CHAPTER 35 - Hot

1604 Words
Laine " Anak dala mo na ba lahat ng gamit na kailangan mo for 3 days?Naitawag ko na sa kuya Frank mo na doon kayo sa Dasma tutuloy kaya naihanda na yung kwarto mo at guest room.Dadaan na lang ako dun pagkagaling ko ng office to check on you before ako umuwi dito." si mommy yun panay ang bilin. Bukas na kami luluwas ng Manila para dun sa photo shoot ng clothing company nila tita Ems.Nung payagan ako ni Nhel nung magpaalam ako sa kanya tinawagan ko na agad si tita Ems.At ngayon nga nagpa-pack na ako ng mga gamit na dadalhin ko for 3 days.Si Nhel ang pinasama ni daddy sa akin para bantayan ako at dun nga kami tutuloy sa bahay namin sa Dasma.Si Mang Gusting ang kasama namin para may mag-drive na rin sa amin papunta sa shoot. " Yes mom, okay na po lahat pati yung mga requirements na hinihingi sa akin ng company para sa contract." sagot ko kay mommy . " Mag-ingat kayo ni Nhel dun ha?Pagbutihan mo baby. Sobrang proud kami sayo. Akalain mong magiging model ka ng isa sa mga malalaking company ng bansa.It's a dream come true anak." masayang sabi ni mommy . Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Actually it's their dream, sila ni daddy. Kaya nga pinapayagan nila ako sa mga pageant ng school. At nung araw na sabihin ni tita Ems na kukunin niya akong model pumayag na agad sila. " Okay mom, I'll do my best on this one. Alam ko naman po na dream ninyo ni daddy to.I will make you proud." sabi ko. Niyakap ako ni mommy. " Thank you anak." ******* " Congratulations Ms.Guererro, welcome to Montreal Group of Companies." kinamayan ako ng HR manager na si Ms.Diaz. Pumirma ako ng exclusive contract sa kanila bilang isa sa mga models nila. Hindi na ako dumaan sa screening at interview katulad ng mga kasabay ko.Si tita Ems daw kasi ang nag-recommend kaya ganon at nagustuhan daw agad ng art director nila yung binigay ni tita na picture ko.Perfect din daw yung height ko na 5'6 at vital statistics na 35-24-35.Oh di ba, eh di ako na! " O ano kumusta dun sa loob?" bungad agad ni Nhel sa akin pagkalabas ko ng HR office. Lumapit ako agad sa kanya at yumakap. " Grabe, hindi ko akalain na ganito kalaki at kasikat ang company na to beh, parang kinakabahan ako baka hindi ko maabot yung expectations nila. Pinapirma na nila ako kanina ng exclusive contract." sagot ko. " Talaga babe? Great! Kaya mo yan, ikaw pa.I will support you, I've got your back." sabi niya na nakangiti. " Thanks beh! Matutuwa sila dad tiyak.Anyway, uwi muna tayo sa amin. Bukas pa raw ang photo shoot dahil wala pa yung photographer nila.Malapit na yung bahay namin dito." aya ko na sa kanya. " Okay! Sino aabutan natin sa inyo? Di ba nasa US na sila ate Emy?" tanong ni Nhel. " Si Kuya Frank at yung family niya tsaka mga kasambahay." sagot ko. Kilala na siya ng mga kuya at ate ko.Pinakilala siya ni dad nung umuwi sila dun sa Sto. Cristo.Okay naman si Nhel sa kanila,bukod sa mabait na talaga to gwapo pa.Saan ka pa! Pinuntahan na namin si Mang Gusting sa parking lot para umuwi na. Namangha si Nhel ng pumapasok na ang kotse namin sa village.First time ko kasi siyang isama dito.Hindi ko rin naman kasi naikwento sa kanya kahit minsan kung anong klase ang buhay namin dito. Hindi daw niya akalain na ganun kalaki ang village na ito dahil sa mga lifestyle magazine lang niya ito nakikita. Nagulat siya pagdating namin sa gate ng bahay, dahil pagbusina pa lang ni Mang Gusting pinagbuksan kami kaagad ng guard na naka-pwesto dun. Pagkapasok ng sasakyan ay napansin kong mas lalo siyang napa-nganga sa gulat.Kinailangan ko pang hampasin siya ng marahan sa balikat para mabalik sa huwisyo. " Hoy beh, tara na sa loob.Ano nangyari sayo dyan? Para kang namatanda." natatawa kong hila sa kanya papasok ng bahay. " Grabe babe, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na ganito kalaki at kaganda tong bahay ninyo?Eh mansyon na to ah.Pati gate ninyo may guard pa." sabi niya na naa-amazed pa rin. " Hindi ka naman nagtatanong eh.Tsaka hindi ko naman ugali na magkwento kahit kanino baka sabihin pa nagyayabang ako." sagot ko sa kanya. Lumapit sa amin ang mga kasambahay. " Ma'am Laine nakahanda na po ang lunch ninyo. Pumunta po saglit si Sir Frank sa office at babalik din daw po after lunch.Si Ma'am Angel at mga bata naman nasa magulang niya sa Laguna, bakasyon po kasi." si Melda yun isa sa mga kasambahay na ang tinutukoy ay ang asawa ng kuya ko at dalawa kong pamangkin. " Ah sige salamat Melda.Ate Vangie paki- akyat na lang po yung mga gamit namin sa kwarto, kakain lang kami ni Nhel." sabi ko sa isang kasambahay. Dumiretso na kami sa dining room para kumain na at hindi pa rin kumikibo si Nhel. " Bakit kanina ka pa hindi kumikibo diyan? Ano nangyari sayo?" tanong ko. " Wala. Parang hindi pa rin ako maka-paniwala sa nasasaksihan ko ngayon dito.Alam ko maykaya kayo pero hindi ko inisip na ganito kayo dito.Dun kasi sa atin, simple lang ang lifestyle ninyo. Bukod kay tita Baby, ikaw yung gumagawa ng ibang gawaing bahay, unlike here senorita ka pala dito." sagot niya na parang naguguluhan. " Are you mad dahil hindi ko sinabi sayo? Kasi nga iniwan na namin ang ganitong buhay dahil gusto nila daddy na simple na lang. Mas peaceful at masaya dun sa atin sa Sto.Cristo. Kuntento na kami dun beh lalo na ako dahil nandun ka.Wala naman kasi sa akin ito dahil mas pipiliin ko yung buhay kung saan naroon ka." sabi ko. " I'm not mad.Why would I be mad? eh kinilig na ako sa mga sinabi mo." nakangiti niyang turan. " Okay let's just finish our food para makapag rest na tayo, maaga tayo nagising kanina." sabi ko. Then after we ate our lunch nag-rest na kami sa designated rooms namin hanggang sa dumating si kuya Frank. He just checked kung ayos lang kami. Nag-kwentuhan lang sila saglit ni Nhel at nagpaalam na rin siya na uuwi muna sa Laguna at babalik na lang kinabukasan. Dumating din si mommy kinahapunan upang kumustahin kami at pagkatapos ay umuwi rin agad dahil baka gabihin sa daan. Dahil maaga pa naman, pagkaalis ni mommy ay naisipan kong yayain si Nhel na magpunta ng mall tutal malapit lang naman kami. Nung nasa mall na kami, pumapasok kami sa mga boutique kapag may nakita kaming mga bagay na magustuhan naming bilhin. Minsan sinusumpong lang kami pareho ng kakulitan, magtatanong lang kami at magsusukat ng kung ano-ano tapos hindi naman bibili.Trip lang. Napansin ko rin yung mga staff ng boutique na pinapasok namin na panay ang pa-cute kay Nhel. Sino ba naman ang hindi? eh makalaglag undies to pag ngumingiti. He's really a good looking guy.Matangos ang ilong, kissable red lips and tantalizing eyes. Lalo na ngayon na binata na talaga siya.Mas lalo siyang naging gwapo at gumanda ang kanyang pangangatawan na parang sa gym nakatira. Pansin ko nga na nagka- abs na rin siya nung minsang naghubad siya ng shirt para punasan ko ang pawisang likod niya.Naglaro kasi sila nila Wil ng basketball nun.Parang nahiya pa nga ako nun dahil natulala ako at pinamulahan ng mukha.Shocks! Ang yummy na ng boyfriend ko.Haha..perv na yata ako. Halos papadilim na nung umuwi kami galing ng mall.Pagkatapos naming mag- dinner ay naligo na ako para magpahinga na. Nung nakahiga na ako ay hindi naman ako makatulog dahil natulog nga pala kami kaninang tanghali. Naisipan kong puntahan si Nhel sa guest room para makipag-kwentuhan muna. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang yung pinto na hindi naman naka-lock. Pagpasok ko ay sakto namang palabas siya galing sa bathroom na katatapos lang maligo at nakatapis lang ng towel sa bewang niya. Wow! gabi na may pandesal pa. Shocks! Pumikit ka Laine. Ipikit mo yang mata mo. Huwag kang tumingin sa gwapong hot na yummy na yan na nasa harapan mo. Teka bakit ayaw pumikit ng mga mata ko at natulos na yata ako sa kinatatayuan ko? Parang ngayon lang ako natulala ng ganito sa kanya, nag-iinit yata pakiramdam ko kahit may aircon naman.Bakit pinagpapawisan ako? Anak ng pating naman, anong nangyari? Bakit ang hot kasi ng bebeh ko?! " May kailangan ka ba? Sorry hindi ko nadaluhan agad yung katok mo nasa loob kasi ako ng bathroom." sabi niya na parang hindi naman pansin ang reaksyon ko. " Ha!" naku naman bakit wala akong masabi? Iniwan na yata ako ng lohika ko. " Babe, ano nangyari sayo para kang natuka ng ahas diyan? " naa-amused na tanong niya. " Beh magbihis ka na nga naiinitan ako—ah eh, I mean baka lamigin yang likod mo, oo nga baka lamigin ka, yun ang ibig kong sabihin." nag-stutter na ako, sana lang hindi niya mahalata. Pigil ang ngiti niyang nakatingin sa akin. Siguro nahalata niya na affected ako dahil para na akong kamatis sa pula. Pambihira! Lumapit siya at tinitigan ako sa mga mata.Hinaplos niya ako sa pisngi. " Do you like the view babe?" tanong niya at hinawakan ang mga kamay ko tapos inilapat sa kanyang dibdib. Shocks! Lalo akong nainitan ng mahawakan ko ang mainit niyang balat. Oh tukso layuan mo ako!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD