Nala POV PAGKATAPOS naming kumain ni Gordon ay nagpababa lang kami ng kinain saka nya ako ipinasyal sa buong resort sakay ng golf cart na sya ang nagmamaneho. Enjoy na enjoy naman ako sa mga nakikita. Ibang iba itong beach resort nya sa lahat ng beach na napuntahan ko. Very classy at parang private resort sa ibang bansa na nakikita ko lang sa social media. May sarili din ditong shopping center na puro mga luxury brand naman ang mga tinitinda. Kunsabagay afford naman ng mga guest na bigatin. "Careful Nala." Paalala sa akin ni Gordon habang mabilis akong humahakbang pababa sa batong hagdan. Bumitaw kasi ako sa kamay nya at nagpatiuna ng bumaba para makarating sa dalampasigan. Excited na kasi akong itampisaw ang mga paa sa dagat. Narito kami ngayon sa pinaka likuran ng resort na restric

