Nala POV KINABUKASAN pagpasok ko sa school ay kakaiba ang tingin sa akin ng mga classmates ko. Nagbubulungan sila at nagtatawanan pa. Hindi ko na lang sila pinapansin. Trending nga si Cassandra sa buong school. Pinag uusapan sya. Kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi nila. Kabet, malandi, mang aagaw ng asawa, homewrecker at kung ano ano pa. Nasasaktan din ako para kay Cassandra. Kaya tama lang talaga na hindi muna sya pumasok. "Oh.. nandito na pala ang bff ng kabet ng taon." Anang boses ng isang babae na classmate ko na si Crissy na kararating pa lang. Nagtawanan ang iba ko pang mga kaklase sa hirit nya. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Kinakalmahan ko ang sarili para hindi patulan ang gaga. Pero mukhang tini-trigger talaga ako ni Crissy dahil lumapit pa sya sa

