Chapter 6

1920 Words
Nala POV "GOSH Cas, para kang inaswang sa hitsura mo ah. Inaswang ka ba?" Manghang tanong ko sa kaibigan ng makita ang mga kalmot nya sa mukha at braso. Tinakpan lang nya yun kanina ng concealer kaya hindi halata. Umikot ang mata ni Cassandra. "Parang ganun na nga bes." Kahit alam ko na ang nangyari sa kanya ay kinwento nya ulit. Dalawang araw syang hindi pumasok dahil may nangyari. Nagbabagan sila ng asawa ni Mannox dahil naghinala na sa kanilang dalawa. Para sa kaligtasan nya ay binukod na sya ng bahay ni Mannox. "Nag file na si Mannox ng annulment kay Tita Veronica. Tutuluyan na nyang hiwalayan ang asawa nya." Aniya sa malungkot na mukha. "Yun naman pala eh. Pero bakit parang hindi ka masaya?" Bumuntong hininga sya. "Hindi naman sa hindi ako masaya, Nala. Medyo magulo lang ang isip ko sa ngayon dahil nga sa nangyari sa amin ni Tita Veronica." Tumaas ang kilay ko. "Don't tell me nagsisisi ka na, na pinatulan mo si Mannox." "Syempre hindi. Pero.. nagi-guilty ako." "Asus! Huwag ka ng maguilty. Sabi mo nga nahuli ni Mannox na may kalaguyo ang asawa nya at isang taon na ang relasyon nila. Mas matagal pa sa relasyon nyo." "Ang sabi ni Mannox matagal na syang paulit ulit na niloloko ni Tita Veronica. Ilang beses na nya itong pinagbibigyan. Pero ngayon hindi na nya ito pagbibigyan at tuluyan na nyang hihiwalayan." "At dahil yun sayo." Dugtong ko. "Ganun na nga." Sang ayon nya. "Eh di dapat maging masaya ka. Sayong sayo na si Mannox. Lalo na kapag naaprubahan na ang annulment nila." "Masaya naman ako Nala dahil ako ang pinili ni Mannox. Pero syempre, hindi ko rin maiwasang malungkot. Mabigat pa rin sa dibdib na may nasaktang tao dahil sa akin. May kasalanan din ako." "Pero doble doble naman ang kasalanan ng asawa ni Mannox kaya keri lang. Huwag kang maguilty. Parang nakarma na rin ang asawa ni Mannox dahil sa panloloko nya. At ikaw ang karma nya." Nakangising sabi ko sabay dampot sa milk tea at sipsip sa straw. "Sana nga matapos na ito. Sana maaprubahan ang annulment. Pero ang sabi ni Mannox kailangan pa rin namang mag ingat na dalawa. Dahil kapag napatunayan ni Tita Veronica na may relasyon kami ay pwede nya yung gamitin laban sa kanya sa korte." Tumango tango na lang ako. Wala naman akong maibibigay na payo sa kanya. Dahil una sa lahat wala pa naman akong experience sa isang relasyon. Lalo na wala akong experience sa pangangabet. Bago bumalik sa klase ay tinulungan ko si Cassandra na takpan ng concealer ang mga kalmot nya sa mukha at braso. Siguradong kasing magtataka ang professor at mga classmate namin kapag nakitang may mga kalmot sya. Kinahapunan pagkatapos ng klase namin ay hindi kami nakalabas ng gate dahil nagaabang sa labas ang asawa ni Mannox. Mukhang gagantihan sya kaya sa kabilang gate na lang kami dumaan. Tatawa tawa pa kaming dalawa. . . Gordon POV "IT'S a pleasure to meet you Mr. Diosdado Pareñas." Nakangising bati ko sa lalaki sabay lahad ng kamay. Sa wakas nagkaharap na kami ng lalaking syang dahilan ng pagkamatay ni Lolo Valentine sampung taon na ang nakakaraan. Tinanggap ni Diosdado ang kamay ko at bahagyang pinisil. Malapad ang kanyang ngiti sa labi. "It's my pleasure to meet you too Mr. Maceda. Masaya ako na makita ka at maraming salamat na pinaulakan mo ako ngayong araw na ito. Have a seat." Minuwestra nya ang upuan sa kanyang harapan. Hinila ko naman yun at umupo na. Tinawag ni Diosdado ang waiter. Kape lang ang inorder ko. "I'm sorry for the delay Mr. Pareñas. Hectic lang masyado ang schedule ko this past few months." Saad ko at binaba sa saucer ang tasa. "It's ok Mr. Maceda. I understand, ganyan din naman ako. Sobrang busy din kaya yung iba kong mga investors at kliyente ay hindi ko minsan nasisipot at pinapa-reschedule na lang ang meeting." Ani Diosdado na binuntutan pa ng tawa. Natawa na lang din ako. Sinadya ko talaga na i-delay ng i-delay ang meeting namin. Gusto kong maging desperado pa sya. Imporma sa akin ng espiya ko sa kanyang kumpanya ay laging mainitin ang kanyang ulo. Paanong hindi mag iinit ang ulo nya, isa isa ng nagsisialisan ang nga investors nya pati ang ilang mga bigating kliyente. Patong patong na rin ang mga utang nya sa mga bangko at loan company. Idagdag pa na nahuhumaling sya sa sugal sa casino na lalong nagpapalaki ng utang nya. Unti unti ng lumulubog ang negosyo nya. At lalo ko pa syang ilulubog sa kumunoy na syang may gawa. Babawiin ko ang lahat ng kinuha nya kay Lolo Valentine. Wala akong ititira sa kanya ni singkong duling.. "Are you sure na pauutangin mo si Diosdado ng dalawang bilyon?" Tanong ni Lemuel. Ang kanang kamay ni Diosdado at ang espiya ko at kaibigan. "Yes." Nakangising saad ko at prenteng umupo sa swivel chair. Kababalik ko lang dito sa aking opisina galing sa pakikipagkita kay Diosdado Pareñas. Iniwan ko ang lalaki na malapad ang ngiti at tuwang tuwa. "Bukod sa nakipag partnership ka na sa kanya pinautang mo pa sya ng dalawang bilyon. Lalo mo syang nilulubog Gordon." Lalong lumapad ang ngisi ko. Humugot ako ng isang stick ng sigarilyo at inipit yun sa labi. Dinampot ko ang lighter at sinindihan ang sigarilyo. Hinithit ko ito hanggang sa bumaga at binuga ko ang usok sa ere. "Yun nga ang plano ko. Ilulubog ko sya sa utang at aagawin ko ang kumpanya nya. Lilimasin ko ang lahat ng ari arian nya. Wala akong ititira sa kanya kahit ang dignidad nya." Umiling iling si Lemuel at umupo sa single couch. Nag salin sya ng alak sa baso. "Ako na ang bahala dyan." "I know, but be discreet Lemeul. Tuso din ang Diosdado na yan." Paalala ko sa kaibigan. "Don't worry Gordon, maingat ako. Hindi sya makakahalata sa akin." Aniya at tinaas ang basong hawak na may lamang alak at tinungga ito. Muli ko namang hinithit ang sigarilyo at binuga pataas ang usok. Kung naisahan ni Diosdado si Lolo Valentine, magkakamali sya sa akin. Ako ang bangungot nya na unti unting papatay sa kanya. Bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Mannox. Nagbatian pa sila ni Lemuel. "Kamusta ang bagong mansion, pare?" Nakangising tanong ko sa kaibigan. Nginisihan din ako ni Mannox. Ngising naka-score na naman. "It's cool. Nagustuhan ni Cassandra ang bahay. Nag enjoy nga kami." Aniya. "Parang ibang enjoy yan ah." Hirit ni Lemuel. "Kung anoman ang nasa isip mo Lemuel, yun na yun." Sabi ko. Tumawa naman si Lemuel. "Tss, mga inggit lang kayo dahil zero ang love life nyo." Bira ni Mannox sa amin. "Uy hindi zero ang love life ko. May asawa't anak na ako, baka si Gordon lang yun." "Oo na, ako na ang walang love life. Pero hindi ako naiinggit ok." "Mainggit ka na, pare. Masaya ang may asawa lalo na kung may anak." Dagdag pa ni Lemuel. "Kung masaya ang may asawa, bakit miserable si Mannox. Hindi lahat ng may asawa, masaya." Nakangising sambit ko. "Nagkamali lang si Mannox ng babaeng pinakasalan kaya naging miserable." "Hey hey! Hindi ako nagpunta rito para pulutanin nyo ang miserableng buhay asawa ko. Nagpunta ako dito para ibalita na opisyal na akong nag-file ng annulment kay Veronica." Sabat ni Mannox. Nagsipulan naman kami ni Lemuel. "Congratulations pare. Sa wakas natauhan ka na." Ngumisi lang si Mannox. Pero natigilan sya ng tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot nya yun sa bulsa ng kanyang trouser at sinagot. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Napangisi naman ako. Obvious sa kanyang ngiti kung sino ang tumawag. "What? Nasaan sina Gary at Menacio?.. f**k!.. Pupunta na ako dyan. Huwag kayong lalabas ng sasakyan ni Nala.. Yes! I'm coming baby." Kumunot ang noo ko ng magdilim ang mukha ang mukha ni Mannox. Nangangalit din ang kanyang panga. "What's the problem?" Kyuryoso kong tanong. Tumingin sa akin si Mannox. "Hinarangan ni Veronica ang sasakyan na lulan ni Cassandra at ng kaibigan nya. May kasama syang dalawang armadong lalaki at tinutukan ng baril ang dalawang bodyguard. I have to go pare, baka mapaano pa si Cassandra." "Sasamahan na kita." Presinta ko at dinutdot ang upos na sigarilyo sa ashtray at tumayo na. "O paano, hindi na ako sasama. Kaya nyo ng dalawa yan. Ako'y babalik na sa trabaho dahil hinihintay na ako ng boss ko." Nakangising paalam ni Lemuel. Tinanguan ko naman sya. Lumabas na kami ni Mannox sa opisina ko. Tinawagan nya ang kanyang mga tauhan. Ganun na rin ako. . . Nala POV TUMITILI kami ni Cassandra habang tumatakbo paikot sa sasakyan. Hinahabol kami ng bruhang asawa ni Mannox na may hawak na tubo. Pero sa huling ikot namin ay nakorner nya kami. Sabay kaming tumili ni Cassandra ng itaas ng bruhang asawa ni Mannox ang hawak na tubo pero nasalo ni Cassandra yun at hinawakan ng mahigpit. "Nala tulungan mo ko!" Untag sa akin ng kaibigan. "O-Oo!" Natatarantang sabi ko at hinawakan din ng mahigpit ang tubo. Naghilahan kami sa tubo ng asawa ni Mannox na nanggagaliti na ang mukha sa galit. "Huwag kang mangialam kung ayaw mo ring tubuhin kita!" Singhal ng asawa ni Mannox sa akin. Nagpanting ang tenga ko. Ano bang akala ng bruhang to? Uurungan ko sya? "Eh di tubuhin mo kung makukuha mo ang tubo witch!" Matapang na sabi ko. "Ah ganun ha? Gusto mo palang madamay ha!" Pilit hinihila ng babae ang tubo. Pero dahil dalawa kami ni Cassandra ay nahirapan sya hanggang sa napabitaw sya at napasalampak sa semento. Hinawakan ko mag isa ang tubo at nginisihan ang bruhang babae na pulang pula na ang mukha sa galit at pagkapahiya. "O ano ka ngayon ha? Gusto mo ikaw ang tubuhin ko eh!" Tinaas ko ang tubo at inambaan ng hampas ang babae na napatili naman. "Hayaan mo na sya Nala tumakbo na tayo!" Saway sa akin ni Cassandra at hinawakan ang kamay ko. Hinagis ko na lang sa malayo ang tubo at tumakbo kami ni Cassandra palayo sa bruhang asawa ni Mannox na nababaliw na. Narinig namin na nagsisigaw ito at inuutusan ang dalawang tauhan na habulin kami. Nataranta naman kami ni Cassandra at hindi alam kung saan pa tatakbo. Pero mabuti na lang at alerto ang dalawang bodyguard nya. Tinutukan ng mga ito ng baril ang dalawang lalaki. Galit na galit naman ang asawa ni Mannox sa katangahan ng dalawang tauhan nya. May humintong apat na sasakyan sa harapan namin. Itim na itim at mamahaling mga sasakyan ang mga yun. Bumaba ang ilang kalalakihan na mga nakuniporme. Sumunod namang bumaba si Mannox na nakaguhit sa mukha ang pag aalala. "Cassandra!" Lumapit si Mannox sa amin ni Cassandra. "Mannox!" "Are you ok? Ayos lang kayo ni Nala? Ang sabi ko huwag kayong lalabas di ba?" "Ayos lang kami. Pero si Tita Veronica nababaliw na naman. Pinaghahampas nya ng tubo ang sasakyan kaya lumabas na kami." Tumaas ang kamay ni Mannox at akmang yayakapin si Cassandra. Pero pinigilan ni Cassandra ang kamay nya. "Nandyan si Tita Veronica at ang kaibigan nya. Nakatutok sa atin ang cellphone. Malamang vinivideohan tayo." Nag aalalang sabi ni Cassandra. Tumiim bagang si Mannox at tumingin sa asawa nyang bruha na masama ang tingin sa kanila ni Cassandra. "Sumunod kayo sa akin. Doon kayo sa sasakyan ko." Sumunod kami ni Cassandra kay Mannox sa kanyang sasakyan. Pero ang mata ko ay nakatuon sa malaking lalaki na lumapit sa dalawang tauhan ng asawa ni Mannox. Kasunod nya ang ilang lalaki. Si Gordon. Ang lalaking pinanabikan kong makita. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD