CHAPTER 35 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! LYNDEL (POV) Pinapasok ko na muna si Xonia sa loob ng pad. Tumatanggi siya ngunit napilit ko pa rin sya. Binigyan ko na rin siya ng maiinom. Naupo kami sa magkabilang dulo ng mahabang couch. “Sandali lang huh nagbibihis na siguro nyan si Arwynn.” Sabi ko. “No that’s fine. Dapat nga doon na lang ako sa baba naghintay. Naabala pa tuloy kita.” Aniya. “No okay lang.” I paused kahit na alam ko na naman ang gusto kong sabihin. “Xonia I hope na hindi ka ma-offend sa tanong ko pero may boyfriend ka na ba? Asawa?” Napako ang tingin niya sa akin. Hindi sya kaagad nakasagot. “No-no, wala pa akong boyfriend at asawa.”

