CHAPTER 29 - Worries and Sacrifice

1910 Words
Laine NAGULAT kami pareho ni Nhel nung tawagin ako ni mommy. Bigla siyang lumayo sa akin at kinakabahan kong nilingon ang nanay ko. " Y-yes mom, bakit po? kabado kong tanong na nag stutter pa. " Ipapadala ko lang kay Nhel tong hinihiram sa akin ni kumare." sabi ni mommy habang inaabot yung supot kay Nhel. Buti na lang hindi niya nakita yung sobrang lapit ng mukha namin ng bebeh ko dahil hindi pa naka-sindi ang mga ilaw sa may gate. At save by the bell na rin kasi kung hindi siya dumating baka nahalikan ko na si Nhel. Hahaha..ang harot lang Laine! " Sige salamat anak, pasok na ako." turan niya kay Nhel. " Sumunod ka na Laine pag alis ni Nhel ha? gabi na." bilin niya naman sa akin. " Yes, mom sunod na rin po ako." Pagkaalis ni mommy, nagkatinginan kami ni Nhel at bigla kaming natawa pareho. " Ano?" nangingiti kong tanong. " Ano rin?" pilyong ngiti rin niya. " Kinabahan ako dun ha?" sabi ko. " Saan ka naman kinabahan?" tanong niyang malawak ang ngiti. Grabe naman tong taong to nakakainis! Hindi ko nga alam kung paano ko sasagutin yung tanong niya baka sabihin niya assuming ako. " W-wala, I mean baka lang kasi ano eh.." ay grabe naman bakit wala akong matinong masabi. " Babe, alam ko kung ano ang ibig mong sabihin.And really, I was tempted to kiss you a while ago but thanks to tita Paz kundi nasira ko na yung isa sa mga rules natin." sabi niya sabay ngiti ng pilyo. " Yeah, thanks to mom hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kung nandun ako sa sitwasyon na ganon— you know." nahihiya kong sabi. Kinabig niya ako at niyakap. Tapos hinarap niya ako at nagsalita habang nakayakap pa rin. " Pero kung gusto mo ng kunin ko yung first kiss mo babe sabihin mo lang. Ready ako anytime—basta ikaw pwede akong sumira sa rules natin." sabi niya and then winked at me. " Heh! puro ka kalokohan." sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. " Aray ko! Babe biro lang masyado ka kasing tensed eh hahaha." sabi niya at hinuli ang kamay ko. Tinitigan niya ako habang hawak-hawak ang kamay ko. Bumunghalit naman ako ng tawa na ipinagtaka niya. " Hahaha.beh ano to take two? Wag ka nga dyan, nasira na yung moment kanina wag mo na ibalik.Wait na lang tayo ng ilang years pa, maybe this is not yet the right time." sabi ko sabay halik ko sa pisngi niya. " Haha..pumaparaan ka babe ha? Okay goodnight, see you tomorrow." paalam niya na. " Sige goodnight na rin.I love you beh." sagot ko. " I love you more babe, to infinity and beyond." he said seriously then kiss my forehead. Then after that umuwi na siya at pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Haaay! I can't wait until tomorrow, gusto ko palagi lang siyang nasa tabi ko.Paano na kaya kung magkalayo kami, makakaya ko kaya? Ayoko munang isipin yon, baka hindi ko kaya. ****** Nhel NAKARATING na ako sa bahay namin na may malaking ngiti pa rin labi.I can't help it lalo na nakasama ko ang pinakamamahal ko.Kung pwede nga lang na hindi na matapos yung araw na kasama ko siya. Naisip ko yung magical moment kanina. Muntik na talaga. Nate-tempt na nga ako na halikan siya pero buti na lang dumating si tita Paz kundi nasira na namin yung isa sa mga rules namin. Nangingiti talaga ako kapag naaalala ko yung reaksyon ni Laine kanina.Haha..ang ganda talaga niya kaya muntik na akong makalimot sa pangako namin sa isat-isa. " O anak nandyan ka na pala.Musta lakad ninyo ni Laine?" bungad ni papa sa akin. Nagmano ako sa kanya." Okay po papa, unforgettable.Thanks po sa inyo ni tito Franz." sagot ko. " Anong unforgettable naman yun bunso? Baka naman pume-first base ka na kay Laine ha? patay tayo kay pareng Franz niyan." biro ni papa. " Naku papa wala pong ganon. Takot ko lang sa inyo ni tito Franz tsaka hindi po pwede sa amin ni Laine yang kung ano mang base na yan, pag right time na po home run na agad..hehe." biro ko rin kay papa. " Naku talaga kang bata ka, nagbibiro lang naman ako.Pumunta ka na nga dyan sa loob at kanina ka pa hinahanap ng ate Merly mo." nginuso ni papa yung loob ng bahay. " Naku pa kukulitin na naman po ako tiyak ni ate, paano ba yan?" sabi ko. " Eh kausapin mo ng maayos, pero sa tingin ko bunso kailangan ka talaga ng ate mo ngayon." sagot ni papa. I sighed..Bahala na si Batman. Pumasok na ako sa kwarto nila mama at nandun nga si ate, mukhang hinihintay talaga ako. Binati ko sila at nagmano ako kay mama. " Nhel, nakapag-enroll ka na ba sa college dito?" bungad agad ni ate. " Hindi pa te, sa isang araw pa.Bakit?" " Baka naman pwedeng I-consider mo na yung offer ko, kailangan talaga kita para may makasama kami sa bahay.Sasagutin ko na lahat pati allowance mo, dadagdagan ko pa para makaipon ka.Tsaka para makatulong naman ako kila papa sa pag-aaral mo." paliwanag ni ate. " Te alam mo naman na —" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng sumingit siya. " Si Laine ba? Bunso dapat sanayin niyong malayo sa isat-isa, baka sa sobrang attached niyo eh hindi kayo makatapos ng pag-aaral ninyo.Pwede ka namang umuwi pag weekends.Isa pa, para sa inyo rin dalawa kung makakatapos ka sa kilalang university sa Manila. Mas magandang trabaho ang makukuha mo, makakaya mo ng ibigay kay Laine ang buhay na kinagisnan niya." paliwanag ni ate Merly. I sighed. May punto naman dun si ate kaya lang pag iniisip kong magkakalayo kami ni Laine parang hindi ko yata kaya.Paano kung may mga umali-aligid na naman sa kanya kapag hindi nila ko nakikitang nakabantay. Sa ganda niyang yon imposibleng walang magtangka.Paano ko sasabihin kay Laine ito? Tiyak na malulungkot siya at masasaktan.Magagalit naman si ate pag hindi ako pumayag, at maganda naman yung offer niya. Haay ano ba to! Bahala na nga si Batman at isama na rin ang buong Justice League. " Babe, try to understand.Hindi pa naman ako pumapayag sa gusto ni ate." sabi ko kay Laine. Kinausap ko siya at sinabi ko sa kanya yung offer ni ate sa akin.Mula kanina hindi siya kumikibo kaya hindi ko alam kung naiintindihan niya ako or kung ano ba ang saloobin niya. She took a deep sigh then answer me in a very calm voice. " I understand beh and it's for your own good so who am I to hinder? Pumayag ka na at wag mo akong intindihin.Excuse me bukas na lang ulit tayo mag- usap." sabi niya sabay martsa papasok sa room niya. Naiwan akong naguguluhan sa kanya. First time to na nag walk out siya ng ganon.Maybe I should give her space to think things over. Bukas na lang nga muna kami mag-usap. Nagpaalam na ako kay tito Franz pagkatapos niya akong payuhan na sundin ang gusto ni ate dahil makabubuti iyon para sa akin at siya na daw ang bahalang magpaliwanag kay Laine.Nagpasalamat ako at nalulungkot na umuwi na. ******** Laine NAG-USAP kami ni Nhel kanina.Naintindihan ko naman ang gustong mangyari ng ate Merly niya. Maganda yon at ako rin naman ganon din ang gusto ko kapag ako na ang nag- college.Kaya lang two years pa bago ako mag college at magkakasama kami sa Manila.Maraming pangarap si Nhel para sa aming dalawa at ramdam ko na gusto rin niya yung offer ni ate Merly para sa mga dreams namin kaya lang nagdadalawang isip siya dahil ayaw niyang magkahiwalay kami. Hindi ko rin alam kung bakit ganon ang naging attitude ko kanina, bigla na lang akong nag-walk out.Nalulungkot kasi ako at feeling ko tuloy iniisip na niya na hindi ko siya naiintindihan. Nasa ganong sitwasyon ako ng may kumatok sa pinto ko. Si daddy ang napagbuksan ko. " Baby, can we talk?" bungad agad ni daddy. " Sure dad." sagot ko habang inaalalayan siya papasok ng room ko. " Nag-usap kami ni Nhel kanina and I understand what Merly wants for him.I think she's right and only wants the best for his brother.So, don't take it seriously anak.Alam ko hindi kayo nakapag-usap ng maayos ni Nhel.Don't you think na nahihirapan din siya sa sitwasyon? Ayaw ka niyang iwan and at the same time hindi rin niya pwedeng tanggihan ang ate niya.Be reasonable anak.If you love him, why not sacrifice? After all it's for both of you when the right time comes." mahabang paliwanag ni dad. I sighed. " Dad, naiintindihan ko naman po.We both dream of a good life in the future together and this one is a very good start.Siguro po nalulungkot lang ako dahil hindi na po ako sanay na wala si Nhel.Dun din naman ako magka-college di po ba? Kaya lang matagal pa yung 2 years dad kaya parang nakaramdam ako ng lungkot pero tama po kayo kailangan ng sacrifice sa isang relationship.I need to talk to him para naman hindi na siya mahirapan." sabi ko. " Okay, that's good baby.You have to do that first thing in the morning." sabi ni daddy. Niyakap ko si daddy. " thanks dad, you're the best." Kinabukasan maaga pa lang kumakatok na ako kila Nhel.Si tita Bining ang nagbukas. " Tita good morning po.Si Nhel po?" bungad ko agad. " Naku anak, madaling-araw sila lumuwas ng ate Merly niya para daw hindi sila ma- traffic." sabi ni tita. Bigla akong nalungkot. " Ganon po ba, sige po tita balik na lang po uli ako pag nandyan na siya." Palabas na ako ng bahay nila ng magsalita uli si tita. " Laine, anak wag ka sanang magagalit kay Nhel kung pumayag siya sa gusto ng ate niya. Wala naman kasi siyang choice eh.Gusto niyang manatili dito para sayo pero kailangan naman siya ng ate niya. Nakita ko kung gaano siya kalungkot kagabi ng manggaling siya sa inyo. Hindi ka niya gustong iwan anak.Alam mo naman na higit siyang mahihirapan kung hindi ka niya makikita pero iniisip din niya yung magandang oportunidad at isa pa konting tiis na lang at dun ka rin naman magkokolehiyo di ba?" mahabang paliwanag ni tita. Niyakap ko na si tita Bining sa sobrang emosyon ko. " Tita naiintindihan ko po.Pareho kayo ni daddy ng paliwanag at kaya po ako nandito para sabihin kay Nhel na handa akong magsakripisyo para sa mga pangarap niya.Ayoko pong umalis siya na hindi kami nagkakaintindihan.Mahal ko po ang anak ninyo at susuportahan ko ang lahat ng desisyon niya." sabi ko. " Salamat anak.Baka mamayang gabi o bukas nandito na yon, bumalik ka na lang ulit." si tita. " Thanks po tita bukas na lang po ulit. Sige po uwi nako." paalam ko. Kinagabihan hindi ako makatulog.Iniisip ko kapag nandun na si Nhel.Nasa kolehiyo na siya at magiging busy na siya sigurado.Maraming magagandang babae dun at syempre sa gwapo ba naman niya hindi pwedeng walang ma-attract sa kanya.Hindi ako selosang tao at may tiwala ako sa kanya kaya lang ang mga babae sa Manila ay mga aggressive at may pagka-liberated pa yung iba.Sa kanila ako walang tiwala. Haay bebeh ko, ang hirap naman ng ganito pero para sayo handa akong magtiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD