CZARINA Naalimpungatan ako at nakaramdam ng uhaw. Kaya bumangon ako sa kwarto ko para bumaba ng kusina ng maisipan kong silipin si Uncle Joe sa kwarto nito. At nang pihitin ko ang doorknob ng pintuan nito todo pa cute pa ako ng bumungad sa akin ang walang tao. Nasaan si Uncle Joe? Bumaba ako ng hagdan at baka sakaling nasa sala, kusina ito. Pagbaba ko una kong pinuntahan ang kusina at nauuhaw na talaga ako. Hindi ko naman siya nakita pa. Naglakad ako patungo sa sala hindi ko rin siya nakita doon. Nagtataka na ako kong umalis ba siya o hindi. Gusto ko sanang magtanong kanila Manang Yolly o Ibyang kaso naisip ko gabi na rin naman baka dyan dyan lang rin si Uncle at nagpunta sa mga kaibigan nito. Umakyat na ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama hanggang sa nakatulog na ako. Hindi ako p

