Nala POV "EMY, si Noelle? Nakita mo?" Tanong ko sa bago kong katuwang sa tindahan. Anak sya ng isa sa mga kapitbahay ko na huminto sa pag aaral dahil sa financial problem. Nagdesisyon na akong kumuha ng makakatuwang sa tindahan dahil medyo nahihirapan na rin ako lalo pa kapag sabay sabay na ang dating ng mga mamimili. "Nandya lang po sya kanina ate, kalaro ang mga anak ni Ate Nilet." Ani Emy na pinupunasan ang mga garapon. "Ganun ba. Sige hanapin ko na lang sa labas. Ikaw muna ang bahala dito." "Opo ate." Lumabas ako ng pinto ng bahay at nagsuot ng tsinelas. Alas otso pasado na ng umaga at halos tirik na ang araw. Ang anak ko ay katatapos lang kumain kanina ay lumabas na ng bahay ng makakita na ng ibang bata. Hinahayaan ko namang maglaro si Noelle basta hindi sa tabi ng kalsada

