CHAPTER 30 Ilang minutong natahimik si Haris, tila ba nag-iisip pa siya kung dapat ba niyang sabihin sa akin ang totoo. But no, please, don't lie to me. Tama na sa pagpapanggap, sa pagsisinungaling at gawin akong tanga. I may be a bad person here, but this is too much to handle. Siguro nga ay malandi ako, papalit-palit ng boyfriend, pero hindi ako iyong tipo ng taong manloloko dahil ayoko sa lahat iyong cheater. Ayokong tularan ang gawain ni Daddy. Iyong rason kung bakit nasira ang pamilya namin. At ngayon, labis ko nang kinatatakutan iyong pagsinungalingan ako kagaya ng ginawa ni Mommy, iyong pagpapanggap na katulad ng ginawa sa akin ni Larisa. I don't want lies anymore. Even if it's white lies, na para sa akin dahil ayaw nila akong masaktan, pero huwag na lang. Mas okay na maging ta

