MAAGANG NAGISING si Emily nang araw na 'yon. Pero mas ipinagtaka niya ang maagang pag-gising ng asawa. Katunayan, wala na ito sa tabi niya. Pagbaba niya ng hagdan, nagulat pa siya nang makitang naghahanda ito ng almusal nila. Bihis na bihis ito. Nakacoat and tie pa. Napakunot-noo siya. "Oh, saan naman ang punta mo?" gulat na tanong niya. "Maupo ka na at ihahanda ko ang almusal natin. Pababa na rin naman sila mama," imbis ay naging sagot nito. "Teka nga lang, saan ba ang punta mo? Grabe, may business convention ka bang pupuntahan?" Hindi maiwasang matawang tanong niya. Ngumiti ito sakaniya. "Nakapag-isip isip kasi ako. I think it's about time na mapangasiwaan ko na ang kompaniya niyo. Afterall, dito na tayo sa Pilipinas mamalagi. Wala pang mga asawa ang kapatid mo. Nararapat lamang na

