“Rexenne, si nanay nasa ospital.” “Saang ospital?” nagpapanic niyang tanong. “Text ko na lang sayo.” sagot ni Cholo mula sa kabaling linya. Nagtataka siyang tinignan ni Klyde. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang nangyayari. “What happened?” nag-aalala nitong tanong. “I have to go.” aniya at hindi na hinintay na magsalita si Klyde at tumakbo na palabas. Klyde was left dumbfounded. Hindi niya alam kung susundan niya ba si Rexenne o hahayaan na lang but in the end, hinayaan niya na lang ito. Sa lahat ng babae na nakasama niya si Rexenne na yata ang pinakamahirap basahin. Hindi mo mababasa kung gusto ka ba niya o ayaw niya sayo. Akala mo kilala mo na siya pero hindi pa rin pala. She’s mysterious in her own ways. Akala mo kilalang-kilala mo na siya pero wala pa pala sa kalahati ng nalala

