Nala POV "CASS.. pag isipan mo ang sinabi ko. Wala namang masama kung magpapatingin ka sa psychiatrist. Hindi naman porke't magpapatingin ka baliw ka na." Payo ko sa kaibigan. Awang awa ako sa hitsura nya ngayon. Nangangayayat sya at namumutla. Ang sabi ni Mannox, kahit ang magpaaraw sa labas ay ayaw nya. Talagang dinibdib nya ang eskandalong kinasangkutan. Kung ako rin ang nasa posisyon nya, baka ganyan din ako. "Ayos lang talaga ako Nala. Mukha lang akong baliw pero nakakapag isip pa naman ako ng matino." Natatawa pang sabi nya. Pero walang buhay ang kanyang ngiti gaya ng kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako. Iniba ko na lang ang usapan para malibang sya. Kinuwento ko sa kanya na hindi na sya napag uusalan sa school at pwede na sya uling pumasok. Pero hindi pa raw sya handa k

