Bilog ang buwan at malamig ang simoy ng hangin. Naglalakad kami ngayon sa kung saan ni Klyde, hindi na namin tinapos ang prom. "Bilog na bilog ang buwan," komento niya habang nakatingin sa taas. "Malamang. Magtaka ka kung oblong yan," sarcastic kong sagot. Tinawanan niya lang ako. Napakunot ang noo ko. "Abnormal ka ano?" kunot noo kong sabi. "Huh? Hindi ah." sagot niya. "Eh bakit nababara ka na tumatawa ka pa?" nagtataka kong tanong. Kung ako ang binabara malamang ay nasapak ko na kung sino man iyon. "Anong gusto mo? Sapakin kita?" pilosopo niyang sabi. "Ugh. Whatever!" inis kong sabi. Walang kwentang kausap. "Rexenne," tawag niya saakin. Tinignan ko lang siya na para bang naghihintay ng sagot. "Anong klaseng tao ang paningin mo saakin?" tanong niya. Bakit naman naisipan niyang it

