Nala POV NAPAPITLAG ako ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko yun sa bag at nakitang si daddy ang tumatawag. "Excuse me, Gordon. Si daddy tumatawag." Pasintabi ko kay Gordon. Ngumisi lang sya at tinaas ang hawak na baso. Sinagot ko na ang tawag ni daddy. "Dad.." "Nasaan ka na Nala? Gabing gabi na wala ka pa dito sa bahay." Kumamot ako sa pisngi ng marinig ang galit na boses ni daddy. "Nandito ako sa bahay ng friend ko, dad. Gumagawa kami ng research. Hindi ba sinabi sa inyo ni Kuya Ron?" Tumingin ako kay Gordon. Mahina syang tumawa at umiling iling habang nakatingin sa akin. Namula naman ang mukha ko. Iniisip siguro nya na magaling akong magsinungaling. Pero totoo naman talaga na may research kaming gagawin ni Cassandra. Pero dahil nga sa nangyari ay wala kaming research na

