siyang katangian. Hindi naman siya nangbubugbog. Hindi rin naman siya nangbabae. Lagi lang talaga siyang busy, pero understandable naman kasi may pangarap siya..." Dahil sa nainom ni Emira ay nagbigay iyon ng ibayong lakas sakaniya para iparating kay Emily ang punto nilang pamilya na hindi nila masabi sabi dahil ayaw nilang sumama ang loob ni Emily. "Eto, Emily ah. Itatak mo ito sa kukote mo. Hindi purque hindi siya nananakit ng physical o nangbabae eh hindi na siya worse. Typical na stereotypes ng lalaki 'yang sinasabi mo. Pero ang abuse ay may iba't-ibang mukha. Can't you see? He's hurting his wife. He is abusing you, mentally and emotionally. Doesn't mean he don't lay his hand to you, eh hindi na abuso 'yon. He is rejecting and neglecting his responsibilities and duties as a husband. Through thick and thin, diba? Pero bakit ikaw lang ang laging nand'on sakaniya sa mga oras na 'yon? At paano pa nga ba makakapangbabae 'yon, eh ikaw ngang asawa niya, wala na siyang oras? Lahat may pangarap, Emily! Pero once na nag-asawa ka, ang pangarap mo ay kalakip ng iyong asawa, at higit kanino pa man, mas mahalaga ang kabiyak mo kaysa sa anumang ambisyon o pangarap. Ilagay mo 'yan sa kukote mo," at iminuwestra pa nito ang sentido nito. Natamaan doon si Emily at sobra pa nga. Tumagos sa kaibuturan niya ang mga salitang binitawan ng Ate niya. Her words hit her hard. Tama ito. Pero indenial lang siya. Ayaw niyang matanggap na talagang failure ang pag-aasawa niya. Truth to be told, Cruz isn't the sweet and loving husband. Lagi nalang siya ang nag-a-adjust dito. At pati sa pagkamatay ng anak nilang si Angelo, parang siya lang ang nagtangis noon. Ang pait pait ng panlasa ngayon ni Emily. "Ate Emily... Ate Emira's right. Sana huwag mo kaming masamain. We're your family. Concern kami sayo at mahal ka namin. You don't look healthy. Noong umuwi ka, hindi ka nag-go-glow. Walang kinang ang mga mata mo. They say kapag masaya ang babae at healthy ang relationship ng mga ito ay sumisiksik ito at healthy-looking tignan. Ikaw, hindi. Mukha kang stress at namatayan..." ani Emiko. Dala ng huling sinabi nito ay parang nakalulon si Emily ng bato at nahirapan siya huminga. "N-Namatayan...?" takot na sabi niya. Tumango ito. "Oo, ate. I mean, mukhang haggard at stress ka. You don't look healthy. Parang ang lungkot lungkot ng itsura mo." Nakahinga siya nang maluwag. "Ah, eh... siyempre na-homesick din ako 'ron sainyo. At kaunting problema..." sabi na lang niya. "Kaya nga nandito kami para pasayahin ka. Come on, hindi ka naman mamamatay sa isang laro," ani muli ni Emira. Dahil sa kakulitan ng mga ito ay talong umupo uli si Emily sa buhangin, katabi ni Dante. "Pasensiya kana, Dante ha? Naririnig mo pa tuloy 'yung problema ko," nakangiwing sabi niya sa katabi. Ngumiti ito ng tipid. "Don't worry. Hindi naman ako chismoso. But, your sisters are right, Emily. Sa ganitong klaseng problema, ang pamilya mo ang tanging kakampi at takbuhan mo. Makinig ka sakanila." "I... I know," "And you know, sometimes... ang instinct ng isang ina ay tama. Walang masama kung papakinggan mo at susundin sila paminsan-minsan. Minsan kasi, ang akala nating nakakabuti saatin ay 'yung nakakasama pa pala saatin." malalim na sabi nito. "O, mamaya na 'yang kwentuhan d'yan, magsimula na tayo sa game." ani Emira. Tumuwid nang pagkakaupo si Emily at hinayaan na ang kapatid. Kinuha nito ang isang bote ng alak na wala ng laman at inilagay iyon sa gitna nila. Nakapalibot sila roon at pabilog ang pwesto nila. Nasa gitna nila ang bonfire. "Okay game na ha? Iikot ko na ang bottle," nakangising sabi nito. Panay ang dasal ni Emily na sana hindi siya ang matutukan. "Ang rules ng game ay hindi mo pwedeng ulutin ang huli mong pinili. Kung dare ang pinili mo, at natapat uli sa'yo susunod, truth ang dapat piliin mo. Gets?" "Gets," sabay sabay na sagot nila. Dumadagundong sa kaba ang dibdib ni Emily dahil alam niyang likas ang kapilyahan ng dalawang kapatid. Tiyak puro kalokohan ang itatanong sakaniya ng mga ito o ipapagawa. Inikot na nito ang bote at halos pagpawisan siya ng malapot. Natapat ang bote kay Joseph. "Truth or dare?" tanong ni Emira. Napakamot sa ulo si Joseph. "Dare nalang agad, ate." Natawa ang dalawang babae. "Okay, dahil ako ang magsisimula, ako ang magbibigay sa'yo ng dare. Nakikita mo 'yong mga barako na 'yon?" itinuro nito ang grupo ng mga lalaking barako na hindi naman nalalayo sakanila. Malalaki ang mga katawan nito na parang mga body builder. Napangiwi si Joseph. "Pumunta ka 'ron at sumayaw ka ng pang macho dancer," Naubo ang binata sa inutos ng babae. "A-Ate...!" "Go," pagtataboy ni Emira. Wala nang nagawa ang pobreng lalaki kundi sundin ang inutos nito. Sinundan nila ito ng tingin at panay ang tawa nila sa ginawa nitong pagsayaw. Parang nabwisit ang grupo at handa nang suntukin si Joseph, kundi lang sila tinuro at malamang ay sinabing lahat 'yon ay laro lamang. Kakamot kamot ang ulong bumalik sakanila si Joseph. "Ate naman," himutok nito. "O, ikaw na ang magpaikot ng bote." Inikot na nga ni Joseph iyon at napunta iyon kay Marco. Sumilay ang ngiti sa labi ni Joseph. "Okay, truth or dare?" Saglit na nagisip si Marco. "Truth," "Do you still love your ex-girlfriend?" tanong ni Joseph dito. Nagtagis ang mga ngipin ni Emira. Tinawanan lang ito ng boyfriend ng kapatid at parang sinasabing "bawi bawi" nalang. Medyo matagal bago nakasagot si Marco. At kung hindi lang ito sinamaan ng tingin ni Emira ay hindi pa sasagot. "Right now? No, I don't have any feelings for her anymore." Nakahinga ng maluwag si Emira. "Okay your turn to spin the bottle," Inikot ni Marco iyon at napunta kay Emiko. "Truth or dare?" Napangiwi rin si Emiko. "Hmm. Dare...?" "Alright. Go and talk to that man." turo nito sa isang lalaking nakaupo malapit sa pangpang at umiinom ng alak. "Go and tell him that you are hitting on him, let's see his reaction," Napatayo si Marco. "No...! Emiko's my girlfriend. She can't." ani Joseph. "Laro lang naman, Joseph." si Emira. "It's okay sweetie. I can do it," pag-aassure ni Emiko rito. Kinabahan na tuloy si Emily at kung baka ano ang ipagawa sakaniya. Tumayo nga si Emiko at ginawa ang inutos. Halatang nagulat ang lalaki at nang bumalik sa pwesto nila si Emiko, hinabol pa ito ng tingin ng lalaki. Gigil na gigil naman si Joseph. Hindi tuloy maiwasan hindi matawa ni Emily sa itsura nito. "Gagantihan kita, ate. Humanda ka!" bwisit na sabi ni Emiko. Tumawa lang ng nakakaloko si Emira. Inikot ni Emiko ang bote at saktong napunta kay Emira. Natawa si Emiko. "Truth or dare?" "Truth," matapang na sabi ni Emira. "Nakailang boyfriend ka bago mo naging boyfriend si Kuya Marco, ate?" Nakuyom ni Emira ang kamao. Sa kanilang magkakapatid kasi, ito ang playgirl. "Err... twelve?" pati ito ay napangiwi sa sinagot. Tinawanan ito ni Emiko. Inis na inis naman si Emira sa kapilyahan ng kapatid. Kinuha ng huli ang bote at pinaikot. Saktong tumama iyon sakaniya. Napalunok ng matindi si Emily. "Oh, atlast. Truth or dare, Emily?". "T-Truth nalang, ate." ayaw niya ng dare. Baka kung ano ang ipagawa sakaniya ng mga ito. Matiim siyang tinignan ni Emira at matagal bago sinabi ang itatanong. "Do you find Dante hot, Emily?" Nanlaki ang mga mata niya at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "A-Ate naman," "Just answer, Emily. We need answers," Napatingin siya kay Dante. Hindi naman ito tumitingin sakaniya. Seryoso ang mukha nito. Kung sasabihin niyang hindi, nagsisinungaling siya sa sarili niya. At hindi naman ibig sabihin na oo ang isasagot niya ay gusto na niya ito, diba? Marunong lang siyang magappreciate. Kung oo naman ang isasagot niya, hindi ba masyado naman siyang malandi dahil may asawang tao na siya? "Emily...?" "It's okay, Emira. She don't need to answer that," Kumunot noo si Emira. "No, this is just a game. Hindi siya dapat killjoy," Bumuntong-hininga si Emily at sumuko. "Alright. Yes, I find Dante hot," talunang sabi niya. Parang mga teenager na naghiyawan ang mga ito at kilig na kilig. Si Dante naman ay napakatahimik lang. "Alright, time to spin the bottle again." Inikot na ni Emily iyon at tumapat kay Emira ulit. "Dare," sagot nito dahil hindi na nito pwedeng piliin ang truth. Wala siyang maisip. "Hmm. Kiss Marco infront of us, 1 minute. Deep kiss?" sabi niyang hindi rin siya sigurado. "Iyon lang? Sisiw," naghalikan nga ang dalawa sa harap nila. Torrid kiss talaga kung torrid kiss. Siya na ang nagbaba ng tingin dahil hindi niya kayang manood ng ganoon. Nang matapos ang 1 minute ay ito ang nagpaikot uli ng bote. Saktong natapat kay Dante. Ngumisi ng pagkalaki laki si Emira. Napalunok naman ng matindi si Dante at tila kinabahan sa gagawin sakaniya ng babae. "Truth or dare, Dante?" "T-Truth...?" tila kahit sa sarili nito ay hindi rin sigurado ang binata. Nagkibit balikat si Emira. "Do you like Emily, Dante?" Napasinghap si Emily sa narinig. "Ate Emira!" galit na sigaw niya rito. "What? Oh, come on. It's just a game. Huwag ka ngang OA," umirap ito sakaniya. "Dante, look... listen. Hindi mo kailangan sumagot," aniya sa lalaki. Ngumiti lang ito ng tipid. "Sabi nga nila, laro lang ito. Might as well, enjoyin nalang natin." tumingin ito sakanilang lahat. Huminga ito ng malalim bago sumagot. "Yes, I like Emily. A lot." anim na salita, pero pakiramdam ni Emily ay para siyang bulkang sumabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD