Gordon POV "NANGUNGUPAHAN na lang ngayon sa isang maliit na bungalow na bahay ang mag ama. Tuluyan na ngang nawala sa kanila ang bahay nila. Kinuha na ng bangko pati na ang mga lupang sinangla noon ni Diosdado. Pati na ang kanilang mga sasakyan at ilang nga maliliit na ari arian. Wala ng natira sa kanilang mag ama. Umalis na rin ang mga kasambahay at mga driver." Bumuntong hininga ako sa binalita sa akin ni Lemuel. Tuluyan na ngang naghirap si Diosdado. Alam kong marami syang utang. Sa mga bangko at mga lending company. Pero hindi ko inakala na ganun kalaki ang utang nya at nakasanla pa ang mga ari arian nya. Kasalanan naman nya ang lahat kung bakit naghihirap na sya ngayon dahil ganid sya. Kinakarma na sya. Nadadamay pa si Nala sa paghihirap nya ngayon. "Kamusta si Nala?" Tanong ko s

