JHON KEMAL POV;
DAHAN-DAHAN KO iminulat ang aking mata'... agad na bumugad sa akin ang mukha ng aking asawa...
pinagmasdan ko ito ng mabuti habang mahimbing na natutulog nakayapos siya sa akin ramdam na ramdam ko parin ang init ng aming katawan dahil sa parehas pa kami walang saplot...
namis ko ang asawa ko subra .. sa isip-isip ko pero kung ano man ang nangyari sa amin kagabi ay mananatiling parti lamang ng aking pag hihiganti...
hindi ko pa rin kayang magpakita ng kabaitan sa kanya ng matagal ...
mahal ko siya pero handa ko parin kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya..
hanggat hindi ko siya nakikitang magdusa pati na ang kanyang papa " ay hindi ako matatahimik hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya na hindi ko naibigay sa aking mga magulang noon..
patawarin mo ako scarlet kung hindi mo sana naging kadugo ang mamatay tao na si bernardo hindi sana tayo nagkakaganito... sabi ko ng mahina sa asawa ko habang dahan-dahan na sinusuklay ang kanyang sabog na buhok...
ilang sandali pa nga ay naisipan ko ng tumayo ...
kinuha ko ang mga nagkalat kung damit at madaling isinuot ang mga ito... at ng matapos ako sandali ko pang sinulyapan ang mukha ng aking asawa..,
patawad mahal ko... hanggang dito lang muna ang kaya kung iparamdam sayo.. ang makipagmake love sayo ng
panandalian para maramdaman ko kahit papano ang init ng iyong katawan pero hindi ibig sabihin nun ay magiging maayos na tayo sabi ko sa natutulog kong asawa bago tuluyan iwan...
paglabas ko ng kwarto ay agad kung kinuha ang susi ng sasakyan at ang bag ko .. nakapagdesisyon akong pumasok ng opisina ng sa ganun hindi na mag expect pa ang aking asawa na may pagbabagong magaganap sa amin dahil sa nagyari kagabi...
kilala ko si scarlet iisipin niyang okay na kami pag nagising siya at yun yung ayaw kung mangyari ... kaya mas mabuti ng paggising niya ay wala na ako ng sa ganun magising siya sa katotoohanan na hindi na kami magiging maayos pa....
ilang minuto lang ay nakarating na ako sa opisina... sinalubong naman ako ni marvin isa sa mga kaibigan kong pinagkakatiwalaan ko sa kumpanya ...
ohh Jhon buti naman at nandito kana ..
nandito yung papa ng asawa mo naghihintay sa loob ng opisina mo... sabi ni marvin habang serysong nakatingin sa akin...
bakit daw nandito anong kailangan ng matandang yun? tanong ko naman kay marvin...
hindi ko pa alam ang tunay na dahilan bro' pero tingin ko mukhang importante...kanina pa kasi yun naghihintay sabi ulit ni marvin...
ahh ganun ba okay sige salamat'... sagot ko naman kay marvin...
agad akong nagpaalam sa aking kaibigan at tinungo na ang aking opisina...kung saan naroroon ang matandang kinasusuklaman ko...ano kaya ang kailangan ng matandang yun at ang lakas ng loob na pumunta pa sa kumpanya ko...
tanong ko sa aking sarili habang naglalakad...