Nala POV PAGDATING sa bahay ay naabutan ko si Emy na pinagbebentahan ang isang bumibili. Binati nya ako ng makita nya. "Si Noelle at Aling Odessa?" Tanong ko. "Nasa loob po si Noelle. Si Aling Odessa po umuwi saglit para isilong yung mga sinampay nya." Tumango ako at pumasok na sa bahay. Medyo lumalakas na nga ang ambon. Naabutan ko si Noelle na tutok ang mata sa hawak na tablet habang nakasalampak sa sahig. Ngumiti ako. Sobrang namiss ko sya sa buong maghapon. "I'm here na." Nag angat ng mukha si Noelle at namilog ang mata ng makita ako. "Mommy!" Tumayo sya mula sa pagkakasalampak sa sahig at tumakbo sya palapit sa akin sabay yakap ng mahigpit sa aking bewang. "I miss you mommy. Ang tagal mo po nawala." Nakangusong saad ni Noelle na malungkot pa ang mga matang parang ii

