Laine
" Hurry up beh, baka abutan tayo ng traffic sa daan, 6 am na oh."
sabi ko kay Nhel habang hinihintay ko siyang isakay na yung mga gamit niya sa kotse.
" Eto na nga po, nailagay ko na lahat ng dadalhin sa compartment, kumpleto na." tugon naman niya na natataranta pa. Natawa ako. Ayaw talaga niyang naiinip ako.
Ngayon na yung araw na ihahatid ko siya kila ate Merly sa Manila.Kagabi nakapag-paalam na siya sa parents ko, pagkatapos siyang bilinan na lalong magpakabait at mag-aral mabuti. Nakipag-bonding na rin siya sa barkada ng buong araw ng Sabado habang pinagsasaluhan namin ang nilutong meryenda ni tita Bining na nagsilbing parang despedida na raw ni Nhel.
" Mama, papa, aalis na po kami." paalam niya sa parents niya.
" Anak, mag-aral kang mabuti tsaka makisama ka ng maayos kila ate mo.Dalasan mo rin ang pag-uwi dito ha? Mami-miss ka ng mama, bunso." si tita Bining na maluha-luha pa.
" Ay si mama, para kang si Laine, kung maka- iyak parang sa ibang bansa ako pupunta." sabi niya.
" Syempre naman anak, first time kang mahihiwalay sa amin.Sige na lumakad na kayo't tanghali na." si tita Bining.
" Sige na, mag-ingat kayo.Laine anak wag ng magpagabi ha, baka mag-alala sayo sila kumpare." bilin ni tito Phil.
" Sige po tito." sabi ko at nagmano na kami sa kanila tapos sumakay na ng kotse na minamaneho ni Mang Gusting.
Naging maayos naman ang byahe namin.Dahil Sunday, walang traffic kaya maaga pa lang nakarating na kami kila ate Merly.
Pumasok kami sa isang magandang subdivision.Maganda ang lugar at maluwag ang espasyo sa mga bahayan.May clubhouse na sa bandang likuran nito ay may malaking swimming pool.May playground din.Medyo hindi kalakihan ang mga bahay na halos magkakamukha, mga 2 storey houses na 2 to 3 bedrooms siguro.Pero tama lang sa hindi kalakihang pamilya.Nagandahan ako sa lugar and I'm sure Nhel will like it here.
Huminto kami sa isang bahay na malamig sa mata ang pinta.Maganda rin ang taste ni ate Merly, ang gaganda rin ng mga bulaklak sa mini garden niya. Bermuda grass ang harap at sa gilid ang garahe nila.
Pinagbuksan kami ng maid nila na may edad na at nasa likuran nito si ate Merly at si Dom.
" Welcome home bunso, uy kasama pala si beautiful." sabi ni ate Merly sabay yakap at halik sa akin.
" Hinatid ako ni Laine te, pinahiram ako ni tito Franz ng kotse para hindi na raw mahirapang mag -commute.May kasama pang driver." masayang
turan ni Nhel.
" Ang swerte mo talaga bunso, maganda na ang girlfriend, mabait pa ang biyenan.Saan ka pa!" asar ni ate.
" Haha..si ate talaga, mabait po kasi si Nhel kaya love ni daddy yan." sabi ko naman.
" Oo nga, sinabi mo pa.Tara dito ng makapag-pahinga kayo at para maiayos mo na rin yang gamit mo Nhel dun sa magiging room mo." si ate Merly.
Maganda at maayos ang loob ng bahay, kumpleto sa mga mamahaling kagamitan.Naipasok ng lahat ni Mang Gusting ang gamit ni Nhel at pinagpahinga muna ito ni ate Merly sa living room habang hinihintay maluto ang tanghalian.
Sinamahan niya kami sa taas kung saan yung magiging room ni Nhel.Tatlo ang room duon at mayroong cr na nasa pagitan nung dalawang room.May sariling cr ang master's bedroom.
Pumasok kami sa room na nasa dulo at yun ang room na nakatalaga para kay Nhel. Kasing laki lang din ito halos nung room niya sa Sto. Cristo. Maganda ang pagkakaayos at may built in closet din ito.In fairness, may aircon!
Light blue ang kulay ng beddings at gray ang mga curtains at may study table sa kabilang side.Para talagang pinaayos ni ate Merly para kay Nhel.
Tinulungan ko siyang iayos ang mga gamit niya.Ako ang nag-ayos ng mga damit niya sa closet habang ang mga shoes niya ay siya ang naglagay sa shoe rack na nandun sa may likod ng pinto.
" Babe itong picture mo at itong picture nating dalawa ay dito ko ilalagay." turo niya sa bedside table na katabi ng lamp shade. " Pero ito dito ko sa study table ilalagay para may inspirasyon ako pag nag-aaral ng lessons ko." turo niya dun sa medyo may kalakihang picture na naka frame.
Nagulat ako ng makita kong picture ko pala yun nung manalo ako sa pageant ng school, half body lang siya.
" Bakit hindi ko alam na meron ka pala niyan at ngayon ko lang nakita? tanong ko.
" Kamukha yan nung nasa wallet ko di ba? Pina-blow up ko nung isang araw para madala ko dito." sagot niya.
" Ayos yan, mauubos ang mga daga ninyo dito hehe." biro ko.
" Ang swerte naman nila, ang ganda kaya ng trap ko."sabi niya na may pataas-taas pa ng kilay.
" Binola na naman po ako." sabi ko.
" Hoy miss kahit kelan hindi kita binola, alam mo yan.At totoo naman yung sinabi ko kaya nga natatakot ako kasi marami na namang aaligid sayo nyan." sabi niya na mabilis na nakalapit sa akin at kinurot ang aking pisngi.
" Aray naman beh! Sige na nga hindi mo na ako binobola para matapos na tayo dito." at pinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa closet niya." Tsaka huwag mong intindihin yung mga aaligid na sinasabi mo dahil may bantay ako dun sa atin. Takot lang nila kay daddy at kay tito Phil di ba? muli kong turan.
Ngumiti lang siya bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko tapos niyakap niya ako mula sa likuran ko at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko habang pinanonood akong mag-ayos ng damit niya.Hala! parang nagiging habit na niya yung ganitong gestures ah.Okay lang kakilig naman eh.
" Mami-miss ko yang pag-aasikaso mong yan sa akin." sabi niya.
Natigilan ako.Oo nga, madalas ako ang nag-aayos ng mga damit niya sa closet niya dun sa kanila.Ito kasing lalaking ito masyadong magulo pag kumukuha ng damit niya sa cabinet, parang dinaanan ng bagyo.Laking pasalamat nga sa akin ng mama niya dahil nabawasan ang gawain niya.
I sighed..." Try to be organize beh, wala ako ngayon sa tabi mo para ayusin ang gamit mo.Wag kang pasaway ha?" sermon ko.
" Opo mahal na reyna!" sagot naman niya at niyakap pa ako ng mahigpit.
Natapos naman kami sa pag-aayos sa room niya bago mag lunch time.
Habang hindi pa kami tinatawag para kumain, nakahiga lang kami na magkahawak kamay sa bed niya at nakatitig pareho sa ceiling.
Nagulat ako ng magsalita siya.Narration pala yun nung kanta ng The Manhattans.
Seryoso siya kaya pinakinggan ko na lang siyang mabuti.
This has got to be the saddest day of my life
I called you here today for a bit of bad news
I won't be able to see you anymore because of my obligations and the ties that you have
We've been meeting here everyday
And since this is our last day together
I wanna hold you just one more time
When you turn and walk away don't look back
I wanna remember you just like this
Let's just kiss and say goodbye...
Mahabang sandali ng katamikan nung matapos siya.Tumagilid ako at sinulyapan ko siya.
God! bakit umiiyak siya?
Bumangon ako at pinunasan ko ang mga luha niya.
" Stop it beh, I can't bear seeing you like that.Please.." pagsamo ko.
" Sobrang mahal lang kita babe, hindi ko kayang makita ang pagtalikod mo mamaya para umuwi na sa atin. Matatagalan pa bago tayo magkita ulit.Alam mo namang ilang oras lang kitang hindi makasama hindi na ako mapakali, what more pa kaya kung weeks? or months kaya? Tell me, kaya ko ba? When you know the fact that I want to wake up every morning knowing that I'll be seeing you later. What now? Do you think I can survive each day without seeing you? " madamdaming sabi niya.
Hindi ako nakakibo.Ayokong magsalita dahil kahit ako ganun din ang nararamdaman ko.Baka kung ibuka ko ang labi ko para sabihin ang nararamdaman ko, mag-iiyakan lang kami.Hindi niya dapat makita ang kahinaan ko dahil hindi ito makakatulong. Alam kong ako ang kahinaan niya at wala akong kailangangang gawin ngayon kundi ang palakasin ang loob niya kahit pa nanghihina na rin ako.
Hinila ko siya para bumangon at niyakap ko siya ng mahigpit. Maging ako ay hindi ko alam kung makakaya ko ng wala siya sa tabi ko. Ngunit ganoon talaga siguro dahil lahat ng nagmamahal dumadaan sa pagsubok. Hindi naman ibig sabihin na magkakalayo kami ngayon ay maghihiwalay na kami ng tuluyan. Kailangan lang na maging matatag kami at magsakripisyo para sa pagmamahalan naming dalawa.
" You can do it beh.Our love can do it!"