Bumalik na ulit ako sa unit ni Klyde, hindi na ako sumama kay Cholo. Pinauwi ko na lang siya at kinausap ng masinsinan. Nadatnan ko siya na nakaupo sa sala sapo-sapo ang noo niya, he looks frustrated. "Hoy Klyde," tawag ko sakanya. Nag-angat siya ng tingin at mukhang nagulat siya na makita ako. Tumayo siya bigla. "You're here," sabi niya. "No, I'm there." I joked pero hindi siya tumawa, seryoso pa din siya. "Rexenne, pasensiya ka na kung nasigawan kita." Sabi niya at mukhang sincere naman siya. "Ayos lang, ano ba kasing nangyari?" Tanong ko. "Wala, ayoko ng pag-usapan." Sabi niya. Bumuntong hininga ako. "Sige, sabi mo e." Sabi ko. Baka nabitin lang siya? O baka naman hindi natuloy ang mahalay nilang session. "Akala ko sumama ka na dun kay Cholo," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kil

