Rexenne’s POV Pagpasok ko ng apartment ko ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko. Nagtaka ako nang madatnan kong wala na si Klyde doon. Hala? Nang umalis ako ay natutulog lang siya dito. Nilibot ko ang buong apartment ko pero wala akong Klyde na nakita. Bumalik ako ulit sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko at nakita ko na may message ako galing sakanya. Fr: Klyde Rexenne, pasensya na kung hindi na kita nahintay. Kailangan ko na kasing umuwi. Instead of texting back I just decided to call him. It took 3 rings before he answered. “Hello?” bungad niya sa kabilang linya. Halos mapatalon naman ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. “Bakit kailangan mo kaagad umuwi? May nangyari ba?” nag-aalala kong tanong. Hindi naman kasi ganito dati si Klyde. Hawak niya parati ang oras niya.

