Nala POV ILANG araw kaming madalas magkatawagan ni Gordon. Ako lang pala ang tumatawag sa kanya. Panay ang sabi nya istorbo daw ako sa trabaho nya pero hindi naman nya ako binababaan ng cellphone. Pero tuwing tanghali at gabi lang naman ako tumatawag sa kanya. Yung alam kong may libreng oras na sya. At syempre sa bawat usap namin sa cellphone, simple rin akong lumalandi sa kanya. Gaya ngayon. "Actually I'm wearing only oversized t-shirt lang saka panty. Hindi kasi ako sanay na nagba-bra kapag natutulog eh. Naiipit ang boobs ko at nahihirapan akong huminga. Saka hindi rin daw safe na may suot na bra kapag natutulog." Kumagat labi ako ng marinig ko ang malalim na hininga ni Gordon sa kabilang linya. Naapektuhan kaya sya sa mga sinasabi ko? Ang alam ko mabilis maapektuhan ang mga lalaki

