Nala POV
"WHAT'S going on Lemuel? Bakit nagsipag atrasan isa isa ang mga investor natin?"
Pababa pa lang ako ng hagdan ay dinig ko na ang malakas ma boses ni daddy na nasa sala. Mababakas ang inis sa tono ng kanyang boses. Kasosyo nya siguro sa negosyo ang kausap.
"Punyeta! Stop talking nonsense Lemuel. Baka kapag ako napika ipatumba kita. Do something, hindi yung puro ka dada!"
Natigilan ako sa sinabi ni daddy sa kausap nya sa kabilang linya. Ngayon ko lang sya narinig na nagsalita ng ganun. Nakakapanibago, pero siguro ay dala lang ng disappointment at inis nya sa kausap.
Isa pang malutong na mura ang lumabas sa bibig ni daddy bago nya binaba ang cellphone at pinatay. Humarap sya at natigilan ng makita ako. Kumunot ang kanyang noo.
"Kanina ka pa dyan?"
Bumuntong hininga ako. Bakas ang stress sa mukha ng aking ama at parang lalong tumanda ang kanyang mukha ngayon.
"Kabababa ko lang dad. Pero narinig ko ang pakikipag usap mo sa kabilang linya."
Marahas na bumuntong hininga si daddy at hinilot ang noo.
"Don't mind me, anak. May kaunting problema lang sa negosyo pero maaayos din yun. Teka, saan ka pala pupunta? Bihis na bihis ka." Sinuyod ako ng tingin ni daddy.
"Magkikita po kami ng kaibigan ko sa mall, dad." Sunday ngayon at may usapan kami ni Cassandra na mamasyal. Mag wi-window shopping din kami.
Nagsalubong ang kilay ni daddy. "Sino namang kaibigan yan? Baka bad influence na naman sayo yan at kung saang saang galaan ka na naman niyaya."
Umikot ang mata ko. "Dad, hindi bad influence si Cassandra. Matino sya ok." Kabit nga lang ang kaibigan ko na yun pero at least hindi naman sya plastic na friend.
"Siguraduhin mo lang Nala. Anong oras ka uuwi?"
"Before six dad, nandito na ako sa bahay."
"Five."
"Dad."
"Huwag ng matigas ang ulo mo. Before five nandito ka na sa bahay."
"Fine.." Hindi na ako nagprotesta dahil baka magbago pa ang isip ng ama at hindi na ako payagang umalis. Topakin pa naman sya.
Dinukot ni daddy ang kanyang wallet at inabot sa akin ang kanyang credit card. "Hindi lalampas ng one hundred thousand ang gagastusin mo, ok?"
Kumagat labi ako at kinuha ang credit card sabay ngiti. Ito ang gusto ko kay dad. Kahit istrikto ay galante naman sa akin.
"Yes dad. Thank you." Humalik ako sa pisngi ng ama sa tuwa.
"Sige na, lumakad ka na at magpahatid ka sa driver."
"Magco-commute na lang ako dad." Ngiting ngiti na sabi ko. Syempre may pang shopping na ako.
"No. Magpahatid ka at pag uwi mo mamaya mapagsundo ka. Hindi ka magco-commute. Understood?" Mariing sabi ng ama.
"Ok dad! Magpapahatid ako at magpapasundo mamaya. Bye daddy!" Tumalikod na ako at excited ng lumabas.
Tinawag ko si Kuya Ron na pinupunasan ang salaming bintana ng sasakyan.
"Ma'am Nala, saan po kayo pupunta?"
"Sa mall kuya. Ihatid mo ko."
Kumunot ang noo ng driver. "Alam po ba ni ser na aalis kayo?"
"Oo naman! Binigay pa nga nya sa akin ang credit card nya eh. May pang-shopping na ako." Kinikilig pa na sabi ko. Ngayon pa nga lang ay iniisip ko na ang bibilhin ko.
"Sigurado kayo ma'am ah." Tila nagdududang sabi pa ni Kuya Ron.
Umikot ang mata ko. "Oo nga kuya, gusto mo tanungin mo pa si daddy."
"Mabuti pa nga ma'am na tanungin ko muna si ser. Mahirap na.."
Umawang ang labi ko ng pumasok sa loob ng bahay si Kuya Ron para magtanong talaga kay daddy. Talagang wala na syang tiwala sa akin.
Umikot ang mata ko at hinawakan ang handle ng pintuan ng sasakyan sa backseat. Pero hindi ko yun mabuksan. Nakalock pa sa loob.
Napapalatak na lang ako at hinintay na lang na bumalik si Kuya Ron. Ilang sandali pa nga ay bumalik na sya.
"Ano kuya? Naniwala ka na?"
Ngumisi si Kuya Ron at nagthumps up lang. Dinukot nya ang susi sa bulsa ng kanyang slacks at pinindot yun. Tumunog naman ang sasakyan at may narinig akong mahinang click. Binuksan ko na ang pintong hindi na naka-lock at sumakay na. Sumakay na rin si Kuya Ron sa driver seat.
Binuksan ko naman ang sling bag at dinukot ang wallet at sinuksok doon ang credit card ni daddy. Baka mawala ko pa yun tiyak na papagalitan nya ako.
Kinuha ko ang cellphone at chinat si Cassandra. Sunod naman ay kinuha ko ang maliit kong salamin at tiningnan ang mukha. Tsinek ko kung pantay ang pagkakalagay ko ng winged eyeliner. Ngumiti ako ng makitang pantay naman yun. Na-perfect ko na talaga ang paglalagay nun. Nagbuga ang palagian kong pagpa-practice. Sunod ko namang tiningnan ang round lips ko na pinahiran ko kanina ng manipis na liptint na kulay red orange. Bahagya ko pang pinout ang labi at kinuskos ng daliri ang ibaba.
Perfect!
Napangiti ako sa satisfaction. Hindi ako ggss. Pero alam ko sa sarili ko na maganda ako.
Naalala ko ang laging sinasabi noon ni Tita Malene. Kamukha ko raw si mommy. Parehas daw kaming tsinita at sa kanya ko rin nakuha ang maputing kutis. Hindi ko pa nakikita sa personal si mommy. Sa mga pictures ko lang sya nakikita. Tsinita nga sya at maputi sa mga pictures. Pero sa dami ng mga pictures nya na nakita ko ay wala akong nakita ni isang pictures na magkasama kami noong baby pa ako. Sila ni daddy may ilang pictures pero kaming dalawa wala.
Bumuntong hininga. May bigat sa dibdib ko sa tuwing naiisip ang aking ina. Pakiramdam ko kasi ayaw nya sa akin.
Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Dumilat ako at binalik na sa bag ang salamin. Hindi ko na dapat isipin ang tungkol kay mommy. Kung ayaw nya sa akin eh di ayoko rin sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa mall na tagpuan namin ni Cassandra. Hindi nakaligtas sa pansin ko ang mga tingin sa amin ng mga taong nadaraanan namin. Lalo na ng mga lalaking kahit may mga kasamang babae ay palingon lingon sa amin. Wala na yata talagang loyal na lalaki sa panahon ngayon.
"Mukhang ang dami mong nabili ngayon ah." Nakangising puna sa akin ni Cassandra at tiningnan ang mga paper bag na bitbit ko. Sampung paper bag yun na puro mga branded na damit. Samantalang si Cassandra ay dalawang paper bag at isang plastic bag lang ang bitbit.
Ngumiti ako sa kaibigan. "Binigyan kasi ako ng pang-shopping ni daddy. Worth 100k."
Namilog ang mata nya. "Woah! Sanaol."
"Maka-sanaol ka naman. I'm sure binigyan ka rin ng pang-shopping ng ninong-daddy mo."
"Binigyan nya ako ng sariling atm at credit card."
Ngumisi ako. Mayaman ang ninong-daddy Mannox nya kaya hindi na nakakapagtaka na binigyan sya ng sariling atm at credit.
"O kita mo na. Ako pala ang dapat mag sanaol eh. Sanaol may sariling atm at credit card. Si daddy kasi walang tiwala sa akin."
"Eh kasi gastasera ka." Natatawang sabi ni Cassandra.
Nagkibit balikat ako. "Alam ko naman na gastasera ako at maluho. Hindi ko mapigilan eh. Paano ba naman sinanay na ako ni daddy." Pero sinusubukan ko namang mag ipon kahit papaano.
"Ako naman, wala akong balak na gumastos ng malaki sa shopping."
"Why naman? Sayang naman ang laman ng atm at useless ang credit card mo kung di mo gagamitin."
Ngumuso sya. "Eh hindi ko naman pera yun. Nakakahiyang gumastos ng malaki."
"Pero binigay yun sayo ni Mannox."
"Oo nga. Pero nakakahiya pa rin. Saka isa pa ayoko ring isipin nya na pera lang nya ang habol ko. Ayokong maging kagaya ng asawa nya."
Napangiti na lang ako sa sinabi ng kaibigan. Proud ako sa ugali nya na yan. Kahit kabet sya hindi naman sya mapagsamantala.
Bago kami mag ikot ikot pa ni Cassandra ay kumain muna kami sa nadaanan naming restaurant. Lunch na rin at nagugutom na kami.
"Yes tay, nandito po ako sa mall kasama ko ang kaibigan ko."
Hinarap sa akin ni Cassandra ang cellphone nya at nakita ko ang mukha ng may edad na lalaki. Kumaway ako at ngumiti sa ama ng kaibigan.
"Hello po tay." Bati ko.
Ngumiti naman ang tatay ni Cassandra at kumaway din sa akin. Mukha syang mabait.
"Aba'y maganda rin pala ang kaibigan mo anak. Parang chinese na koreanese. Lumaki ba sya sa farm?"
Natawa kami ni Cassandra sa hirit ng tatay nya. May pagkakwela rin pala ang tatay nya.
"Hindi po sya lumaki sa farm, tay. Laking Manila po sya."
Pinapanood ko si Cassandra na nakikipag usap sa video sa kanyang ama habang kumakain. Masaya silang nag uusap. Panay tawanan at biruan. Kahit malayo sila sa isa't ay masaya silang mag ama kahit sa video call lang nagkikita at nag uusap. Halatang super close sila. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit.
Masaya naman ako kasama si daddy. Pero mas lamang kasi ang hindi ko sya kasama kesa kasama. Nakatira kami sa isang bahay pero bihira lang kami magkita lalo na kapag weekdays. Mas marami kasi syang oras sa trabaho.
*****