Nagsimula na si Kent sa kanyang bagong trabaho sa mga Vasquez bilang hardinero, pinag aralan niyang mabuti ang pasikot sikot sa lugar, pati na rin kung saan nakatago ang mga CCTV Camera’s sa loob ng mansyon. Inayos niya na ang hose upang lumabas doon ang tubig at madiligan niya na ang mga halaman ngunit nalaglag ang panga niya sa kagandahan ni Lorna, nakasuot ito ng ternong white two piece na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Umupo ito sa beach chair sa may gilid ng pool at inenjoy ang magandang sikat ng araw mula roon. Napakaganda ng katawan nito at lalaki lamang si Kent na normal na mahumaling sa angking karisma at alindog ng babae ngunit kaagad siyang nag iwas ng tingin ng mapansin siya ni Lorna na nakatingin. “Kent!” bulyaw nito sa kanya ngunit nagkunwari siyang hindi na

