Laine
DAHIL sa sobrang pagod sa party agad akong nakatulog paghiga ko.
Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero may naulinigan akong nagsalita.
" Happy Birthday!" and kissed my cheeks.
Nagulat ako dahil may bigla na lang nanghahalik kaya automatic na napabangon ako. Tuloy naging dahilan yon para magka-untugan kami ng taong malapit na nakatunghay sa akin.
" Ouch!" talagang nagising ako dahil naalog yata yung utak ko.
Napa-nganga ako ng maaninagan ko ang taong nasa harap ko na agad ko namang nakilala kahit dim light lang ang tumatanglaw.
" Beh! O my God, you're here." at bigla ko siyang dinamba ng yakap.
" Hahaha babe wait lang nasasakal mo na ako. Hindi ako makahinga.Ang sakit pa ng noo ko sa pagkaka-untugan natin." natatawang sabi niya.
Kumalas ako at tinitigan ko siya na sinuklian din niya ng kaparehong titig. Punong-puno ng pananabik at pagmamahal.
" I missed you so much babe.I can't wait to see you.Happy birthday! Sayang hindi ako nakaabot sa party mo." sabi niya at inabot ang isang maliit na kahon na nakabalot ng pink wrapper at may ribbon na kulay silver.
" I missed you too, so much.Okay lang na hindi ka umabot sa party atleast nandito ka kahit bago matapos yung araw ko, nakasama pa rin kita.Tsaka hindi naman talaga party yon, parang blow-out lang sa mga classmates and friends ko. Kung hindi lang nila ako kinantiyawan, ayos lang na ang barkada at parents lang natin ang makasalo ko sa simpleng dinner lang sana. Pero teka, paano ka nakauwi? Hindi ka ba pumasok? nagtatakang tanong ko.
" Pumasok ako, may exam kasi kami. Pero buti na lang nakaabot ako sa last trip and here I am.I don't want to miss your special day." sagot niya.
Nilapag ko yung gift niya sa bedside table ko pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.Naramdaman ko ang pagkasabik niya sa akin kaya yumakap na rin ako ng mahigpit sa kanya.God! I missed him so much.Gusto kong sulitin ang two months na hindi kami magkasama sa pamamagitan ng intense na yakap.
Matagal kami sa ganung posisyon ng magsalita ako.
" Oh my G ang saya-saya ko.Beh halika kumain ka muna.I'm sure kanina ka pa nagugutom. Tara kain tayo gutom na rin ako, hindi ako masyadong nakakain kanina eh." puno ng energy na aya ko sa kanya.
" Sige kanina pa ngang lunch yung huling kain ko." sabi niya habang hinihimas pa ang kanyang tiyan.
Pumunta na kami sa kusina at nandun pa rin si mommy at tita Baby.
" O buti naman gising ka pa, pinapunta ko na si Nhel sa room mo baka sakaling gising ka pa nga.Nhel halika kumain ka na." bungad ni mommy sa amin.
" Nakaidlip pa lang ng konti mom. Kakain din po ako.Sige po matulog na kayo ni tita, kami na lang bahala dito." sabi ko kay mommy.
Kumain na kami ng magsipasok na sila mommy at tita Baby sa mga room nila.Masaya kaming nag-uusap habang kumakain.Pagkatapos naming magligpit sa kusina ay lumipat na kami sa sala para magkwentuhan.Napakarami naming napag-usapan ni Nhel tulad ng mga experiences namin sa school, mga taong nakakasama at syempre pa yung tungkol sa relasyon naming dalawa. Dahil sa sobrang dami naming napag-kwentuhan, hindi namin namamalayan ang oras.
" Uy beh it's getting late, malapit ng mag midnight.Dito ka na lang matulog maaga na lang kita gigisingin." sabi ko.
" You sure? Saan mo ako patutulugin dito ha?" tanong niya na may pilyong ngiti at pataas-taas pa ng kilay.
Eh sinumpong naman ako ng pagka pilya ko.Akala mo ha? Hinahamon mo pa ako ng pataas-taas mo ng kilay.
Hinila ko siya sa room ko at itinulak paupo sa kama ko.Kumandong ako sa kanya at iniyakap ko pa ang mga braso ko sa leeg niya.
Para siyang nanigas sa kinauupuan niya dahil sa pagkabigla sa ginawa ko. Pinipigil kong mapahagalpak ng tawa sa sarili kong kalokohan ng makita ko ang reaksyon niya.Nerbyos na nerbyos ang itsura na namumutla pa yata.
Haha..ang cute!
" Here, you can sleep with me here beh.What do you think?" sabi ko with a husky voice.
Hala! Lalo yata siyang ninerbyos.Gusto ko ng tumawa talaga pero ine-enjoy ko pa ang pagti-trip sa kanya.Patay ako sigurado dito mamaya pag nakabawi to.
" Babe?!" nagulat siya lalo ng haplusin ko ang mukha niya.
" Umpp..hahaha..hahaha.!!!" umalpas na ang pinipigilan kong tawa.
" Hayun! Sinumpong ka na naman pala ng pagka- naughty mo.Pinag- tripan mo na naman ako.Sige lang tingnan natin kung hanggang saan ka ngayon.I'll punish you Alyanna Maine." seryosong banta niya.
Tumigil ako bigla sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niya.
Naku po! Na bad trip ko yata binuo na ang pangalan ko. Hindi ito nagbibiro kapag ganon na ang tono niya.
Patay tayo dyan!
Pumikit ako, hinintay ko na lang yung punishment niya.Baka kurutin ako sa pisngi, alam niyang naiinis ako pag ganun o kaya naman kagatin ang tenga ko.
Shemay, ang tagal naman oh.
Nagulat na lang ako ng lumanding ang mainit niyang mga labi sa mga labi ko.Yung feather kiss ba tawag dun? Yung magaan lang tapos saglit lang pero nakaramdam pa rin ako ng kilabot. Ito na ba ang punishment nya? goodness gracious! ang sarap na punishment nito!...haha..ang landi lang Laine ha?
Ngunit akala ko tapos na. Yun na yun, pero tinuloy-tuloy pa rin niya yung punishment niya sa akin at hindi na ako naka-tutol.
When his lips met mine, it sent shivers down to my spine.He kiss me passionately.. with so much longing..with so much love.I just close my eyes wanting this moment not to end.
I'm home again.
I responded to his kisses with the same intensity, it lasted for I don't know how long basta naramdaman ko na lang na hinahaplos na niya yung likod ko at nakahawak naman ako sa mga batok nya.We both stop to catch our breath.Whew! That was so intense, well atleast for me dahil wala naman akong pagkukumparahan.
" That was so hot babe! " sabi niya na nakangiti pa.
" Yeah, punishment na ba yun eh mukhang nag-enjoy ka naman." biro ko.
" Paano naman kasi puro ka kalokohan, kaya pinarusahan lang kita na kailangan pareho naman tayong mag-enjoy.Lagay ikaw lang." pilyong sabi niya.
" Lumabag na naman tayo sa rule natin. Ano yon, not counted na naman dahil birthday ko naman ngayon?" tanong ko.
" Ito naman, parang ganoon na nga. Hindi na mauulit yon unless may special occasion ulit. " tugon niya na may pilyong ngiti sa labi. I just rolled my eyes on him. Puro kalokohan talaga.
" Hay nako, tara na nga maghilamos ka na at ng matulog na tayo, antok na ako. Dun ka na lang sa couch." sabi ko sa kanya.Tumayo ako para iayos ang hihigaan niya.
" Okay gisingin mo ako ng maaga ha? para makapagpalit ako ng damit sa amin then sabay na lang ako sayo pagpasok mo, ibaba mo na lang ako sa terminal." sabi niya.
" Okay!" sabi ko at pagkatapos kinuha ko yung gift niya sa akin para buksan.
" Wow! Thank you beh!" medyo mahina ang pagkasabi ko sa huling salita dahil medyo naging emotional ako nung makita ko yung laman ng box.
Isa itong gold necklace na may pendant na letter A. Talagang pinasadya niya para sa akin at napakaganda.Pinag-ipunan na naman niya tiyak ito.Nakaka-touch naman.
" Anything for you babe.Kung alam ko lang na magiging ganyan ang reaction mo sana noon ko pa binigay yan.Come here,isusuot ko sayo." nakangiti niyang sabi.
Tumalikod ako at inilagay niya sa akin ang necklace.Nung makita ko sa salamin ay napaluha ako dahil ang ganda talaga nito.
" Akala ko ba gusto mo yan eh bakit umiiyak ka naman?" tanong niyang nagtataka.
" No beh, I like it, really.Tears of joy lang." sagot ko habang nagpapahid ng luha.
" Sus babe, sino ba si joy? eh ikaw yang umiiyak diyan." biro niya habang nakikipunas sa luha ko.
" Huh, ikaw talaga beh puro ka kalokohan.Thank you ha? I love you." sabi ko na tumatawa na.
" I love you more and I missed you so much." sagot niya.
" Sige na tara na matulog na tayo sobrang late na." aya ko sa kanya.
He then nodded. We pray together at ako yung nag-lead. And after we said our prayers, nagpunta na siya sa couch para humiga at ako naman sa kama ko. We both said goodnight then drifted to sleep.
That's was my happiest birthday ever.