SCARLET NIHAN POV:
bumangon ako sa pagkakaupo ng mahimasmasan ako ay agad ko naman inayos ang aking sarili..
medyo Ramdam ko pa ang pananakit ng aking katawan..
dahil sa ginawa ng aking asawa kanina...
dahan'dahan akong pumunta sa aparador para kumuha ng maisusuot ...
pakatapos kung makakuha ay agad ko itong inilapag sa kama...
maliligo muna ako kaya naman agad kong tinungo ang banyo ng sa ganun masimulan ko na ang paglinis ng aking katawan...
ilang minuto rin ako sa loob ng banyo at ng matapos ako nagbihis at nag ayos ng kaunti bago ako lumabas ng kwarto...
sisimulan ko na ang paglilinis at magluluto na rin ako ng pagkain para mamaya sa aming hapunan...
ganito ang naging buhay ko sa loob ng bahay maglilinis,magluluto parang katulong kung ituring ng aking asawa...pero ganun pa man tinitiis ko ang lahat mas gusto ko pang manatili sa piling ng aking asawa kaysa sa piling ng aking ama...
tahimik lang akong gumagawa ng mga gawain bahay... at ng matapos nga ako sa paglilinis inihanda ko naman ang mga dapat kung kakailanganin sa pagluluto... sinigang na baboy na lamang ang aking naisip na iluto tutal isa ito sa paborito ng aking asawa hindi man ako sigurado kung kakain siya dito sa bahay pero susubukan ko pa rin magluto ng paborito niya ...sa totoo lang namimis ko na ang dating ugali ng asawa ko...
anim na buwan din niya ako tinuring na parang prinsesa, halos ayaw niya akong magpagod sa mga gawain..
masaya ako sa mga supresang ginagawa niya sa akin noon,,, kung kaya't hindi ako nahirapan na mahalin siya...
nakakalungkot man ang nangyari sa amin hindi ko naman mababago na galit siya sa pamilya ko ,galit siya sa papa bernardo ko at pati sa akin..
agad naman akong napaluha.. dahil sa mga naalala ko.
sinimulan ko na ang pagluluto..maya-maya pa ay nag ring ang aking cellphone...
agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa.. at tiningnan ko kung sino ang caller...
napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ng aking bestfriend..na si ashLey",,
hello beshy kamusta ka na?? malakas na tinig sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag..
ayos lang naman besh naku ikaw talaga daig mo pa ang mega phone sakit sa sa tainga pabirong sabi ko sa kabilang linya...
ehh sa namimis na kita.... beshy ko.. sagot naman ni ash...
ano pa nga ba ganun din ako namis din kita... sabi ko naman
ohh kamusta naman ang buhay may asawa... siya nga pala bibisita ako diyan sayo bukas ha ... kakadating ko lang ngayon dito sa condo ko..
galing kami sa korea ni mommy kaya hindi pa kita nadadalaw diyan sa bahay mo..sabi ulit ni ashley..
ayos lang naman ako besh... naku kahit wag na baka makaabala pa ako sayo...lalo na alam kong marami kang schedule bilang isang artista...sagot ko naman ulit sa bestfriend ko..
ai teka parang ayaw mo naman akong makita,,kahit naman busy ako hindi ko makakalimutan ang beshy ko siguro ay ayaw mo na akong makita sabi ni ashley na may halong pagtatampo...
naku besh hindi sa ganun ha namiss kaya kita ayaw ko lang na makadagdag pa sa mga schedule mo mahirap kayang gawin ang ginagawa mo..pagtatanggi ko naman sa kanya... sa totoo lang gustong gusto ko na din siyang makita kaya lang kilala ko kasi ang aking bestfriend siya ang taong kailan man ay hindi ko pwedeng paglihiman.. kaya kapag nakita niya ako paniguradong malalaman niya ang tunay kong kalagayan ngayon..
ahh basta bukas beshy puntahan kita diyan ohh siya babye na muna ha... at may gagawin na ako see you ..beshy bye..sabi ulit ni ashley..
magsasalita pa sana ako ay agad niya naman ng tinapos ang tawag...
napabuntong hininga naman ako... binalik ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nagpatuloy na ulit sa pagluluto...
Mahigit dalawang oras ako sa kusina.. ng matapos ako sa aking pagluluto... nagpahinga naman ako saglit ..
mukhang nakakapagod ang maghapon na ito ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko nakaramdam ako ng antok... kaya naman inayos ko lang ang mga ginamit ko at ang niLuto ko ...
alasais na ng gabi... mamaya-maya ay darating na si jhon kaya naman nakapagpasiya naman akong matulog muna sa sofa ng sa ganun maabangan ko ang pagdating niya....
nahiga ako sa sofa ... ilang sigundo palang pagkakahiga ko ay agad naman akong nakatulog...
JHON KEMAL POV:
Maaga akong umalis sa opisina.. dumiretso ako sa bar na pag aari ng kaibigan kong si andrew ...
ohh" dude kamusta mukhang mag maglalasing ka naman bungad na sabi sa akin ni andrew...
bakit may iba pa dapat gawin dito sa bar?? malamig kong tanong sa kaibigan ko..
ohh chill ka lang ,, maaga pa para uminit sabi sa akin ni andrew habang nakangiti...
ohh ito na alak mo sabay abot ni andrew ng pinakamatapang na inumin na nasa bar nila... agad ko naman itong kinuha at nilagok...
wala ka na bang ibang gagawin dude" lagi ka nalang naglalasing baka magkasakit ka na yan ..ang akin lang kung may problema ka sa pamilya ng asawa mo sana wag mo na siyang idamay ng sa ganun maging maayos ang pagsasama niyo...seryosong sabi naman sa akin ni andrew..
pwede ba wag mo kung pangaralan ,, sabi ko kay andrew habang lumagok ulit ng alak..
dude" sinasabi ko ito dahil nag aalala ako bilang kaibigan mo..kahit naman mabenta ang alak namin ng dahil sayo hindi ko naman maatim na may mangyaring masama sayo.. tsaka sabi mo ang ama ni scarlet ang may kasalanan hindi ba bakit ang asawa mo ang pinahihirapan mo...paano kung matauhan siya sa ginagawa mo handa ka ba sa magiging kapalit ng mga ginagawa mo sa kanya...??? sabi ulit ng kaibigan kong si andrew..
agad naman akong natahimik dahil sa sinabi niya... hindi ako makasagot handa nga ba ako sa kung ano man ang kahihinatnan ng ginawa ko...nakatingin lamang ako sa baso na may alak..naikwento kona kasi kay andrew ang nangyari
payong kaibigan lang dude" sana wag kang papakain sa galit mo baka ang ginagawa mong paghihinganti ay ikaw din ang balikan ... sabay tapik sa aking balikat ng kaibigan ko...
ohh maiwan muna kita ha at madami pang customer ang pagsisilbihan ko sabay ngiti ng nakakaloko sa akin ni andrew...
tumango naman ako... huminga ako ng malalim ... bahala na kung ano ang magiging kahinatnan ang mahalaga sa akin ngayon ay makapaghiganti kung kailangan kong pahirapan pa si scarlet ay gagawin,ko haaggang sa mawala ang sakit na nasa loob ko.. panigurado naman akong hindi niya kayang umalis sa puder ko dahil kung gugustuhin niya hindi na sana siya nagdalawang isip pa noon na umalis... dahil sa kagustuhan nilang mag ama na mapunta sa kanila ang moonlight company magtitiis siya kahit na di niya ako mahal dahil magkasagwat sila ng kanyang ama kaya hindi dapat ako makaramdam ng awa sa asawa ko dahil ang lahat ng nangyari sa amin ay planado...
lumagok lang ako ng lumagok ng alak hanggang sakupin ng nito ang aking katawan...
maya-maya pa ay may lumapit sa akin isang babae na maputi at may kasexcyhan agad naman itong kumapit sa akin na akala mo linta...
hi baby mukhang malungkot ka gusto mo pasayahin kita... sabi ng babae habang hinihimas himas ang aking pang ibabang kasuotan..
nakaramdam naman ako ng init ng katawan kaya naman sinunggaban ko ito ng halik...
naghalikan kami ng babae subalit tanging nasa isip ko ay ang aking asawa..
huwag tayo dito' pagputol ko sa babae .. tara sa bahay ko sabi ko sa babae na hindi ko alam pangalan ,,na agad naman nitong ikinasabik.... kaya naman hinila ko siya sa papalabas ng bar ramdam ko ang pagkahilo dahil sa tama ng alak kaya naman siya ang inutusan kong magmaneho papunta sa bahay namin ng asawa kong si scarlet... wala naman akong pakiaalam kung ilan babae ang madala ko sa bahay namin dahil alam ko naman wala lang ito sa asawa ko... wala naman siyang nararamdaman sa akin alam kong nakikisama lang siya sa akin para sa inaasam'inaasam nilang makuha sa akin yun ang aming kumpanya ... na siyang hindi ko naman ibibigay sa kanilang mag ama kahit na magkamatayan pa...